Kabanata 28 - New House

28.9K 639 19
                                    

Kabanata 28 - New House





SUMUNOD SILA JOE sa nurse para dalhin sila sa naging room ni Lia. Nakaalalay sa kanya si Drake habang naiwan naman ang Tiya niya at si Cj sa room nila. Kinakabahan siya dahil baka kung ano na ang nangyari kay Lia. Kahit naman saglit lang sila nagkakilala ay nakakaramdam siya ng pag-aalala rito. Napakarami ng dinanas nito. At tila wala pang pamilya na nag-aalala rito.

Binuksan ng nurse ang pinto I.C.U. kaya pumasok sila. Nakita nila na maraming nurse at doctor sa loob, kasama na ang kaibigan ni Drake na si Andrew.

"Anong nangyari kay Lia, Andrew?" tanong ng asawa niya.

"Look." sabi ni Andrew at umalis sa gawi ng higaan ni Lia na natakpan nito. At ang bumungad sa kanila ay si Lia na gising na. Agad silang nagkatinginan ni Drake at napangiti silang lumapit kay Lia.

"Lia, mabuti at gising ka na. Sorry dahil ako ang dahilan kaya ka nandyan." sabi niya rito. Ngumiti at umiling ito sa kanya.

"Wala kang kasalanan, Joe. Siguro ay binigay lang sa akin ang pagsubok na ito. Maraming salamat rin at hindi niyo ako pinabayaan ni Drake. Utang ko rin sa inyo ang buhay ko, salamat." mahinang sabi nito na medyo paos. Siguro ay dahil sa nangyari ritong pagkaka-coma.

"Drew, bakit sabi niyo ay matagal pa bago siya magising? Hindi naman sa ayaw ko pero naguguluhan ako." tanong niya kay Andrew.

"Well, hindi ko rin alam kung bakit. Pero siguro lumaban si Ms. Salazar kaya nakayanan niya." tugon ni Andrew sa kanya. "Ayos na rin ang heart beat at pagdaloy ng dugo niya. Pero susuriin pa namin siya para makasiguro." pagpapatuloy nito kaya tumango siya at tumingin muli kay Lia na nakatingin pala kay Andrew. Napangiti siya at tumingin kay Andrew na kausap si Drake. Lumapit siya kay Lia na nagulat pa na napatingin sa kanya.

"You like him?" tanong niya na kinapula ng mukha nito.

"Ano bang pinagsasabi mo? Kakakita ko pa nga lang kay Doc Andrew, gusto na agad?" pagkakaila nito at umiwas ng tingin.

"Alam ko single si Andrew." sabi pa niya.

"Ano naman pakialam ko? Oo, gwapo siya, mukhang mayaman at meron ring stable job. Pero kahit naman magkagusto ako sa kanya ay hindi naman ako n'yan magugustuhan. Wala ng lalakeng tatanggap sa akin dahil wala na akong dangal." mahinang sabi nito.

"Wag mong i-down ang sarili mo. Hindi mo pa nga kilala ang tao. Malay mo, magustuhan ka niya kahit na ano pa man ang nakaraan mo." sabi niya rito. Umiling ito tila hindi sang-ayon sa kanyang sinabi.

"Hindi rin ako n'yan magugustuhan, Joe. Alam ko na ang katulad niya na mas hanap ang desente at virgin pa na babae. At baka bumalik nalang ako sa probinsya pagkalabas ko rito. Dadalawin ko sila Sister na noo'y kumupkop sa akin." sabi nito.

Napahinga siya ng malalim at hinawakan ito sa kamay na nasa tiyan nito.

"Basta kung ano man ang problema mo, asahan mo na narito lang ako. Wala na sa akin lahat, basta ayusin mo ang buhay mo at magpakatatag ka." bilin niya rito. Humawak din ito sa kamay niya at hinaplos.

"Salamat at sorry sa lahat. Pangako aayusin ko ang buhay ko." sabi nito. Ngumiti siya rito at napahinga ng malalim.

"Hon.." tawag sa kanya ni Drake. Lumingon siya rito at lumapit ng senyasan siya nito. "Sabi ni Andrew ay pwede ka na daw umuwi. Kaya uuwi na tayo." sabi nito.

"Paano si Lia?" tanong niya.

"Ako ng bahala sa kanya, Joe." sabi ni Andrew kaya tumango siya at tumingin kay Lia na nakapikit na. "Kailangan na rin muna niyang magpahinga at 'pag magaling na ang sugat niya ay pwede na rin siyang ma-discharge." pagpapatuloy nito.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Where stories live. Discover now