Kabanata 11 - Deliryo

30.2K 723 7
                                    

Kabanata 11 - Deliryo


NAKANGITI si Joe habang pinagmamasdan ang dagat. Napakasaya niya na makasama at mas lalong makilala ng pamilya ni Drake. Wala man ang iba nitong kapatid ay ayos lang. May ibang araw pa naman.

Namasyal sila ni Drake sa hotel, resort, at iba't-ibang pasyalan pa rito sa isla. Complete package na ang isla dahil lahat ng makikita mo sa pasyalan sa maynila ay meron din sa isla. At kanina din ay nag-scuba diving sila ni Drake. Tuwang-tuwa siya dahil napakadaming iba't-ibang uri ng isda sa pinakagitna ng karagatan.

"Hon, nandyan ka pala. Pasok na tayo baka malamigan ka." pukaw sa kanya ni Drake na hindi niya namalayan na nakalapit na ito. Pinatungan nito ang balabal  na dala sa balikat niya dahil padilim na rin at malamig ang hangin.

"Uuwi na ba tayo?" tanong niya rito habang naglalakad na sila paalis sa tabi ng dagat.

"Bakit gusto muna ba?" tanong nito at umakbay sa kanya. Umiling siya na kinangiti nito. "Good. Dahil may surprise pa ako sa'yo." Sabi nito na halos pabulong na ang huli kaya hindi niya narinig.

"Ano 'yun?"

"Wala. Ang sabi ko, baka magtampo si My pag umuwi agad tayo." sagot nito kaya tumango nalang siya.

Inalis nito ang pagkakaakbay sa kanya at nagulat isya ng humarang ito sa dinaraanan niya at naupo.

"Sakay ka, Hon. Bubuhatin kita hanggang sa bahay." sabi nito at tinuro ang likod nito.

"Wag na. Kaya ko naman maglakad hanggang sa inyo." tanggi niya.

"Sige na. Mabuhangin at baka marumihan ang paa mo." pamimilit nito.

"Ano ka ba! Madumi naman na talaga dahil naglakad na ko papunta rito. Pero dahil mapilit ka, sige." sabi niya rito at niyakap niya leeg nito.

Hinawakan siya sa magkabilang binti at tumayo na. Pinatong niya ang baba sa balikat nito at ngumiti.

"Bakit kaya napaka-sweet mo ngayon, ha?" tanong niya rito.

"Sweet naman talaga ako, lalo na pagdating sa'yo." tugon nito kaya lalo siyang napangiti.

Kiniss niya ito sa pisngi ng mariin at tumingin rito. Napangiti ito at kita niya na namula ang pisngi nito.

"Oh! Nagbublush ka, Honey?" tukso niya rito habang nakaturo sa pisngi nito.

"Hindi, Hon. Dahil lang sa araw kanina. Tsaka ang dilim-dilim na nakita mo pa kung nag-blush ako o hindi?" depensa nito.

"Maliwanag pa kaya. Palusot ka lang, e." pang-aasar niya rito.

"Hay! Wala talaga akong lusot pagdating sa'yo." pagsuko nito kaya natawa siya. Napahinga siya ng malalim at pumikit. Nakaramdam kasi siya ng biglang hilo.

"Hey, are you okay?" tanong nito ng matahimik siya.

"Yeah. Napagod lang ako sa pamamasyal natin." sabi niya rito upang hindi na ito mag-alala pa.

"Ganun ba. Akala ko ay may dinaramdam ka." Ani nito. Napangiti nalang siya at mas humilig rito.

PAGDATING sa bahay ng magulang nito ay napababa na siya. Napakapit siya sa braso nito ng ma-out of balance siya.

"Ayos ka lang ba talaga?" nag-aalala na nitong tanong.

"Oo, nabigla lang ako sa pagbaba ko." nakangiti niyang tugon rito. "Tara na." aya niya rito at hinatak na papasok ng bahay.

Umakbay ito kaya humawak siya sa bewang nito. Pagpasok palang nila ay nakarinig na sila ng masayang mga nag-uusap.

Sa sala ay nakita nila ang magulang ni Drake na tuwang-tuwa na pinanood si Benj na sumasayaw habang nakasuot ng damit ni Bettina na tila napagtripan ng magulang nito. Nagkatinginan sila ni Drake at natawa sa nakita.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon