Kabanata 17 - Surprise Wedding

28.8K 626 20
                                    

Kabanata 17 - Surprise Wedding

PAGLABAS ni Drake sa kwarto ay nakita niya na tawang-tawa si Bettina habang nakatutok sa tablet nito. Tila merong nabasa na nakakatawa.

Narito ang pamilya niya sa maynila upang tulungan siya sa isang bagay na dapat matagal na niyang ginawa. Gusto na niya na maging totoo ang lahat. Ayaw niya na may masayang pang oras dahil napagtanto niya na baka sa huli ay magsisi siya dahil huli na ang lahat.

Napadako ang tingin ni Bettina at Magnolia sa kanya na parehong humahagikgik.

"What's funny, ha?" tanong niya.

"Look, Kuya. Nag-post si Ate Joe sa facebook account niya." sabi nito kaya lumapit siya at kinuha ang tablet pad ni Bettina. Tinignan niya at binasa ang sinasabi nito. Napangiti siya dahil tila nagseselos ito. "Selos na selos si Ate. Akala niya may iba kang papakasalan." pagpapatuloy ni Bettina na napahagikgik na naman.

Binalik na niya rito ang tablet pad nito dahil iyon lang naman ang post ni Joe. Nakabihis na sila Bettina at Magnolia na light pink off shoulder gown habang may nakapalibot sa mga ulo nito na bulaklak na puti.

"Sila My, nasaan na ba?" tanong niya sa mga ito habang nakaupo sa sofa at sinusuot ang sapatos.
Naka-dark blue siya na tuxedo na may ribbon na black sa kwelyo. Habang naka-wax na rin ang kanyang buhok.

"Pinuntahan si Ate Joe." tugon ni Bettina na kinaangat niya ng tingin.

"What?! Bakit nila pinuntahan? Baka masira ang plano ko?"

"Ano ka ba, Kuya! Alam mo naman na 'pag Mommy ang gagawa ay tiyak na hindi iyon magpapahalata. Basta relax ka lang. Masyado kang halata na nate-tense ka." sabi nito.

"Tsk." 'yun nalang ang na-react niya at tumayo na. Tumingin siya sa pamisig na relo at malapit ng mag three thirty. It's two twenty five.

"Let's go." aya niya sa dalawa pero napahinto siya ng maalala ang iba niyang kapatid.

"Anyway, where's your brothers?" tanong niya kay Bettina.

"Sila Kuya Deo, Diesel, Seige, Samuel ay nasa church na. At sila Kuya Duke and Ate nestle ay naroon na din kasama si Baby Racer." sabi nito.

'Merong kulang. Where's Benjamin?' Ani ng isip niya.

"Kasama nila Mommy. Gusto daw niyang makita ang crush niya."

Tila nabasa ni Bettina ang isip niya kaya ito na ang sumagot. Napakunot-noo siya sa sinabi nito.

"Crush? Sino?"

"E, sino pa ba? Maliban kay Ate Nestle, si Ate Joe na sinunod no'n. Naku, nagbibinata na agad."

Napailing siya at niyaya na ang dalawa.

-

SAMANTALA, nakaharap sa salamin si Joe habang inaayusan siya. Hindi niya alam kung bakit siya pina-a-ayusan ng Mom ni Drake. Nakaupo ito sa kama niya habang binabantay siya upang 'wag ng magreklamo. Hindi ba nito alam na wala na sila ng anak nito? Hindi ba nito alam na ikakasal na sa iba ang anak nito at hindi sa kanya?

"Mom, bakit n'yo ba ako pinapaayusan?"

Sa wakas nakapagtanong na rin siya.

"Wala. Ngayon ang kasal ng Anak ko at gusto ko na dumalo ka para masaksihan mo." sabi nito na kinasama ng loob niya. Wala ba itong pakialam sa mararamdaman niya? Sino namang babaeng iniwan ang manonood ng kasal ng kanyang minamahal? Mga gusto lang saktan ang sarili ang makakagawa no'n.

"Pero Mom, gusto niyong makita ko ang anak niyo na ikasal sa iba? Hindi ko naman po kaya iyon. Mabuti pa po ay umalis na po kayo dahil hindi po ako sasama." Sabi niya rito at ambang tatayo siya ng tumingin ito sa kanya at binaba sa kandungan nito ang tinitignang magazine.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon