Chapter 26 - Books

Start from the beginning
                                    

Paano naman niya nalaman kung saan ako nakatira eh nung huli ko siya nakasama 2 months ago, inihatid niya lang ako sa kanto. Hindi naman kaya?? (-_-")

" Oh hi, Shayne? Nabigla ka ba sa pagdating ko?"

" Hindi ba halata? Ano ba ipinunta mo dito?? " Pagtatanong ko.

Matagal siya bago sumagot. Huminga muna siya ng malalim at tinititigan niya ako sa aking mga mata.

" Yayayain kita sana kita na magdinner this night kaso mukhang may lakad ka. "

Nahulaan niya malamang na may lakad ako this night. Paano ko nga ba ipapaalam sa kanya na may pupuntahan ako na hindi siya madidismaya?

Hmmm. . .

" Pero Nicko, may pupuntahan ako this night . " Pagpapaliwanag ko. Sana hindi siya magtampo sakin >.<

" Ok. I understand. Nabalitaan ko kasi kay Alwy at Kiro na this Saturday na raw yung Qualifying Exam niyo. Actually, pumunta lang ako talaga dito para makita at makamusta. Mukhang okay ka lang naman at walang pinoproblema. Ahm, saan ba yung lakad mo? Ihahatid na kita. "

Salamat, Lord ! \(*o*)/ Hindi siya nagtampo sa akin. Mabuti na lang !

" Sa Korte Rosario St. Sa may park banda dun. Doon ang punta ko ngayon. " After kong sabihin yan ay agad siyang bumaba ng sasakyan. Pumunta siya kabilang side para pagbuksan ako ng pinto.

" Kahit kelan talaga napakagentleman mo. " Bulong ko. Napatingin ako sa kanya at binigyan niya ako ng isang ngiti. Pero nakakapagtaka naman na pumunta siya dito samin para lang kamustahin ako?

Pumasok na ako sa loob ng kotse at marahan niya itong isinara. Bumalik na siya kabilang side at pumasok na rin sa kotse.

" 5:45pm na. " Bulong ko.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now