Kumurap si Anika. "Ha?"

Natawa ito. "Actually, nag-usap na kami ni Trick noong isang araw. Bigla na lang siya sumulpot sa opisina ko. I was shocked because I never thought he will come to me. Marami kaming napag-usapan at nagkaintindihan. Sinabi rin niya sa akin ang tungkol sa inyo. He said he honestly love you, Anika. At na wala raw akong dapat ipagalala kasi hindi ka niya pababayaan. Na hindi na raw kita kailangan bantayan at protektahan kasi siya na ang gagawa 'non sa'yo."

Naging mainit ang ngiti nito at alam niyang naalala nito ang araw na nag-usap ang mga ito. "He even told me that we should get out to have a drink sometime. That we should catch up with each other's lives." Tiningnan siya ni Patrick at narealize niya na namamasa ang mga mata nito. "He's giving me a chance to get close to him. Finally."

Tatulala siya. Uminit ang kanyang mga mata at parang nilamutak ang puso niya. Hindi siya makapaniwala na nag-usap na rin ang mag-ama sa wakas. Nabagbag din ang damdamin niya sa mga sinabi ni Trick. Ngumiti siya. "Masaya akong marinig 'yan Patrick."

"Salamat sa'yo, Anika. Kaya masaya ako na sa'yo na-in love ang anak ko. At na sa kaniya nahulog ang loob mo. Alam ko kung gaano ka kabuting tao. I know that you have too much love to give. That you are selfless and caring. Alam ko rin na ikaw ang tipo ng babae na tumitingin sa pagkatao ng isang tao at hindi sa yaman, sa hitsura at sa career. You are not materialistic and superficial. Hindi ka katulad ng mga tao sa social circle ng pamilya namin. You were a good influence to me, Anika. At alam ko na magiging magandang impluwensiya ka rin sa anak ko."

"Kaya okay lang sa'yo na may relasyon kami? Kasi magiging magandang impluwensiya ako sa kaniya?" alanganing tanong niya.

Nakangiti pa rin si Patrick nang umiling. "Hindi lang 'yan ang dahilan. Trick has always been anti-social. A snob. Noong maliit pa siya never siya nagkaroon ng kaibigan. The worst thing was that he was never bothered by it. Wala siyang pakielam kahit mag-isa lang siya kasi hindi siya naging interesado sa mga tao sa paligid niya. Hindi ko naman siya masisisi. Ngayong nakakapag-isip-isip na ako, narealize ko na masyadong matalino ang anak ko. Napansin niya kaagad noong bata pa lang siya na hindi naman sincere ang mga taong lumalapit sa kaniya. Palaging may ibang motibo. Palaging yaman at impluwensiya ng mga Alfonso ang habol nila kaya pinipilit nila na makipagkaibigan ang mga anak nila kay Trick. So he never bothered to make friends. Saka lang siya nagkaroon ng kaibigan noong twenty years old na siya."

Kumirot ang puso ni Anika para sa batang Trick. Anong pakiramdam na lahat ng tao sa paligid mo ay hindi ka nakikita bilang ikaw?

Mukhang nabasa ni Patrick ang nararamdaman niya kasi naging mainit ang ngiti nito. "So you see, Trick is a very good judge of character. Hindi niya hahayaan mapalapit ang kahit na sino sa kaniya kung alam niyang hindi ito mabuting tao. Mas lalong hindi siya mai-inlove sa isang babae ng basta-basta lang. He loves you and that's reason enough for me to accept you and your relationship with him. Besides, gustong gusto ko nga na magkatuluyan kayo. Magiging tunay na anak na kita at magiging tunay ko nang pamilya ang pamilya mo."

Lumobo ang puso niya at uminit ang pakiramdam niya sa sinseridad na nakikita niya sa mukha ni Patrick. Narealize niya talagang mahal nito ang pamilya niya. Hindi lang dahil sila ang nag-alaga rito noong napadpad ito sa isla nila. Kung hindi dahil talagang napamahal na ito sa kanila.

"Ayos lang talaga sa'yo? Kahit na alam mo na... na ikaw ang unang nagustuhan ko bago siya?" lakas loob na tanong ni Anika.

Natigilan si Patrick. "Are you worried about that?"

Kinagat niya ang ibabang labi at tumango.

Umangat ang mga kilay nito. "Si Trick? Do you think he's worried about it?"

Sandali siyang nag-isip at umiling.

"Then wala kang dapat ipag-alala." Ngumisi ito. "Sanay ako na maraming nagkaka-crush sa akin, Anika. Hindi lang ikaw. At nakaraan na 'yon hindi ba? We never did anything to make you feel worried or guilty. At malinis din ang konsiyensiya ko. Kapag palagi ka nag-ooveranalyze, palagi ka maiistress. Hindi ka magiging masaya. You have to let go of things, especially negative thoughts and emotions, for you to be truly happy and content."

Uminit ang mga mata niya. Gusto niyang maiyak sa relief at saya. Lumunok siya at tipid na ngumiti. "Salamat Patrick."

Ngisi ang naging sagot nito.

Mayamaya, pagkatapos nilang kumain at nakalabas na sila sa restaurant ay tumanggi na siyang magpahatid dito pauwi. Mag-ta-taxi na lang siya. Nang tanungin siya nito kung bakit ay medyo nahiya pa siya bago inamin, "Gusto ko sana, si Trick lang ang nakakaalam kung saan ako nakatira. Gusto ko, may alam naman siya tungkol sa akin na hindi mo alam."

"Ah," nakakaunawang komento ni Patrick, nanunudyo ang ngiti. "Talagang kilala mo nga si Trick kung naiisip mo 'yan. I think that's good, Anika. I'm happy for the two of you." Pagkatapos ay niyakap siya nito at gumanti siya ng mahigpit na yakap. At sa unang pagkakataon, narealize niya kung bakit pamilyar at komportable ang yakap na ibinibigay sa kaniya ng lalaki. Katulad kasi ng yakap ng tatay niya.

"Masaya talaga ako na nakilala kita Patrick. Na sa isla namin ikaw napadpad. Na sumama ako sa'yo sa maynila kahit noong una ay ayoko umalis sa amin. Na kahit araw-araw akong na-ho-homesick, hindi ako nagdesisyong umuwi na lang. Salamat talaga. Nabago at patuloy pang mababago ang buhay ko dahil sa'yo."

Naghiwalay sila. Ngumisi ito habang nakatingin sa mukha niya. "Masaya rin akong nakilala kita Anika. Kayo ng pamilya mo. It must have been fate, you know. You changed my life, too. At ngayon, babaguhin mo rin ang buhay ng anak ko. Just make him happy everyday. Make him smile and laugh more. Ayos na sa akin 'yon."

Nagkatitigan sila. Nagkangitian. Saka siya nagpaalam na uuwi na. Ipinara siya nito ng taxi at sumakay siya roon. Napabuntong hininga siya. Magaan ang pakiramdam. Makakatulog siya ng maayos sa gabing 'yon.

Bachelor's Pad series book 11: ISLAND GIRL'S TYCOONWhere stories live. Discover now