Chapter 51 - The Battle Cry

5.6K 185 175
                                    

Chapter 51:

The Battle Cry

_

Serene

Nanginginig akong huminga ng malalim. Dinarama ang pawis na tumatagaktak sa aking noo. Ramdam ko ang basang-basang pawis sa likod at dibdib.

Inhale. Exhale.

Muli kong ikinuyom ang mga kamay. Sa aking harapan ay ang isang malaking punching bag na nakasabit mula sa taas. Kulay itim ito at mukhang nagamit na ng ilang beses base na rin sa estado nito. Itinaas ko ang isang kamay na nakarolyo ng itim na boxing hand wrap. Sinuntok ko ng isang beses ang punching bag gamit ang kanang kamay, sunod ang kaliwa, hanggang sa naging sunod-sunod ang ritmo nito.

Bawat suntok ay kay liksi, ang punching bag ay marahang nagpainda-indayon. Umilag-ilag ako na tila ba isang kalaban ang nasa harapan at hindi isang bagay. Isang suntok at isa malakas na pagsipa. Ganun na lamang ang gulat ko noong bumagsak ang punching bag sa harapan ko.

"Hala, anong ginawa ng punching bag sayo at gigil na gigil ka masyado?"

Sa pintuan ng gym na ito ay pumasok si Kuya Niel. Marahan siyang pumapalakpak dahil sa natunghayan. Natatawa na lamang akong napailing dahil sa hindi inaasahang entrada.

"Practice. Ang tagal ko nang hindi ginagawa ito."

"Welcome to adult life, kung saan ang mga madalas mong ginagawa noon ay unti-unting dadalang ngayon dahil sa mga bagong responsibilidad."

Kinuha ko ang water bottle sa maliit na bench na nasa tabi ko. Mabilis ko itong iniinom dahil sa uhaw. Tumulo ng konti ang tubig sa aking mga labi na agad kong pinunasan.

"Kung alam ko lang na ganito pala ang pakiramdam ng pagtanda, sana hindi na lang ako nagmadaling tumanda."

"Amen, lil sis."

"Ano palang ginagawa mo rito kuya?"

Umupo siya sa bench kung saan nakapatong ang mga gamit ko. May inabot siya sa akin, isang brown leather notebook. 

"Ano 'yan?"

"Diary."

"Mo? Bakit mo binibigay sa akin?" taka kong tanong sa kanya habang pinagmamasdan ito sa aking kamay.

"Noong mawala ka, napagdesisyunan kong magsulat ng diary kung saan nakasulat ang lahat ng mga nangyayari sa amin. Umaasa kasi ako na pagbalik mo, babasahin mo yan. Para alam mo na kahit wala ka, ni minsan hindi ka nawala sa isipan namin."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang binubuklat ko ang notebook na hawak. It was a notebook filled with memories for the past five years that I was gone. It was just so precious.

"O, anong mukha 'yan? Hindi ko binigay yan sayo para paiyakin ka ha."

"I'm just so... touched."

"I know right. Sweet lang talaga ako. Best brother ever."

Imbis na maiyak ay natawa na lamang ako sa sinabi niya. Lalo na noong makita ko ang naniningkit niyang mga mata at biloy sa pisngi dahil sa laki ng kanyang ngiti.

"Nagbuhat talaga ng sariling bangko?"

"Bakit? Sinasabi ko lang naman ang totoo."

"Oo na. Sige na. Sweet ka na."

Parehas kaming naging tahimik. Nagngingitian na parang mga tanga. Nakakamiss lang ang mga tagpong ganito. Para lang yung dati.

"Pero ito walang biro, sana maalala mo na ang lahat."

Listen To My LullabyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora