Liham 5

6.7K 289 113
                                    

My Dearest Serene,

Reports, reports, reports... tambak na ang report files sa mesa ko Serene at halos matatabunan na yata ako. Umaga, tanghali, gabi, kung hindi ako nasa Headquarter kasama ni kuya Paul upang magplano sa mga susunod na gagawin sa gang natin ay narito ako sa loob ng silid ko at nagbabasa ng mga report files mula sa mga imbestigador at mga spy natin.

Magmula noong sinuggest ni Jace na muling buuin ang 'E and Z Circle of Elite' at hanapin ang nawawalang Gonzalez Clan, marami sa Elders ang tumutol. Sabi nila paano raw kung magkaroon ng panibagong kaguluhan, paano kung pasakit lang ang idala ng ideya na iyon at kung paano kung wala na nga talaga ang Gonzalez Clan? Mauuwi lang daw ang paghihirap namin sa wala.

Paano, paano, paano... alam mo Serene nakakainis na iyon na lang ang palagi kong naririnig mula sa kanila. Puro sila hinala, puro sila 'paano' ni hindi pa nga nagagawa. Nakakainis 'yong puro sila negatibo, panay pa ang pagtutol nila na walang mangyayari sa planong iyon. Sarado ang mga isip nila Serene. Nakakapagod makipag-usap sa mga gano'ng klaseng tao.

Napag-isip namin ni kuya Paul kasama ang iba sa myembro ng gang na gagawin namin ang paghahanap sa Gonzalez family ng palahim. Hindi na kami aasa sa suporta ng mga Elders. Kami na ang gagawa ng sarili naming kapalaran. Huwag mo sanang isipin na sa paghahanap namin sa Gonzalez Clan ay nakalimutan na namin ang tungkol sa iyo. Hindi. Dahil sa bawat araw na lumipas ay iyon lamang ang hangad namin.

Si Jace na ang mismong gumagawa ng mga imbestigasyon upang mahanap ka. Napag-usapan namin na para mas mapabilis ang lahat hahatiin namin ang paghahanap. Kami sa Gonzalez Clan at sya sa'yo. Alam mo bang halos ilang araw rin sya sa Mindoro? At ngayon naman narinig ko mula kay Nathan na nasa Marinduque naman sya ngayon para maghanap pa ng lead sa paghahanap sa'yo.

Kanina pa ako nagbabasa ng reports sa mesa ko at halos lahat naman sila ay pare-parehas. Walang lead sa Gonzalez Clan. Wala kahit ano. Minsan iniisip ko kung pinaglihi ba sila sa ninja o kabute. Naglaho na lamang sila bigla ng walang iniiwang bakas. Bilib ako sa kanila. Kaya sa ngayon ay binubuhos ko ang sarili sa pagsusulat ng liham na ito para sa'yo. Kanina pa ako nababagot. Magdamag na akong walang tulog. Pero ayos lang. Alam ko naman na sa huli ay may patutunguhan ang lahat ng ginagawa ko.

Halos mapatalon ako sa gulat Serene noong marinig ko ang pagtunog ng telepono sa tabi ko kanina. Natatawa ako sa sarili ko. Siguro kung narito ka ngayon at nakita ang naging reakyon ng mukha ko, tumawa ka rin kasama ko. Naaalala ko pa ang pag-uusap namin ni kuya Paul noong tumawag sya.

"Kuya Paul? Napatawag ka?"

"Naaalala mo ba ang Notorious Lethal Seven na pinag-usapan natin nina Jace noong isang araw?"

"Naaalala ko. Bakit?"

"Binomba nila ang isang paniderya kanina. Sumosobra na talaga sila."

Napaayos ako ng upo mula sa kinauupuan. "May nasaktan ba? Anong balita?"

"Ayon sa iba sa mga gangmates natin na nakasaksi, sabi nila gusto raw nilang ipakita kung anong kaya nilang gawin. Na hindi raw sila natatakot sa atin. Na kung talagang matapang tayo, haharapin sila ng Gangster King para sa isang dwelo."

Pagak akong natawa. "Si Jace? Hinahamon nila? Akala ko si Jace lang ang baliw pero mas malala pa pala sila. Mabuti na lang wala si Jace ngayon. Hindi sila uurungan no'n." Napailing ako sa sarili. "May nakakita na ba roon sa mga leader ng NL7?"

"Wala pa. Mukhang gusto talaga nilang magpakamisteryo sa atin."

"Misteryo." Ngumiti ako. "Gusto ko ng misteryo." Natawa sya sa sinabi ko. Malaki pa rin silang problema sa Gangster Society oo. Kaya nga merong ibang mga myembro dahil sila ang umaayos ng gulong iyon.

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now