Chapter 19 - Like attracts like

9.5K 308 67
                                    

Celestine.

Pigil hininga akong huminto sa kinatatayuan ko. Mabilis na dumaan ang kotse sa aking harap. Naramdaman ko pa ang paghagip ng hangin nito sa damit at balat ko, tumatagos... na halos manlambot ang mga tuhod ko.

Muntik na ako roon.

May kung anong ala-ala ang pumasok sa isipan ko. Ako, sa parehas na sitwasyon. Napakunot-noo ako saglit at napahawak sa ulo. Tulad ng isang kisap-mata ay naglaho ito agad bago ko pa maisip kung ano iyon.

"Oy! Di ba ikaw yung babae? Yung kasama ng lalaking humamon kay El Bruto?" May narinig akong pagpito at tawanan ng mga lalaki na galing sa truck na muntik nang nakabangga sa akin.

Muntik na nila akong masagasaan. Ni hindi man lang sila humingi ng pasensya.

Iniangat ko ang tingin at nakita na marami sa kanila ay naroon sa likod. May mga berdeng laso ang nakatali sa kanilang katawan, braso o kaya kamay. Mga myembro sila ng gang.

"Pakisabi sa kasama mo galingan nya ha? Sa kanya kami tataya para maiba naman. Nakakasawa na kasi ang pagmumukha ng hinayupak na yun eh. Dapat nang matalo at nang magtanda." Tumango sa akin ang lalaki na kanina pa nagsasalita. Ang mga mata nya ay naroon sa nakalas na posas sa kamay ko. Nakaupo sya roon sa passenger's seat. Sa peklat-peklat nyang mukha at tattoo-ang braso, mayroon din syang kagat-kagat na toothpick na hinahawakan nya na parang sigarilyo. ""Tumakas ka sa pulis ano?" May nakakalokong ngiti sa mukha nya na tila ba ang ideyang iyon ay naghahatid ng pagkasabik sa kanya. "Tsk, napakapilyang bata. Gusto ko yan. Ako rin may ilang beses nang muntik nahuli ng mga pulis pero wala eh, mabilis akong tumakbo. Kumpara kasi sa naglalakihan nilang tyan at katawan na hindi pa makagalaw, wala talaga silang panama sa maliliksi at hapit nating mga katawan, di ba boys?" Nagsitawanan ang mga iba nyang mga kasama sa likod.

May narinig akong pagbukas ng bakal at sunod ko na lang nakita ay tinutulungan na nila akong umakyat sa taas kasama nila.

"H-hindi ako--"

"Sige na umakyat ka na bata. Itatakas ka namin dito. Hindi ka mahuhuli ng mga pulis. Nasaan na ba ang kasama mo? May pupuntahan tayo."

Ilang beses kong sinubukang magpaliwanag na katulad ng nauna ay nagkamali lang sila. Na hindi ako parte ng gang nila. Na hindi ako isang baguhang myembro sa grupo nila katulad ng iniisip nila.

Ibinalik ko ang tingin sa likod upang malaman kung nakasunod pa rin sya sa akin. Wala na si Raven. Naglaho sya sa likod ng dami ng mga taong naroon. Pumito ako ng malakas at lumipad si Tala sa braso ko na ikinamangha ng mga taong nakakita. Umandar ang truck na sinasakyan namin. Palayo ng palayo ang lugar na iyon sa paningin ko hanggang sa tuluyan itong naglaho.

May narinig akong usapan sa tabi ko. Karamihan sa mga lalaking ito ay nagtatawanan kanina, ngayon ay parang may kanya-kanya na silang mundo.

Naka-upo ako roon sa gilid hawak-hawak si Tala sa kamay ko. Masyadong malakas ang hangin dito sa likod. Baka bigla syang lumipad palayo.

"May nag-leak daw na impormasyon tungkol sa Gangster King."

"Talaga? Ano yun ah? Iyon ba ang dahilan kung bakit nila tayo pinatawag?"

"Oo raw eh. Pag-uusapan daw kasama ng mga pinaka boss natin."

"Maniwala ka. Lahat? Eh panay si Lethal 6 at 7 lang naman ang nagpapakita sa atin. Yung iba? Isang malaking palaisipan pa rin."

"Tanga. Eh anong aasahan mo? Baguhan tayo di ba? Malamang hindi sasabihin sa atin lahat." Binatukan nito ang kausap. "Gunggong ka talaga kahit kailan ano? Ay ewan ko nga sayo."

Ang mga mata nya ay tumama sa akin. Inilihis ko ang akin na may kasamang irap.

Umupo sya sa tabi ko na may kasamang malalim na paghinga. "Baguhan ka rin ba katulad namin? Anong nagtulak sa'yo para maisama sa gang na ito? Kulang ka rin ba sa pera at hindi makauwi sa inyo? Kasi ako ganun din eh."

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now