Liham 3

7.8K 307 173
                                    

My Dearest Serene,

     Maaga pa lang noong nakatanggap ako ng tawag mula kay Jace. Pinapapunta nya kami nina Shane sa opisina nila bagay na ipinagtaka ko. Hindi naman gawain iyon ni Jace hindi ba Serene? Parehas kami ni Shane na nagdududa. Ano naman kaya ang sasabihin nya sa amin na kailangan pang personal at sa mismong opisina pa nya na once in a blue moon lang ako makatapak?

     Marami man kaming katanungan ni Shane ay ipinagsawalang bahala na lamang muna namin ito at sinunod ang sinabi ni Jace sa amin.

     Sa loob mismo ng opisina ni Jace kami dumiretso. Naabutan namin doon si Nathan na syang unang bumati sa amin. Tinanong namin sya kung nasaan si Jace ngunit kibit-balikat lamang ang binigay nyang sagot.

     "I can feel something is up." malakas na wika ni Shane sa kanina ko pang hinala. "Anong meron?"

     "Hintayin na lang kaya natin si Jace?" anang suhestyon ni Nathan habang hinahagis-salo ang isang maliit na dilaw na bola.

     Bahagyang kumunot ang noo ko noong mapansin ang smiley face na nakaguhit sa hawak nyang bola.

     "Hindi ba't iyan yung squeezy ball na binigay ni Serene kay Jace noong first date nila?"

     "Saan?"

     "Yung hawak ni Nathan." ngusong turo ko pa roon kay Nathan upang makita ni Shane ang tinutukoy ko.

     Kunot noong pinagmasdan ni Nathan ang bola na tila ba ngayon lang iyon nakita. "Oh." puno ng reyalisasyon nyang sambit. "Ito pala yun? No wonder kung bakit noong isang araw halos patayin na ako ni Jace sa tingin noong hinawakan ko ito."

     Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jace. Hindi magkamayaw na agad na isinoli ni Nathan ang bola sa may mesa. Muntik pa nya itong nalaglag dahil sa pagmamadali nya. Pagkatapos maisoli sa pinagkuhanan, nagkunwari na lamang syang walang ginagawa na kahit anong anumalya.

     Tahimik na lamang naming pinigilan ni Shane ang tawa dahil sa nasaksihan.

     Kaya pala.

     "What?" naguguluhang tanong sa amin ni Jace noong mapansin ang reaksyon sa mga mukha namin. Unang nakabawi si Shane na nagpeke ng ubo. Nagsalita sya.

     "Sasabihin mo na ba kung bakit mo kami pinapunta rito?"

     Hindi nagbago ang reaksyon sa mukha ni Jace, wala itong emosyon. Gayunpaman, matyaga kaming naghintay sa sasabihin nya.

     "Gusto ko sanang ipaalam sa inyo ito bago pa man malaman ng iba bukas sa gagawin kong pagtitipon." Huminto sya sa amin at tumingin sa amin ng walang kurap. "Kaya ko kayo pinapunta rito ay para sabihin sa inyo ang isang sikreto na pagkatagu-tago ng pamilya ko. Gusto kong kayo ang unang makaalam dahil kayo ang mga taong itinuturing kong kaibigan, the only few one's that I have."

     Kabado akong natawa ng konti Serene dahil sa sinabi ni Jace. Ano naman kaya ang sasabihin nya sa amin at parang napakaseryoso yata nya?

     "Ano ba yun Jace? Parang natatakot ako sa tono mo ah."

     "Kakaba-kaba ba?" birong tudyo sa akin ni Shane.

     Ngumisi lamang si Nathan sa amin na tila ba may alam sya sa nangyayari. Hanggang sa sinabi ni Jace ang isang sikreto na literal na nagpanganga sa amin.

     "Magkapatid kami ni Nathan. He is my twin brother."

     Walang nakapagsalita sa amin. Kahit anong gawin ko ay tila ba ayaw prumuseso sa utak ko ang sinabi nya. Hindi ko alam kung gaano katagal ang lumipas bago ko muling nahanap ang boses ko.

Listen To My LullabyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora