Chapter 8 - Dagat

7.6K 307 84
                                    

Jace.

Nagmamadali akong bumalik sa bahay para mag-impake ng mga gamit ko. Nadaanan ko pa si Nathan na umiinom ng kape. Tahimik nya akong sinundan sa kwarto ko.

"Gabi na ah. Saan ka galing?"

Inilabas ko ang isang malaking bag mula sa loob ng isang aparador at inihagis ito sa kama. Nanguha ako ng ilan sa mga gamit ko at ipinasok dito. "May nakuha na akong lead kung nasaan si sya. Pupuntahan ko."

"Saan?"

"Sa Mindoro. Inihatid ako ng mga bangkero na inarkila ko kanina kung saan nila sya huling nakita. Byabyahe ako pabalik doon mamayang madaling araw kaya mawawala muna ako ng ilang araw."

"Talaga? May nakakita na talaga sa kanya? Wow, 'tol...that's amazing. Finally!"

Isinukbit ko ang bag sa balikat ko. Humarap ako sa kanya. "Ikaw munang bahala rito. Aalis na ako." Tapik ko sa balikat nya bago lumabas ng pinto.

"Teka! Akala ko madaling araw ka pa babalik? Bakit ka nagmamadaling umalis ngayon?"

"May kinausap na akong tutulugan ko roon para hindi na ako byabyahe mamaya."

"Kinausap mo na ba yung gang natin?"

Tumango ako. "May urgent meeting kami ngayon para sa developments ng iba sa mga projects natin. Dadaanan ko ang Headquarter bago ako dumiretso sa pupuntahan ko. Mas marami kaming maghahanap, mas maganda. Mas mapapabilis ang magiging resulta."

"Mabuti yan. At oo nga pala," Sabi nya dahil may bigla syang naalala. "kailangan mong bumalik dito in three days."

Nakatalikod na ako pero bigla akong napalingon. Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"May new campaign na gustong ipagawa ang Board of Directors at kasama roon ang bagong poster at commercial na gusto nilang i-upgrade. Kailangan tayo roon nina Shane para sa photoshoot. Hindi ka pwedeng mawala roon."

Balak ko sanang manatili sa lugar na iyon ng halos isang linggo. Tatlong araw...masyadong mabilis ang tatlong araw.

"Hahabol ako." Sagot ko na lamang.

"Sinabi mo 'yan ah." Turo nya sa akin gamit ang mga daliring ginawang baril. "Eight am sharp, ayoko ng late." He then silently mouthed 'bang' on my direction.

May isang ngisi ang kumawala sa labi ko at gano'n din sa kanya mula sa mga katagang sinabi nya na naging linya ko na sa haba ng panahon.

"Presidenteng-presidente?"

Mayabang nyang inayos ang suot na polo. "Syempre. Ako pa."

May tumawag sa cellphone ko kaya agad ko itong sinagot pagdating ko sa labas. Galing ito sa Black Savage Headquarter.

"Anong meron?" tanong ko sa gangmate ko na tumawag.

"Boss, si Dal po nagtangkang tumakas!" Naging madilim ang paningin ko at pumasok agad sa kotse ko. May gagawin pa sana ako bago pumunta roon pero dahil sa nalaman, mas napaaga pa lalo ang pagpunta ko.

Hindi ganun katagal ang ibyinahe ko papunta sa Black Savage Headquarter. Sa labas pa lang ay sinalubong na ako ng ilan sa mga gang members ko. Binalitaan nila ako sa kung ano ang mga nangyayari sa Gangster Society habang wala ako. Sila ang naging mga mata at espiya ko sa nagdaang taon na lumipas.

Pinagbuksan nila ako ng pinto at pumasok ako sa loob. Sa paglalakad ko ay nakasunod lamang sila.

"Anong nangyari sa bihag natin?"

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now