Chapter 36 - Uncovering Secrets

7.1K 271 84
                                    


Chapter 36

Uncovering Secrets


Sa isang silid ay may tatlong lalaki. Nakaupo sila sa kanya-kanyang trono. Apat ang bakante. Ang isang nakaupo ay panaka-nakang nagsisigarilyo, ang isa ay abalang nakatitig sa malayo dahil sa lalim ng iniisip samantalang ang isa ay nakasandal sa inuupuan, ninanamnam ang bawat sandali ng kapangyarihan na hawak niya.

"Hindi natin matatalo si Death pagdating sa pisikal na labanan. That guy is fucking smart and his strategies are goddamn hard to decipher." Sabi ng lalaking malayo ang tingin. Tumingin siya sa mga kasama.

"Anong oras darating sina Lethal 5 at Lethal 7?"

"Nandito na dapat sila para sa pagpupulong." Sagot ng lalaking naninigarilyo. "Si Lethal 2 namamasyal na naman ba?"

"Hindi pa kayo nasanay. Kailan ba tayo nabuo sa meeting na ito?"

"Si Lethal 1, siya dapat ang higit na nangunguna rito pero siya pa ang palaging wala."

"Business issues daw."

"Bakit kailangan pang mag-business? Sa pera pa lang na nakuha natin sa kumpanya ng Ashez, tiba-tiba na tayo."

"Magkano?"

"P120 million?"

"Tangina. Higit pa raw roon sabi ni Lethal 5."

"Nagkakagulo na siguro sila sa loob."

"Exactly the plan." Wika ng lalaking nakasandal sa upuan. Umabante siya ng konti at saka pinagdaop ang mga kamay na tila ba may pinaplano. Malapit sa kanyang pulsuhan ay ang tatlong bilog na peklat mula sa pagkakapaso ng sigarilyo.

Ibinaba ng lalaking naninigarilyo ang sigarilyo sa sahig bago ito tinapakan. Inayos nito ang puting long sleeves bago itinupi ang manggas nito hanggang siko. Ang apat na bilog na peklat ay kapansin-pansin sa kanyang pulsuhan.

"Anong plano mo, Letal 3?"

Ngumisi ito. "Kung plano lang kung paano mapabagsak si Death, marami ako no'n."

"Tulad ng?"

"Kung hindi natin siya matatalo sa labas, let us destroy him in the inside."

"Emotional pain is sometimes more painful than physical pain." Sabat ng isa pa nilang kasama na kanina pa malalim ang iniisip. Tulad ng ibang mga kasama ay may peklat din siya sa may pulsuhan na nagsisimbolo ng katayuan niya sa gang. Mayroon siyang anim na maliit na bilog na peklat mula sa nagbabagang dulo ng sigarilyong ginamit nila bilang initiation.

Tumayo si Lethal 3, ang mga kamay ay binulsa niya sa kulay asul na pantalon.

"Everyone has their own weakness. Apparently, his weakness is his emotion. Let the thought of a traitor inside their gang tear them all apart. Tutal alam nila ang pakiramdam ng traydorin lalo na noong tinaraydor si G-Clef ng dalawa sa tao niya five years ago."

"Traydor, meron nga ba?" tanong ni Lethal 4.

"Wala. Alam nyo kung gaano kahirap makapasok sa Black Savage at Ellipses. Their defense strategies are one of a kind."

"Pero may mga pinadala kang tao."

"Those people are sent for a suicide mission. Alam nilang sa oras na makapasok sila, mamamatay sila."

"Pumayag sila?"

Tumawa ito. "They owe me a lot. Kulang pa nga ang mga buhay nila sa mga utang nila sa akin. Those small little gangs are easy to target. Ibigay mo lahat ng gusto. Lubugin sa utang. At kapag bayaran na lalo na ang mga walang maibigay, lahat ng gustuhin mo gagawin nila wag mo lang silang saktan. Such a pretty pathetic life but a very good deal for business."

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now