Chapter 46 - Pawns in the Game

4.7K 189 115
                                    

Chapter 46
Pawns in the Game



Jace

"Good morning po."

"Good morning."

"May pinapapirma po pala si Aiden, nasa table nyo na po iyon."

"Salamat."

"May ibibilin pa po ba kayo?"

"Wala na. You may go."

Nathan gave me a weird look pagkalagpas namin sa mga gangmates na bumati sa amin. Diretso kaming pumasok sa opisina ko sa Ashez.

"Death, nandoon na po sila sa receiving area. Papapasukin ko na po ba sa opisina nyo?"

"Sige."

"Okay po."

Muling binuksan ng isa sa mga gangmate namin ang pintuan. Tumambad sa amin ang tatlong lalaki na kanina pa naghihintay sa amin.

May pinapirmang papeles sa akin ang isa sa mga gangmates namin kaya mabilis ko na itong pinirmahan bago inabot pabalik. Itinutok ko ang tingin sa mga lalaking dinayo pa kami rito.

"What can I help you?"

"Death nagkakagulo na sa lugar namin dahil sa NL7. Wala nang matakbuhan ang mga gang namin, kailangan namin ng tulong niyo."

"Karamihan sa mga kasama namin nirerecruit na ng NL7 na sumama sa kanila. Kung hindi mo kami tutulugan baka tuluyan nang bumaliktad ang lahat ng gang sa inyo."

Lahat ng pinaka-pinuno ng LaReina, Verino, at Mandeo ay narito, nagsama-sama upang kausapin ako.

Umupo ako sa harap ng mesa ko, nakadaop ang mga kamay sa isang trianggulo, pinagpakinggan ng maiigi ang mga dinadaing nila.

"Pang-ilang beses na naming balik sayo ito? Pakinggan mo naman kami. Maawa kayo sa amin."

"Ilang ulit ko bang kailangang sabihin na maraming proseso na kailangang pagdaanan bago ako makakagawa ng desisyon?"

"Ikaw ang hari ng Mafia. Salita mo ang batas!"

"I have my own responsibility inside my gang. I'm just protecting our safety."

"At kami hindi? Parte rin kami ng pamumuno mo!"

"Hindi ba't kaya nga kayo nariyan sa mga puwesto nyo dahil iyan ang responsibildad nyo? Para saan pa lahat ng pondo na nilalaan para sa inyo kung hindi nyo rin gagamitin?"

"Alam namin pero--"

"Pero ano?" Dumagundong ang boses ko sa buong poaligid. Hindi nila maitago ang gulat at kaba noong makita ang galit sa aking mukha. "Puro kayo dahilan. Puro kayo luho. Puro kayo pera. Pinapabayaan nyo ang mga responsibilidad nyo tapos kapag nagkagulo sa akin nyo lahat sinisisi? Ano pang mga kuwenta nyo kung hindi nyo rin maprotektahan ang mga gang nyo?"

Hindi sila nakapagsalita ngunit makikita sa mga mukha nila na gusto nilang manumbat. Naglakas loob na nagsalita ang isa sa kanila.

"Bakit ba napakatigas mo? Ikaw ang hari namin, hindi ba dapat pinuprotektahan mo kami? Bakit na siyang ikaw pa ang nandyan sa posisyon, ikaw ang naghihila sa amin pababa? Pansariling interest na lang ba ang lahat?"

"Paulit-ulit na lang ba tayo rito?"

"Hindi sa ganun. Pero ang gusto lang naming ipunto ay--"

"Ang gusto nyong ipunto ay ako ang gagawa ng paraan habang kayo nagpapakasasa sa mga kanya-kanya nyong buhay. Iisang Society tayo, bakit tayo-tayo ang nagsisiraan dito? Anong klaseng pag-iisip yan?"

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now