Chapter 1

15.5K 482 184
                                    

Jace.

Lumalakas na ang ulan sa labas. Ang pagpatak ng tubig ulan sa lupa ay parang isang matinis na musika sa aking tenga. Iniangat ko ang isang kamay at tahimik na isinayad ang isang daliri na tila ba may sinusundan akong linya. Basang basa ang buong paligid. Ang dilim ng kalangitan sa langit.

"Jace, halika na."

May nagtulak ng wheel chair na inuupuan ko gayunpaman, ang tingin ko ay naroon pa rin sa may bintana habang palayo kami ng palayo. Gusto kong manatili roon. Gusto kong panuorin ang pagpatak ng ulan hanggang sa tumila ito. Pero ilang araw na yata ang nakakalipas wala pa ring pinagbago. Ang tagal ko nang hindi nakikita ang araw. I miss my sunshine.

"In two days, finally, makakalabas ka na raw sabi ng doctor Jace. Basta ba raw wag matigas ang ulo mo at wag mong kalimutang inumin ang gamot mo, you'll do good. Maasahan ka ba namin doon Jace?"

Umupo sya sa harap ko. Ang mga mata ko ay nakatingin sa malayo kahit na ba ang direksyon nito ay nasa kanya. Muli kong inikot ang inuupuan kong wheelchair pabalik sa may harap ng bintana kung nasaan ako kanina. Narinig ko syang bumuntong hininga.

"Jace heto na naman ba tayo? Ilang linggo pa lang ang nakakalipas magmula noong nagsalita ka ulit mula sa halos tatlong buwan mong pananahimik. We want you to be better pero hindi namin magagawa yun kung hindi mo tutulungan ang sarili mo."

Nakabalik na ako sa may harapan ng bintana. Pinalipas ko ang ilan pang sandaling katahimikan bago nagsalita.

"I'm perfectly fine, Niel. You don't need to worry about me." Tahimik kong sambit. Ang tingin ko ay nasa mga ibon na nagmamadaling lumipad sa labas upang makapaghanap ng masisilungan mula sa malakas na pagpatak ng ulan.

"Hindi mo kailangang itago lahat sa sarili mo ang nararamdaman mo. Nandito ako-- kaming mga kaibigan mo. Tutulungan ka namin."

"I don't need anyone's help."

"Nagyayaya sila Rico na kapag nakalabas ka na raw rito sa ospital, mago-out of town tayo. Siguradong magiging masaya yu--"

"Kayo na lang."

"Pero Jace hindi magiging masaya ang outing na yun kung hindi ka sasama. Hindi masaya kung hindi buo ang barkad--"

"Matagal nang hindi buo ang barkada. Nakalimutan mo na ba Niel?"

Mula sa masaya nyang tono ay bigla syang natahimik.

"Hindi mo kailangang magpanggap na masaya sa harap ko sa pag-aakalang baka mahawa rin ako sayo. I don't want to pop your bubble of unrealistic imagination pero sasabihin ko na, sinasayang nyo lang ang oras nyo dahil hindi mangyayari. It might be, never."

Tumayo sya sa tabi ko. Wala na ang ngiti sa mukha nya at napalitan ng katotohanan na pilit nyang itinatago, lungkot.

"Alam ko kung anong nararamdaman mo. Jace hindi lang naman ikaw ang nawalan, tayong lahat. Kaya wag mong sasarilihin lahat. Alam kong mahirap na tanggapin, kami rin naman iyon din ang nararamdaman. Siguro ang kailangan lang talaga nating gawin ay ang magdasal na sana kung nasaan man sya, masaya sya."

Hindi ko napansin na nakakuyom na pala ang isa kong kamay na nakahawak sa inuupuan kong wheel chair.

"Huwag mong sabihin yan." tiim bagang kong turan sa kanya. "Huwag mong sabihin na parang wala na talaga sya. Buhay pa sya Niel. Buhay pa sya. Kung kinakailangan na baliktarin ko ang buong dagat makita lang sya gagawin ko. Hahanapin ko sya."

"Paano mo sya mahahanap kung ganyan ang kundisyon mo? Jace halos isang taon na ang nakakalipas magmula ang aksidente. Noong mga naunang tatlong buwan na naconfine ka hindi ka nagsasalita, hindi ka kumakain, at palaging tulala. Noong nakalabas ka naman ilang beses ka ring nagpabalik balik dahil ilang beses mong sinubukang magpatiwakal. Tapos ngayon naligtas ka nga sa panibagong kalokohan na ginawa mo hindi ka naman kumakain. Nag-aalala na ang mga doktor sa kalagayan ng katawan mo. Ngayon sabihin mo sa akin, paano mo sya mahahanap kung palaging yan ang ginagawa mo? Pinapabayaan mo ang sarili mo."

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now