Chapter 27 - My Sunshine

9.5K 282 108
                                    

Chapter 27

Raven.

Masakit ang katawan ko. Ito ang una kong napansin pagkadilat ng aking mga mata.

Serene... Ang unang pangalan na pumasok sa aking isip.

Heto na naman ba tayo? Babalik na naman ba tayo kung saan mahahanap ko sya tapos agad ding mawawala? Ang paulit-ulit at walang katapusang siklo. Kailan ba ito matatapos? Tumingin ako sa may bintana 'di kalayuan sa akin. Mataas na ang bilog na buwan. Ito na yata ang pinakamalaking bilog na buwan na nakita ko sa tana ng buhay ko.

May narinig akong yapak ng mga paa ngunit hindi ko iyon pinansin dahil masyadong ligaw ang isip ko. Isang pamilyar na boses ang aking narinig.

"Masaya akong malaman na gising ka na."

Dahan-dahan kong iniangat ang mga mata sa kawalan. Ang tibok ng puso ko ay kay bilis. Ngunit isa na naman nga ba itong panaginip?

"Raven," Naramdaman ko ang isang pamilyar na malamig na daliri sa aking baba, pinipilit na hinahanap ang mga mata ko upang tumingin sa kanya. "Ayos ka lang ba?" May pag-aalala sa mga mata nya lalo na noong makita ang namumulang akin. Naramdaman ko ang paghaplos ng mga kamay nya sa pisngi ko. I just closed my eyes. Feeling her touch, feeling her warmth for the first time in years. Kung isa nga itong panaginip tulad ng dati kung saan sya naroon, ayoko nang magising.

"Raven?"

Jace. Iyon ang gusto kong itawag nya sa akin ngunit hinayaan ko na lamang sya sa takot na baka kapag nagsalita ako ay tuluyan syang mawala.

Hanggang dito na nga lang ba ang lahat sa amin? Sa isang panaginip? Kay lapit nya sa akin ngunit pakiramdam ko ay kay layo nya pa rin. Makakaya ko pa nga bang mawala sya sa akin? Sa totoo lang hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang iisipin. Kaya hahayaan ko na lamang ang sarili rito. Kung saan kasama ko sya. Sa lugar at oras na ramdam kong mahal pa rin nya ako. At mahal ko sya.

Katahimikan ang sumalubong sa akin pag kadilat ng aking mga mata. Bumangon ako na may kumikirot na likod at balikat, natagpuan ko na lamang ang sarili na may suot na cast sa kanan kong kamay.

Nasa loob ako ng ospital at may nakaturok na IV sa aking kamay. Pang-ilang beses na ba akong nagising sa ospital? Sa dami ay hindi ko na mabilang. Inilibot ko ang tingin sa paligid at nakita na natutulog si Nathan sa may sofa. Maliwanag ang paligid tulad na rin ng mahigpit kong bilin parati sa kanya. Ayoko sa dilim.

Pinagmasdan ko ang mga kamay sa puting kumot na nakapatong sa aking katawan pababa sa may bewang hanggang paa. Nakatulalang nakatitig, tahimik na nakikiramdam. Ilang oras na nga ba ng nakalipas magmula noong huli ko syang makasama at makausap? O kung oras man iyon o araw ay hindi ko na alam.

There was this familiar feeling of emptiness in my chest-- that part of myself she owns wholly. It felt empty and cold without her.

Tinanggal ko ang IV sa aking kamay at bumangon. Gusto kong lumabas. Gusto kong huminga ng sariwang hangin. I suddenly felt suffocated and nauseated in this room.

Sa hallway ng ospital ay wala sa sarili akong naglakad, hindi alam kung saan ang paroroonan. Ang gusto ko lang ay makalabas. Wala na akong pakialam kung saan man ako dalhin ng aking mga paa.

Alas-kwarto imedya ng madaling araw, ito ang oras na nakita ko sa wall clock sa taas ng isang pader. Nalingat ang tingin ko sa isang bintana sa loob ng ospital. Mayamaya ay siguradong sisikat na ang araw.

May nakita akong isang pinto na patungo sa isang hagdan. Pumasok ako roon at umakyat lang ng umakyat hanggang sa makaabot ako sa pinaka rooftop ng ospital na ito. Sa totoo lang ay may restriction sign na nakasabit sa taas ng pinto bago ka makakapasok pero sa mga oras na ito ay wala akong pakialam.

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now