Chapter 7 - Paglalakbay

6.9K 321 102
                                    

Celestine.

Katulad ng palagi naming ginagawa sa tuwing gabi, nagtipon-tipon kami sa harap ng isang bonfire upang magkasiyahan at magkwentuhan. Ito ang paraan namin upang maitawid ang pagkabagot namin sa bawat gabing puno ng katahimikan. Mas maganda kung sama-sama. Mas maingay, mas masaya.

Gayunman, ang hangin sa paligid ay nahaluan ng konting lungkot dahil sa nalalabing pag-alis namin ni Cello papunta sa Maynila.

"Totoo ba ang nabalitaan namin Celestine? Bukas na raw ang alis nyo? Kung ganun, kailan ang balik nyo?" tanong sa akin ni Toryo noong lumapit sya sa akin kasama ang mga kaibigan nya. Sila ang mga nakasama ko sa tuwing may training kami kay master Geronimo. Naaalala ko pa sabay-sabay kaming tumatakas noon kapag may training at sabay-sabay rin kaming napaparusahan. Nakakatuwang balikan ang nakaraan kung iisipin mo dahil ibang-iba na kami ngayon. Hindi na kami mga bata. May kanya-kanya na kaming responsibilidad na kailangang harapin at sa pagkakataong ito ay hindi na namin maaaring takasan pa.

"Oo bukas na kami aalis. Kung kailan babalik? Sa totoo lang hindi namin alam." sagot ko naman sa kanya.

"Hindi mo man lang ba hihintayin ang pagbabalik ni master Geronimo? Siguradong hahanapin ka nya."

"Gustuhin ko man Toryo hindi na puwede. Para rin naman sa atin ito. Para hindi na matakot ang angkan natin na lumabas. Dapat wala tayong kinakatakutan. Wala na ang Marcus Ashen na 'yon pero hindi natin sigurado kung totoo nga ang bali-balita kaya kailangan naming siguraduhin. Pero kung totoo man, sana makilala man lang natin kung sino ang tumapos sa kanya para makapagpasalamat tayo sa kanya."

"Tama. Iyon din ang gusto naming malaman. Kilala raw na kilabot ang Marcus na 'yon. Kung sino man ang tumapos sa kanya sigurado na pare-parehas sila ng radar ni Tatang at master Geronimo panigurado!"

"Kumain muna tayo dali! Nakaluto na kami para sa ating lahat!" masayang tawag sa amin ni inay kasama ang iba pang mga ina na kapitbahay namin dahil sama-sama silang nagluto para sa gabing ito.

Nagpaalam na sina Toryo sa akin at sabay-sabay nilang magkakaibigan na sinalakay ang hapagkainan. Rambulan sa mesa. Ilang beses pa silang napalo sa kamay dahil sa paunahan silang makakuha ng pagkain. Pero pagkatapos din n'on ay ang tawanan.

Patuloy ang pagtupok ng apoy sa may bonfire. Ang asul, pula at kahel nitong kulay ay tila ba sumasayaw sa bawat pagtupok ng sigang na kahoy sa baba. Ang pinaghalong kulay abo at puting usok ay pataas ng pataas, sa madilim na langit na puno ng bituin sila ay nagiging isa.

Sa may kanan sa tabi nito ay mayroong upuang gawa sa kahoy. May nakasandal na itim na gitara roon.

Kinuha ko ito at isinuot ang strap nito sa balikat ko. Huminga ako ng malalim at nilaru-laro sa mga daliri ko ang bawat string upang malaman kung nasa tono ang mga ito. Noong nakuha ko ang tono at ritmo na gusto ko, sinimulan ko ang pag-plucking sa bawat string. Kasunod nito ay ang pag-awit ko sa kantang minsan ko lang narinig sa radyo pero nakuha na nito ang puso ko ng ganun kabilis.


(I-play nyo yung kanta sa taas ^ para marinig ang kinakanta ni Serene :))


Sa pagtupok ng apoy sa mga sigang na kahoy sa tabi ko ay ang iniwan nilang bakas ng liwanag sa gilid ng mukha ko at ang anino ko naman sa likod. Sumasabay ang pagsayaw ng apoy sa aking awitin. Sa kalmado nitong tono at nagungusap na mga salitang gustong makakuha ng atensyon mula sa mga tengang nakapaligid...ang mga batang nagsisi-iyakan ay huminto. Ang mga tawanan ay unti-unting humupa. Sa bawat saliw ng ritmo ng musikang inihahandog ko ay ang tahimik nilang pakikinig. Isang hele na dala ay pag-asa sa aming lahat.

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon