Chapter 24 - Secrets

8.4K 294 122
                                    

Celestine

Tulala kong pinagmasdan ang puting kisame habang ang likod ng kanang kamay ay nakapatong sa aking noo. Dalawang araw na ang nakakalipas magmula noong manatili ako sa lugar ni Raven. Hindi naman nya ako pinagbabawalang lumabas. Sa katunayan nyan ay malaya akong nakakalabas kailan ko man gustuhin.

Ang hindi ko maintidihan sa sarili ay kung bakit parang ayokong umalis dito. Sa sobrang kumportable ko na yata ay akala mo akin ang kwarto na ito.

"Magaling ka na Celestine." Sabi ko sa sarili sabay bangon. Mayroon pa rin kasi akong mga galos magmula noong isang araw. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit pumayag ako kay Raven na manatili rito kahit na ba noong araw ay gusto ko na sanang umalis upang bumalik sa Nefario.

Sinuot ko ang sapatos na nasa baba at saka pumunta malapit sa may bintana. Marahan akong pumito at mayamaya pa ay may ibon nang lumilipad papalapit sa akin.

"Tala." Tawag ko sa pangalan nya habang nakangiting iniaangat ang isang kamay sa hangin. Nagpadausdos sya sa hangin at saka lumapag sa naghihintay kong braso.

Binigyan ako ng hawla ni Raven para kay Tala pero hindi ko tinanggap. Ayoko kasing ikinukulong ang ibon ko. Isa pa, nasanay syang lumilipad sa isla ng walang hawla na pumipigil sa kanya.

Gusto ko syang maging malaya.

"Nahanap mo na ba si Cello?" Tanong ko kay Tala na patagilid lamang akong pinagmasdan pagkatapos nyang linisan ang mga pakpak. "Wala pa rin ba? Sa tingin mo, nakabalik na kaya sya sa Nefario at hinihintay tayo? Gusto ko na syang makita. Gusto mo rin ba?" Meron sa bilog at malaki nyang mga mata ang gustong-gusto kong pinagmamasdan. Punong-puno ito ng buhay at kulay na sumisimbolo na kahit na isa lamang syang hayop ay may damdamin din na nararamdaman. Hinaplos ko ang malambot nyang pakpak at saka sya ipinasok sa loob. "Masyado na tayong nagiging kumportable sa lugar na ito Tala. Sa tingin ko, kailangan na rin nating umalis."

Nakita ko ang repleksyon sa salamin na nakasabit sa may pader. Magulo ang maikli kong buhok at may suot na maskara ang kalahating mukha. Hindi ko madalas pinagmamasdan ang sarili sa salamin pero sa oras na iyon ay nahuli ko ang sarili na nakangiti. Mabilis ko itong pinawi at saka napakunot-noo. Naninibago ako sa sarili. Bakit parang nitong nagdaang araw ay bigla na lamang akong napapangiti?

Lumabas ako sa kwarto na iyon at bumaba sa lobby ng condominium na ito. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakababa magmula noong dumating ako rito. Wala yata akong ginawa sa mga nagdaang araw kundi matulog at kumain. Iyon na yata ang pinakatamad na dalawang araw ng buhay ko. Sa isla kasi ay maaga kaming gumigising para tulungan sina Tatang at Tatay Casimiru na mangisda. Pero kung hindi nila kami mahintay ay tumatakbo na lamang kami ni Cello sa labas ng bahay bilang ehersisyo.

Ewan ko nga kung bakit hindi ako pinapalayas ni Raven dito. Masyado ko na yata syang naabuso nitong mga nagdaang araw dahil kapag may kailangan ako ay ibinibigay nya.

Ang nakakapagtaka sa lahat, hindi naman ako kinukulong ni Raven dito. Sa totoo nyan, nakabukas lang ang pinto at ibinibigay nya sa akin ang kailangan ko. Minsan pa nga sobra na. Ang O.A. nya minsan, hindi ko maintindihan.

Nakakapagtaka nga na hindi sya nagtatanong. Minsan sinasabi ko lang kahit hindi ko hinihiling, mayamaya ay nasa labas na ng pintuan ng kwartong ito. Katulad kahapon, nasabi ko lang na nasira yung sapatos ko kakatakbo, nagulat na lang ako pagkatapos kong maligo noong araw na iyon ay may bago na akong sapatos. Kung paano nya nalaman ang size ko, iyon ang malaking tanong sa isipan ko dahil saktong-sakto sa akin.

Ano ba sya? Fairy godmother? Este, father?

Medyo alangan tuloy akong isuot iyon dahil hindi ko naman sya ganun kakilala para bigyan ako ng mga ganoong kamamahaling gamit. Pero sabi nya kung hindi ko raw tatanggapin ay itatapon nya. Kaya tinanggap ko na lang. Ito ang suot ko ngayon. Napakalambot nga sa paa sa totoo lang.

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now