Liham ng Pag-ibig 18

35 3 0
                                    

Goyong

Ako'y nananabik na sa ating paglalakbay patungo sa Presidente, ngunit hindi ikaw ang sanhi nito! Kaya't huwag kang ngumiti riyan na parang nasisiraan ng ulo, at huwag mo rin akong pasasaringan sa oras na tayo'y magpanagpo.

Maiba ako, Goyong; alam ba ng Presidente na ako'y kasama sa iyong pagtungo sa kanyang tahanan?


Dolores

-

"Narito na ba tayo Goyo?" Bakit tulala naman ang isang ito. Sinundan ko ang kanyang tingin patungo sa bintana kung saan may nakadungaw na babae. Mamumutawi ang sopistikadang awra mula sa kanyang mukha.

Huwag mong sabihin sa akin na sa pangalang pagkakataon ngayong araw ay napaling nang muli ang atensyon ni Goyong sa babae? Walang pinipiling oras ang kapilyuhan ng lalaking ito.

Nagbukas ang malaking pintuan ng mansyon at lumabas ang may pinakamataas na kapangyarihan at ranggo sa pulo ng Pilipinas. Si Presidente Emilio Famy Aguinaldo: ang pinagbibintangang nagpapatay kay Heneral Luna.

"Goyong!" Mukhang nagising na sa katotohanan ang natulalang si Goyong dahil sa yakap na ibinigay ng Presidente sa kanya. Tunay ngang sya ay paborito ng Presidente, hindi ito isang sabi-sabi.

"Maligayang pagdating." Ang saya na bakas sa mukha niya ay parang isang ama na sabik na nakita ang kanyang anak mula sa matagal na pagkakawalay, wala nang duda.

"Ka Miong. Masaya akong naparito, ngunit ano nga ho ba ang dahilan kung bakit ninyo ako inanyayahan sa araw na ito?" Napaling ang atensyon sa akin ng Presidente, agad akong nagbigay galang at lumapit.

"Siya nga po pala si Binibining Remedios; anak ng mangangalakal na si Don Mariano Nable Jose kung saan kasalukuyang nanunuluyan ang aking hukbo." Nagtaas kilay ang Presidente sa aking presensya, malamang ay hindi nasabi ni Goyong na magsasama siya ng panauhin. Nakakayamot naman! Pakiramdam ko tuloy ay nakadistorbo ako sa muli nilang pagkikita.

"Hayaan mo't magpapadagdag na lamang ako ng hain para sa iyong kasama." Puno ng pag-aalinlangan ang mga salita ng Presidente, ramdam kong hindi siya natuwa sa pagdadala sa'kin dito ni Goyong. "Remedios iha, Goyong, tayo na't pumasok sa loob."

"Gabayan mo na sila patungo sa hapag-kainan." Utos niya sa isang tagapagsilbi na agad kaming dinala patungo sa isang lamesang puno ng nakahaing pagkain, mga tsina at kubyertos na ubod ng puti at kintab. Napakagara ng ayos ng hapag na ito, ano kaya ang mayroon?

"Ang ganda ng tanawin!" Nakaharap ang hapag-kainan sa isang malawak na bintana kung saan matatanaw ang mapayapang kabayanan. Hindi ko napigilan ang aking sariling mamangha dito.

"Hindi lang maganda, sobrang ganda." Tumango-tango ako sa sinabi ni Goyo, ngunit nang tumingin ako sa kanya'y ako pala ang kanyang tinitingnan. Ha!

"Hay nako Goyo, napaka-pilyo mo talaga. Hindi ako maganda, paglipas ng panaho'y mawawala ang lahat ng ito at ang tanging matitira na lamang ay ang pagkatao ko." Pilit na nagkukumawala ang mga ngiti sa aking labi.

"Ang sabi ko'y napakaganda ng tanawin Remedios." Pagtuturo niya sa labas, kaya't napahiya ako sa aking mga sinabi at nanahimik na lamang.

"Ngunit mas maganda ka pa sa mundo." Mundo? Pinanlisikan ko siya ng tingin. Yanong tamis talagang magsalita nito, nadadala na akong muli.

"Maaari na po kayong maupo, parating na rin po ang ibang myembro ng pamilya." Nagbalik na ang katulong at inanyayahan na kaming maupo.

Naupo na si Goyong, at nang tatabi na ako sa kanyang silya ay hindi ko mapigilang mapansin ang balisang kilos ng taga-pagsilbi.

Huling Pag-ibig ng Batang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon