Liham ng Pag-ibig 5

142 12 0
                                    

Gregorio,

Hindi ko maunawaan kung saan ako nagkamali o nagkulang, ngunit nakatanggap ako ng sulat mula sa iyong kapatid na si Ginoong Julian. Mayroon ka na daw iba, at hindi ka naman daw seryoso sa akin!

Napakababaero mo Gregorio. Magaling ka lamang magsalita at mangako ngunit, kulang ka sa gawa. Ni hindi mo man lamang nagawang makipaghiwalay sa akin nang harapan! Bakit Gregorio? Nahihiya ka ba, o natatakot?

Huwag na huwag kang magbabalik dito sa aming bayan, 'pagkat ipahahabol kita ng taga sa aking mga kapatid at ama!

Naninibugho,

Amelia

-

DEL PILAR

"Naiintindihan kong magiging responsable ka sa mga nangyari ngayong gabi, Heneral. Huwag mong mamasamain ang pananalita ko, 'pagkat ngayong gabi'y mga salita ng isang ama ang iyong maririnig." Hindi ko nagugustuhan ang pag-uusap na ito, kaya't aaminin ko na kay Don Mariano ang tunay na nangyari, pati na rin ang pakay ko kay Remedios.

"Batid kong pinagtakpan mo lamang ang aking anak na si Remedios, sabihin mo sa akin Heneral; ano ang tunay na nangyari kung kaya't magkasama kayo?" Malakas palang makaramdam si Don Mariano, napagtanto agad niyang kasinungalingan lamang ang lahat.

"Wala po sa plano na kami'y magkita, nang makarating ako sa parang ay naroon na ang inyong anak." Ang buong akala ko'y magagalit siya, ngunit mamumutawi ang pag-intindi sa kanyang mukha.

"Isinabay ko po ang inyong anak pauwi, 'pagkat batid ko ang panganib na dala ng gabi." Nawalang tuluyan ang pag-aalinlangan kong sabihin ang mga sumusunod.

"Gusto ko ang anak ninyong si Remedios, at kung mamarapatin ninyo ay nais ko siyang ligawan." Nanlisik ang mata ng Don sa aking sinabi.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Heneral? Si Remedios? Sinabi ni Remedios na si Dolores ang inyong pinag-uusapan." Ah, kasalanan ito ni Remedios, masyadong natulala sa mga pangyayari.

"Isang malaking hindi pagkaka-unawaan ang nangyari Don Mariano, wala sa isip na sumagot si Remedios dala ng kanyang pagkagulat sa pananakit ninyong ginawa." Napakurap nang sunud-sunod ang Don.

"Hindi maari." Anong hindi? Marangal naman ang aking propesyon at hinahangaan ako ng karamihan. Miski nga mismo siya ay iginagalang ako.

"Si Dolores.. ayaw kong masaktan ang aking anak. At saka ang buong pagkaka-alam ng lahat ng tao kanina sa sala ay interesado ka kay Dolores. Mukha namang hindi pa palagay ang loob sa iyo ni Remedios. Kaya't kung matatanggap mo, ay si Dolores na lamang ang iyong ligawan. Hindi ko magugustuhan kung mapahiya ang aking anak sa kahit na sinuman, Heneral." Hindi. Paano ang aking nais?

"Ngunit Don Mariano, hindi ko ho gusto si Dolores. Hindi ko ho maaatim na gawin ang isang bagay nang wala sa puso." Hinawakan nya ako sa balikat.

"Pansamantala lang naman Heneral, hindi naman ibig sabihin nito ay matatali ka na kay Dolores. Palipasin mo lamang ang ilang linggo, paki-usap." Bago sya tuluyang makalabas ng opisina ay may pahabol pa s'ya. "Tandaan mo, ang mga mata ko'y nakamasid sa iyo, Heneral."

Nanlumo at napa-upo ako sa isang silya sa sulok ng kanyang opisina. Hindi ko lubos maisip na naiipit ako sa sitwasyong ito; isang Aguila. Para akong napikot at ngayo'y napipilitang magpakasal. Oh Remedios, bakit mo pinakomplika ang lahat.

Sa paglabas ko sa opisina ay hindi ko sinasadyang hindi marinig ang matinis na boses na nanggagaling sa isang silid. "Ano na Remedios! Magkwento ka na bilis! Bakit ba hindi ka nagsasalita? Nagagalit ka ba 'pagkat ako ang gusto ng Heneral? Ano! Sumagot ka."

Huling Pag-ibig ng Batang HeneralWhere stories live. Discover now