Liham ng Pag-big 7

190 14 1
                                    

Ika-2 ng Pebrero, 1895

Goyo,

Ibalik mo ang aking balabal, kung hindi ay malalagot ka sa aking Ina! Tama nga ang kanyang pagkaka-larawan niya sa iyo, ikaw ay ubod ng kapilyuhan! Huwag mong antayin na ako pa mismo ang magtungo sa inyong tahanan, 'pagkat natitiyak kong luluha ka sa oras na malaman ito ng iyong ina.

Poleng

-

DEL PILAR

"Remedios, hindi dyan ang daan, dito sa kasalungat na kanto." Umiral nang muli ang katigasan ng kanyang ulo. Tatawa-tawang tumigil si Pepay sa king likod kaya't sinamaan ko ito ng tingin.

"General, ako'y tubong Dagupan. Alam ko ang bawat daan at kanto rito sa aking bayan. Mayroong mas maiksing daan rito." Remedios, kailangan na yata kitang turuan kung paano magsinungaling.. nang epektibo. Ang iyong pamamaraan ay bulok at walang estilo.

"Hindi ko pa tapos sagutin ang iyong mga katanungan ay iniwan mo na agad ako. Makinig ka Remedios. Iisang babae pa lamang ang nakakarinig nito mula sa'kin." Patalikod ko syang hinigit patungo sa aking harapan, walang babae pa ang hindi natutuod kung ako'y kanilang nakakasama, paano pa kaya kung bumulong ako sa paraang ito.

"Ang totoo nyan ay gusto kong makasama ka ngayong araw. At naisip kong mas tatagal kang nasa tabi ko kung tayo'y maglalakbay nang malayo. Mas mabagal, mas matagal Remedios." Hindi ko na alam kung dahil lang ba ito sa nakagawian kong pagtrato sa babae, ngunit may nararamdaman akong kaunting sensiridad sa aking sinabi.

Wala mang pagsang-ayon ay nagsabay ang aming mga paa. Ah, kaya naman pala ito ginawa ni Remedios kanina. Gawain man ito ng isang paslit ay lubha ngang nakakatuwa. Napangiti ako nang bahagya, kasabay nito ay ang pagtahan ng aking pag-iisip tungkol sa matagal nang bumabagabag sa akin.

Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng kapayapaan. Hinihiling kong tumigil ang oras, ngayon ko lamang hinihiling ang pagbagal nito. Noong isang araw lamang ay gusto ko nang matapos ito at mapunta sa isang mas mapayapang araw. Hindi pa man nangyayari iyon ay alam ko na sa sarili ko na kay Remedios, sa piling lamang niya ako makaramdam ng kapayapaan.

"Goyo, marami ka nga bang babaeng pinaluha at pinangakuan sa bawat bayang dinaanan mo?" Oo, marami.

"Hindi ko sila babae, Remedios. At hindi ako basta-bastang nangangako kung kani-kanino. Kasalanan ko bang hindi sila makapagpigil na magpapansin sa akin?" Mahangin masyado Goyo.

"Hambog ka Goyo. Talagang bilib ka sa iyong sarili, ano?" Hindi naman masyado, para sa akin ay ito ang tangi kong paraan upang hindi tuluyang maging bihag ng gyera. Ang panatilihin ang dating ako, noong buo pa ang aking pangarap para sa aking pag-aaral. Ito ang munti kong takas sa realidad.

"Bakit? Hindi ka ba bilib sa akin? Sa edad na bente-dos ay Heneral na ko. Isa ako sa mga paborito ng Presidente; doon pa lamang ay dapat ka nang mabilib! Naroon ako sa Labanan sa Kakarong De sili, sa Paglusob sa Paombong, Labanan sa Pasong Balite, sa Quingua, maging sa Calumpit." Naalala ko naman ang kamuntikan kong pakikipagkita kay kamatayan sa Kakarong De Sili nang magsi-atrasan ang mga kasama naming sundalo nina Maestro Sebio upang iligtas ang kanilang mga sarili. Nadaplisan ako ng bala ng mauser sa aking noo. Akala ko talaga'y katapusan ko na.

"Bilib ako sa iyong tapang sa pakikipaglaban para sa kasarinlan ng ating bayan. Hindi para sa kasarinlan mo sa lahat ng babae." Napatawa na lamang ako sa kanyang katarayan. Araw-araw iba't ibang pag-uugali ni Remedios ang natutuklasan ko, at gusto kong makita ang lahat.

Tila nagkamali ako ng kalkula sa layo ng talon. Sigurado naman akong mabagal lamang ang aming lakad, ngunit tila kay bilis ng oras. Narito na kami't nakatuntong sa daan patungo sa aking inihandang munting sorpresa.

Huling Pag-ibig ng Batang HeneralTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang