Liham ng Pag-ibig 1

510 22 20
                                    

1

Sa Aking Sinisintang Heneral;

Goyo, batid kong naging mahirap para sa iyo ang ating paghihiwalay nang dahil sa lalaking ipinagkasundo sa akin. Labis kong ikinalungkot nang hindi mo ipinaglaban ang ating pag-ibig. Ngunit Goyo; aking sinisinta, hindi na kaya pa ng aking puso na ikaw ay malayo.

Nais kong sabihin sa iyo na kahit hindi mo pa hingin ang aking kapatawaran ay ibinibigay ko na ito. Katulad ng buong puso kong pagsuko ng aking kasarinlan. Sasama na ako sa iyo patungo sa Dagupan, hindi ko man batid kung ano ang kapalarang naghihintay sa ating pag-iibigan ay isa lamang ang aking sinisigurado. Ang pagmamahal ko sa iyo ay nakataga na sa bato, walang sinuman ang may kakayanang wasakin ito.

Maghihintay ako sa iyo sa lilom ng puno ng Narra pagsapit ng dapit-hapon. Sabik na sabik na akong makasama ka, aking Heneral.

Nagmamahal,
Teresita

"Putang-ina Goyong! Hibang na hibang sa'yo si Teresita ah!" Kantiyaw ng Kuya kong si Julian.

"Iba talaga 'pag nadagit ng Aguila Julian, wala nang kawala!" Pangga-gatong naman ni Melencio.

Sila ang dalawa sa pitong kasama ko sa ilang gyerang sinuong ko. Mula pa sa mga Kastila, hanggang ngayong nakisali na ang mga Amerikano sa pagnanais tanggalan kaming mga Pilipino ng karapatan at dignidad sa sarili naming bayan.

Ang pinaka-hindi ko malilimutang sandali na kasama ko sila ay noong naganap ang Labanan sa Kakarong de Sili, kung saan nadakip ng mga Kastila si Maestro Sebio, at tuluyang pinatay.

Kamuntikan na akong bawian ng buhay, at doon din ako nalagasan ng tapat na kaibigan; si Juan Mendez Catindig. Catindig ang bansag namin sa kanya 'pagkat dalawa silang Juan sa aming hanay. Nangyari man iyon ay lubos pa rin ang pasasalamat ko sa Diyos, 'pagkat naisip njyang hindi ko pa oras, nakatakas kami.

Marahil ay hindi ko pa nagagawa ang misyon ko sa mundong ito; ang mahanap ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

"Tumigil na nga kayo, sa halip ay bilisan na natin ang paghahanda, at baka maabutan pa tayo ng iyong babae rito at magmakaawa siyang sumama." Lubhang sineryoso ni Teresita ang pagiging maginoo ko, lahat na lang ng kilos ko binibigyan niya ng kahulugan. Makikipagtanan s'ya sa'kin? Sa tingin ba niya ay papatali ako nang ganoon na lamang?

"Ikaw talaga Goyong, dinagdagan mo nang muli ang listahan ng mga babaeng dinudurog mo ang puso." Itong si Isidro talaga ang dapat magpatali nang maaga. Masyadong mabait.

Naalala ko nang unang magkrus ang landas namin ni Isidro. Sa isang pistahan kung saan niya ako sinuntok. Ang dahilan? Ang marupok n'yang kasintahan. Ang binibining ubod ng pula ang labi at pisngi; isang mestiza.

Aliw na aliw ako sa palabas na inihahandog ng mga kabataan sa entablado nang walang anu-ano ay natapunan ako ng sago't gulaman ng isang binibini. Napabalikwas ako sa dulot nitong lamig, basang-basa ang aking uniporme.

"Dios Mio Ginoo! Patawarin mo ako sa aking sala!" Panay ang kanyang punas at tanggal ng dumi mula sa aking kasuotan, hanggang sa umabot ang kanyang kamay sa aking pang-ibaba.

Dios ko! Mababaliw ako sa sensasyon! Kung hindi lamang kami napapalibutan ng mga tao ay hinayaan ko na lamang siyang magpatuloy.

Nilakihan ko ang distansya sa aming pagitan. Nang-aakit ang kanyang tingin, kinagat n'ya ang ibabang bahagi ng kanyang labi at bumulong sa aking tainga.

"Nais kong magpatuloy, Ginoo." Napalunok ako nang madiin. Hinila niya ako gamit ang aking kuhelyo.

Bigla akong natumba sa pagkakatayo at nakaramdam ng nakangi-ngilong sakit sa aking panga. Isang galit na galit na lalaki ang nakaambang suntukin muli ako. Kung hindi sa mga taong nagpipigil sa kanya ay baka nagkarambola na kami.

Huling Pag-ibig ng Batang Heneralحيث تعيش القصص. اكتشف الآن