Liham ng Pag-ibig 9

126 12 1
                                    


Goyo,

Wala ka ng piniling sandali, Goyo! Bakit mo ipinaalam kay Ina na ako'y gusto pala? Hindi mo ba batid na tayo'y hindi maaari?

Kung sana'y sa akin ka unang nagtapat ay magagawaan ko pa ng paraan upang maging maayos ang pananaw sa iyo ng aking Ina. Ano bang nararapat nating gawin sa pagkakataong ito? Ako'y nagugulumihanan dala pa rin ng pagkabigla ko sa iyong nararamdaman.

Poleng
-

Hulyo 4, 1899

REMEDIOS

Mahigit dalawang linggo na ang lumipas nang masampal ko si Goyong, ngunit hindi pa rin mawala sa aking isipan ang pagmamalaki niya sa mga kababaihang naghahabol sa kanya na ako ang kanyang nobya, at ako'y nagdadalang tao. Sa tingin ba niya ay nakapagpataas sa aking kumpyansa at tingin sa sariili ang pakikipag-kompitensya sa mga babae niya?

'TAK! TAK TAK TAK!' HAY! Mukhang hindi sasapat ang isang talong, kayat kukuha pa ako. Tama na siguro itong limang kinuha ko.

"Remedios! Iha Dios ko po!" Pumasok sa kusina si Nanay Tesi. Siya ang nag-alaga sa akin simula nang ako ay ipanganak ng aking inang yumao. Mas itinuturing ko siyang ina kaysa kay Inay Paz, 'pagkat tunay na anak ang turing niya sa akin.

"Bakit po Nanay?" Nanlulumo niyang hinawakan ang talong na tinatadtad ko at saka tumingin sa akin na para bang nakapatay ako ng isang nilalang.

"Kalunos-lunos ang sinapit ng talong na ito sa iyong mga kamay, Remedios! Anong naging kasalanan ng talong hija?" Pinagmasdan ko ang talong at saka sumagot.

"Hindi ho talong iyan, Nanay." Pinanlilisikan ko ng tingin ang talong, at pinipiga naman ang mga hawak ko.

"Ano bang pinagsasasabi mo Remedios? Tigilan mo nga ang mga talong na hawak mo! Sayang naman." Inagaw niya sa akin ang hawak, at itinago ito sa kanyang likod.

"Si Heneral del Pilar iyan, Nanay. HAHAHA!" Natatawa ako sa aking kalokohan! Paano ko nagawang idamay ang mga talong sa galit ko kay Goyong? Dapat ay harapan ko siyang parusahan muli!

"Bakit?" Nagtataka ang itsura ni Nanay Tesi na lumapit sa akin. Nabitawan na niya ang mga talong na kanina lamang ay pinoprotektahan niya mula sa akin.

"Anong ginawa sa iyo ng Batang Heneral?" Galit siyang nagtatanong habang unti-unting tumataas ang boses. Napatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig at nanlaki ang mata sa takot.

"Dios ko Remedios! Ikaw ba'y nadagit na ng aguilang iyon?" Anong aguila? Bakit ganito nalang kung magulantang itong si Nanay Tesi?

"Si Goyong po, aguila?" Ang dami naman palang bansag sa kanya. Ano pa ba bukod sa Goyo, Goyong, Batang Heneral at Aguila?

"Huwag mong ibahin ang usapan, Remedios!" Bakit ba nagagalit itong si Nanay? Kakaiba naman, kanina lamang ay nag-aalala, pagkatapos ngayon ay galit na?

"Magsabi ka ng totoo. Ikaw ba'y umiibig na?" Natigilan ako sa pagtawa sa loob ng aking isip.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Nanay Tesi. Umiibig? Ako? Hindi. Hindi maari, hindi maaring kay Goyong! Masasaktan lamang ako sa dami ng kaagaw ko sa kanyang atensyon. Kaya't alam ko sa sarili kong hindi ko hinayaang mangyari ang sinasabi niya.

"Hindi po Nanay." Kinanlong ko sa'king mga palad ang kanyang kamay.

"Imposible po ang inyong hinala, 'pagkat alam ko pong walang kinabukasan ang pagmamahal na maari kong ibigay sa batang heneral. Kaya't huwag po kayong mag-alala. Hinding-hindi mangyayari ang inyong ikinakatakot." Tiniyak kong mapapalagay ang loob ni Nanay Tesi sa aking sinabi. Ipapaputol ko ang aking buhok kung iyon man ay magyayari!

Huling Pag-ibig ng Batang HeneralWhere stories live. Discover now