Liham ng Pag-ibig 3

249 13 3
                                    


Heneral del Pilar,

Naninibugho ang aking damdamin sa mga nababalitaan ko. Ikaw daw ay muli pang lumayo patungo sa Dagupan? Kung dito pa nga lamang sa Bulacan ay panay na ang mga hindi magagandang balita na nakararating sa akin, ay paano na lamang kung ikaw ay malayo? Marami ka raw babae, at hindi lamang ako nag-iisa!

Magpaliwanag ka sa akin Heneral, 'pagkat tanging boses mo lamang ang aking pakikinggan, at wala nang iba pa. Kung matanggap mo na ang aking liham ay agad mong sagutin ang mga katanungang namamalagi sa aking isipan. Nais ko lamang ng isang mapayapang pag-iibigan Heneral. Nawa'y maibigay mo ito sa akin.

Nanabik sa iyong pagbalik,

Jesusa

-

"Walang-hiya ka Kuya Julian, nasira ang diskarte ko doon sa binibini sa tindahan ng mangga nang dahil sa iyo." Sobrang ganda ng binibining 'yon. Narinig ko ang pangalan nya; Remedios, isang lunas, nakagagaling. Sing-ganda ng kanya buhok at ng singkit niyang mga mata.

Subalit ang tanging paraan upang mamalagi ako sa kanyang isip, ay ang magkunwari akong walang narinig. Sinisigurado kong magkikita pa naman kaming muli 'pagkat matagal-tagal ang ilalagi ko rito sa Dagupan, dahil sa mga Amerikanong umaaligid at nagbabadyang sakupin ang bayang ito.

Isinusumpa ko sa abot ng aking makakaya, na hindi iyon mangyayari.

"Sus Goyong, marami namang ibang babae diyan, kahit di mo tingnan, sila na mismo ang kusang lalapit sa'yo." Naglalakad na kami patungo sa bahay ni Don Mariano. Pinauna ko na kasi ang aking kabayo kina Vicente, 'pagkat balak ko sanang maglibot muna dito sa bayan bago ako tumuloy.

Mercado ang naisip kong unang pasyalan dahil nandodoon ang karamihan sa mga tao, marami rin sana akong nakilalang mamamayan na maari naming italaga bilang lokal na tagamasid.

"Hahaha, kakaiba ang isang 'to Kuya." Paano ko ba nasabing kakaiba si Remedios? Katulad naman ng ibang babae ay napansin kong nahumaling siya sa akin sa unang pagkikita. Hindi ko mawari kung bakit sa isip ko'y naiiba siya sa lahat.

Pero tulad nga ng sinabi ni Kuya Julian, maraming kababaihan ang umaaligid sa akin.

"Heneral del Pilar!" Tawag-atensyong sigaw ng isang babaeng aming makakasalubong. Panay masasamang tingin na naman muli ang ibinabato sa akin ng mga kalalakihang nakarinig. Pusta ko, hindi magtatagal ay usapan na rito ang reputasyon ko sa mga kababaihan.

"Tunay nga pala ang sabi-sabi. Pinagpala ka nga ng Panginoon. Charito nga pala." Sabay abot ng kanyang kamay na agad ko namang hinawakan at hinalikan nang hindi inaalis ang tingin sa kanyang mga mata.

"Ikinagagalak kitang makilala, Charito." Humahagikhik niyang tinakpan ng pamaypay ang kanyang bibig.

Maglalakad na sana muli kami ni Kuya nang magsalita pang muli si Charito. "Hanggang kailan ka mamamalagi rito sa aming bayan, Heneral?"

"Matagal, kaya't pakawalan mo na kami't pagod na ang kapatid ko." Si kuya na ang sumagot, pansin sa kanyang nabwisit siya sa hindi man lang pagpansin ng binibini sa kanya.

"Sana'y makita pa kitang muli. Paalam Heneral." Agad na nagpaalam sa akin, at na animo'y walang narinig sa sinabi ni kuya.

"Oh, hindi ba't sinabi ko sa'yo! Hangin nga lamang ako sa tuwing ika'y aking katabi." Inakbayan ako ni Kuya at saka kami nagpatuloy sa tahanan ng mga Nable Jose. Hindi ko naman gustong makaramdam si Kuya ng panliliit sa sarili, kaya nga madalas ay mas pinipili kong hindi sumama kung may lakad siya.

Huling Pag-ibig ng Batang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon