Liham ng Pag-ibig 2

312 18 9
                                    

2

Goyo ko,

Pitong araw na ang nagdaan, ngunit hindi ka na muling nagparamdam. Utang na loob, kung ito man ay senyales ng pakikipagputol-ugnayan mo sa akin, ay maawa ka.


Ibinigay ko na sa iyo ang lahat, puso't kalukuwa. Kulang na lamang ay pati ang pinakaiingat-ingatan kong puri noong magkita tayo sa kuwadra ng iyong kabayo.

Huwag mo akong lilisanin Goyo, hindi ko kakayanin!

Lubos na naninibugho,
Josepina

-

"Oh kanino naman galing 'yan Goyong, kay Maria ba, Leonora, Carmelita, o kay Teresita?" Ibinigay ko sa kanya ang liham.

"Loko! Mali ka. Oh basahin mo." Sabik naman n'yang binasa ang liham nang malakas at may punong-puno pang pag-eemosyong nalalaman.

"Pitong araw na ang nagdaan ngunit hindi ka na muling nagparamdam. Tang-ina Goyong, bilang na bilang!" Ako ba naman ang mawala sa iyong piling.

"Utang na loob, kung ito man ay senyales ng pakikipagputol-ugnayan mo sa akin, ay maawa ka. Maawa ka raw Goyong! Ang tigas naman ng iyong puso." Walang makapagpalambot, ano bang magagawa ko. Hindi ka naman maaring manatili sa isang relasyon dahil sa awa. Hindi na pag-iibigan ang tawag doon, pasakit na.

"Ibinigay ko na sa iyo ang lahat, puso't kalukuwa. Kulang na lamang ay pati ang pinakaiingat-ingatan kong.. puri! Huwag mo akong lilisanin Goyo, hindi ko kakayanin! lubos na naninibugho, Josepina." Mas lalong lumaki ang ngiti sa kanyang mukha.

"Putang-ina Goyong! Puri? Bakit muntikan lang! Dapat sinagad mo na!" Loko-loko talaga itong si Kuya. Basta tungkol sa babae nauulol.

"Kaya nga gusto ako ng mga babae, kuya. Sapagkat maginoo ako, hindi tulad n'yo nina Juan, puro libog!" Namay-awang ako at saka sumandal sa puno.

"Balikan mo kaya itong si Josepina, kahit isang gabi lang Goyong. Alam mo kung ako ikaw, wala akong palalampasing sandali! Nabasa mo ba ito kapatid? Lubos na naninibugho! Malaki ang pag-asa mo!" Puro kabastusan.

"Ikaw ata ang hindi nagbabasa Kuya Julian, sa pamamaraan pa lamang ng sulat niya ay makikita mong desperada na. Baka mamaya pikutin ako n'yan, at ipitin sa isang sapilitang kasalan." Nasisigurado kong baliw ang isang ito.

"Atsaka kuya ang babae, para yang isang libro. Marami sila, may iba't ibang lenggwahe, dami ng pahina, at nilalaman ngunit iilan lang ang tunay na makapagbibigay sa iyo ng aral na magugustuhan mo. Kailangan basahin mo ang bawat pahina, para makuha mo nang lubos! Maari namang magbasa ka nang marami, pero dapat may isa ka paring babalik-balikan, at iyon ay kung saan ka tunay na sumaya." Tama naman, hindi ba?

"Goyong, hindi pa ba tayo aalis? Kailangan na nating magtungo sa himpilan ni Heneral Luna sa Bayambang. Baka mamaya niyan ay maunahan pa tayo ng mga may galit kay Luna na paslangin s'ya dahil lang sa mga librong tinutukoy mo." Biro ni Isidro. Kaya't nagmadali na kaming umalis upang hanapin si Luna. Ang ibang kawal ay ipinadala ko sa estasyon ng tren, malapit sa opisina ni Ka Miong, at ang iba'y nauna na sa Bayambang. Ngunit ano itong nakikita ko? Nagsisibalikan na ang aking mga ipinadalang kawal.

"Bakit kayo nagsi-balik? Hindi ba't utos ng Heneral na hanapin si Luna at patayin? Huwag ninyong sabihin na nagawa ninyo ang ipinag-uutos sa loob lamang ng trenta minutos? Bakit ang aga n'yong bumalik?" Hinihingal-hingal ang kawal bago makasagot sa tanong ni Socorro.

"Hindi ko po alam kung isang magandang balita ito para sa inyo Heneral, ngunit ikinalulungkot kong sabihin na-" Pigil-hininga kaming nakikinig kay Hernan nang may pumutol sa kanyang sasabihin.

Huling Pag-ibig ng Batang HeneralWhere stories live. Discover now