Liham ng Pag-ibig 11

123 11 1
                                    

Hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit at ibinalik ito sa aking tabi.

"Hindi ka kailanman magiging una sa puso ni Remedios." Nakatingin sa akin nang masinsin ang heneral habang magkasalubong ang mga kilay.

"'Pagkat hanggang ngayon.. ay naghihintay pa rin siya sa pagbabalik ni Victor." Paki-usap, ako na lamang heneral.

"Paano mo naman nalaman ang nasa sa puso ng iyong kapatid?" Dumistansya siya sa akin na labis kong ikinalungkot. Ano na ang nangyari sa Dolores at Gregoriong kanina lamang ay masayang nagtatawanan?

"Lahat ng bagay ay nasasabi niya sa akin." Hindi lahat, ngunit gusto kong sabihin sa iyo na mas nararapat ako sa iyo.

"Kung ganoon ay batid kong alam mo ng may gusto ako sa kanya." Ano? Paano niya nasasabi nang harap-harapan ang bagay na ito. Heneral, unti-unti mong tinatapakan ang aking damdamin

"Hindi. Walang nasasabi sa akin si Remedios." Ang sa totoo nga lamang ay madalang na kaming mag-usap sanhi ng banta kong isusumbong ko siya kay ama.

"Hindi ko man sabihin ay tinitiyak kong naipararamdam ko ito sa kanya." Ang ibig-sabihin ay hindi lamang sila dalawang beses na magkasama? Gusto ko ring maramdaman ang iyong pagmamahal, heneral!

"Ngunit hindi ka gusto ng aking kapatid." Desperada na kung desperada ngunit ito lamang ang tangi kong laban sa aking kapatid.

"Hindi ako naniniwala sa iyo." Narinig mo iyon mismo gamit ang sarili mong tainga!

"Hindi ba't narinig mo iyon noong gabing nakinig ka sa aming usapan?" Nang makita ko ang heneral ng gabing iyon ay napagpasyahan kong takutin si Remedios upang akalain ng heneral na wala siyang pag-asa sa aking kapatid.

"Pinagbibintangan mo ba ako?" Hindi bintang ang aking sinasabi, at alam mo iyan.

"Huwag mo nang itanggi pa, heneral. Nakita kita sa siwang ng aking pinto." Makailang-ulit siyang kumurap na animo'y nagpuwing sa hanging nagdaan.

"Bakit hindi mo na lamang hayaan si Remedios? Ako, kaya kong ibigay sa iyo ang lahat." Ipinapangako ko heneral, kahit mura pa lamang ang aking edad, ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang maging sapat sa iyo.

"Tumigil ka na." Hindi ako titigil aking heneral! Kailangan mong ipasok sa iyong pag-iisip na huwag na lamang si Remedios ang ibigin.

"Kaya kitang mahalin nang walang takot at pag-aalinlangan. Nag-iisa ka sa puso ko heneral." Nang una kitang masilayan ay walang pag-aatubiling iwinaksi ko ang mga ala-ala namin ni Victor sa aking puso't isipan.

"Huwag mo nang siraan si Remedios sa akin." Paano niya nalamang paninira ang mga sinasabi ko? Ganoon na lang ba talaga kung pagkatiwalaan niya si Remedios?

"Pawang katotohanan lamang ang aking sinasabi." Hinihiling ko na sana ay nakinig na lamang ako nang sabihan niya akong tumigil na, 'pagkat pati puso ko'y nadurog sa mga sumunod niyang sinabi.

"Kung hindi man ako gusto ni Remedios ngayon, ay gagawin ko ang lahat upang makuha ang kayang pagmamahal."

Kasabay ng paglubog ng araw ay ang paglisan niya sa akin, at naiwan akong nag-iisa.

-

Ika-15 ng Hulyo, 1899

"Isidro, nabalitaan na ba ninyo ang tungkol sa Guardia de Honor?" Hindi pa man nagbubuka ang liwayway ay gising na ang aking hukbo upang maghanda sa palabas mamayang hapon sa Plaza.

"Oo, Goyong. Naipag-bigay alam na sa amin ni Julian nang makarating ang telegrama ng presidente noong nakaraang dalawang linggo pa." Mabuti naman at alerto sila sa kung anumang maaaring mangyari, lalo na't isa ang Pangasinan sa kuta ng mga Guardia de Honor.

Huling Pag-ibig ng Batang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon