Liham ng Pag-ibig 4

158 12 0
                                    


Goyo,

Ang Batang Heneral mula sa Bulacan,

Madalas na napipisil ng mga lakan,

Dahil sa mga mata mong mapag-akit,

Pakiramdam ko'y nagkasakit,

'Pagkat di na mawari kung ano ang gagawin,

Bawat sandali'y may balak na agawin,

Buti na lamang at ako'y mahal,

'Pagkat sa aki'y ikaw ay mahal na rin.

Nagmamahal,

Lourdes

-

Hindi ko na napigilan ang aking sarili, nang mapagtanto kong gusto ng aking kapatid ang ginoo. Bakit hinayaan ng Panginoon na mangyari ito?

Hindi ito maari. Isa lamang sa aming dalawa ang maaaring magkagusto sa kanya. Kung 'di ay malaking gulo ang dadalhin nito sa aming pamilya.

Pagkatapos kong samahan si Dolores upang maghain ng mangga, ay bumalik ako sa kusina't tuluyan nang nagdire-diretso paalis mula sa aming tahanan, sa takot kong may kung anong masabi sa kanya. Sa aking paglalakad-lakad ay narating ko ang lugar kung saan madalas akong magpalipas-oras.

Umupo ako sa berdeng damuhan at sumandal sa puno. Mahigit isang oras na akong nagmumuni-muni rito. Iniisip ko kung anong paraan ang maari kong gawin upang maalis sa isip ni Dolores ang ginoo.

Ayaw ko na mag-away kami dahil sa isang lalaki lamang. Marami namang iba d'yan, bagkos ay dapat ako na lamang ang magparaya, 'pagkat ako ang nakatatanda.

Ako dapat ang umintindi, dahil ang mga panganay ang naatasan na isakripisyo ang sariling pangkaligayahan para sa kanilang nakababatang kapatid, mas lalo na sa ikasasa-ayos ng kanilang pamilya.

Titigilan ko na kung ano man itong umuusbong sa aking puso. Tutal naman ay mas nauna nang ipahayag ni Dolores ang kanyang nararamdaman tungkol sa binata.

May naririnig akong yapak ng kabayo. Sino kaya iyong paparating? Ako lamang naman ang palaging naririto. Ni minsan ay hindi pa ako nakakilala ng ibang tao sa lugar na ito.

Ah! Marahil ay ito na ang ibinigay ng Panginoon sa akin kapalit ng ginoo! Guwapo kaya s'ya? Sing-tikas at sing-bango ng ginoo? Hindi na ako makapaghintay! Inayos ko ang aking puwesto at nagtago nang mas ma-igi.

Dahan-dahan pa siyang naglalakad papunta dito sa puno! Diyos ko, wag sana akong mahuling nagmamasid!

Upang makatago nang maayos ay inalis ko na ang tingin ko sa paparating. Maya-maya pa'y naramdaman ko ang kati sa aking paa at narinig ko ang pag-upo ng tao sa kabilang dako ng puno. Ang kati talaga! Ngunit kailangan kong magtiis! Mamaya n'yan ay hindi pala maginoo itong taong ito!

Tila dumarami at tumitindi ang kati sa aking paa, kaya't minarapat kong ito'y silipin at laking gulat ko nang makita na may hukbo pala ng gilata sa aking paanan!

"Ah! Ah!" Hindi ko na napigilan ang pagkatakot ko sa aking nakita, ngunit hindi kaagad ako nakaalis 'pagkat may nakaharang sa likod ko. At bigla ito nagsalita!

"Hindi mo ako basta-basta makukuha sa pagapapakita mo ng iyong likod habang naka.. este habang nasa ganyang posisyon. Pero inaamin kong nagustuhan ko, Binibini." Napatikwas ako ng tayo, at tuluyang kumaripas ng takbo.

Bakit ba kasi mas pinili kong tumuwad, kaysa ang lumuhod! Iniisip siguro nitong lalaki na ito na madali lamang akong makuha! Nagulat ako nang bigla niya akong haklutin at iharap sa kanya.

Huling Pag-ibig ng Batang HeneralWhere stories live. Discover now