Part 2

1.5K 45 1
                                    


Timothy

"I do love you, Lei" sabi ko sakanya

Hindi siya sumagot. Pinapakinggan  niya lang ako.

"Even before, you were everything I dreamed of."

Biglang narinig ko ang malalim niyang paghinga, hudyat na tulog na uli siya.

"I was just too scared to pursue you because I thought you were not ready yet and I thought you only see me as a friend."

Mahina kong sabi at pagpapatuloy ng salita ko kahit na alam kong di niya na narinig yun.

"And this time, I will not let you go. Not anymore." Bulong ko.

I slightly kissed her head.

Maya maya ay nakatulog narin ako.

-

"Hindi mo naman ako gusto di ba?"

Nagising ako sa salita ng katabi ko. Si Lei, may sinasabi siya.

"Never mo naman ako magugustuhan sabi mo di ba?"

Anong ibig niyang sabihin?

Gising na ba siya?

No. She's sleep talking.

Nakasandal parin siya sakin habang tulog.. Nagsasalita siya habang tulog.

"Wag mo na kong paasahin ulit, please. Alam kong pag gising ko wala ka na naman. Nakalimutan mo na naman. Hindi mo na naman maalala na yakap mo ko ngayon. Hindi mo na naman maalala na okay tayo." Sabi niya habang nakatingin parin ako at pinapakinggan siya.

Tulog ba talaga siya?

Hindi ko magawang umimik. Pinapakinggan ko lang lahat ng sinasabi niya.

Nararamdaman kong nababasa na yung gilid ng damit ko. Umiiyak siya.

"Sssshhh. Stop crying, baby.. Ssshhh.. Hindi na ko mawawala. Pangako.. Lei, Shh" Sabi ko sakanya habang patuloy na hinahalikan ang ulo niya and carressing her arm para tumahan siya.

"Mauulit na naman yun dati, *sobs* itatanggi mo na naman ang lahat ng nangyari, *sobs* sasabihin mo na naman *sobs* na hindi mo alam yung nangyari kasi lasing ka. Tama na Timothy" bahagya niya kong hinampas sa braso..

Sumakit yung puso ko sa mga sinasabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan ito. She's not sleeping but I think she's not fully aware of what she's doing.

"Shh. I'm sorry, baby. I won't be coward anymore.. and I promise, the moment you open your eyes, I'm still gonna be here. I won't leave you. Not again." hinalikan ko siya sa noo

Maya maya pa ay kumalma na siya. Lumalim ang paghinga. Tulog na uli siya.

I am sorry, I really am sorry if I had to do that, I was so coward. I didn't know how to handle something so good without risking what we have.

Nicolei

Nagising ako. Nakayakap kay Tim, at ganun din siya.

Teka...

Nanaginip ako kagabi. Gantong ganto yung set up. Same clothes, same place, same couch.

Wait.

Was I really dreaming?

Oh my gosh. No way in hell!

Napamulat ng mata si Tim, at agad akong humiwalay sakanya.

"Hey, good morning. What time is it?" Tanong niya

Napatingin ako sa orasan. It's 5:00 am already. Tumayo ako.

"I need to go, bye" sabi ko sakanya

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now