Pinigilan niya ko. He grabbed my arm.

"Wait, ihahatid na kita." Sabi niya.

"No need. It's fine." Sagot ko sakanya.

"No, I insist.. Please?" Mahinahon niyang sabi sakin

Hindi ako sumagot.

"Please?" Pakikiusap niya.

Huminga ako ng malalim at tumango sakanya.

Umalis na kami sa venue without saying goodbye sa mga naiwan dun dahil mga tulog pa naman ang lahat.

"Do you have your car with you? Gusto mo yun na lang gamitin natin? Babalikan ko na lang sasakyan ko dito pagkahatid ko sayo." Tanong niya

"No, I don't. Nag grab lang ako kagabi kasi alam kong iinom ako" sagot ko sakanya.

"Ah I see.. sige"

Nakarating na kami ng parking. Pinag buksan niya ko ng pinto at saka siya pumunta sa driver's seat.

Katahimikan. Katahimikan ang bumabalot sa aming dalawa habang nagmamaneho siya.

"Uhm.. Lei? Yung kagabi" panimula niya

"Stop. Umm. Ayokong pagusapan. I can't think straight. Hindi ito yung tamang oras para pagusapan yung kagabi" mahinahon kong sagot sakanya.

"Yeah, I understand." Matipid niyang sagot.

"Dyan na yung condo ko, sa dulo" sabi ko.

He stopped and pulled the handbreak.

"Hey, don't go down yet." Agad siyang bumaba sa driver's seat para pumunta sa side ko at ipagbukas ako ng pinto ng sasakyan.

"Thank you" marahan kong sagot.

Inalalayan niya ko pababa sa sasakyan niya and he gave me a hug.

He is hugging me so tight right now.

I can feel his lips on the side of my head.

"I am not drunk. If you think I am, no I'm not. I am very much aware of what I am doing right now. And if you don't wanna talk about what happened last night, It's alright. I'm willing to wait. Just tell me whenever you're ready. I promise, I'll wait for it, I'll wait for you."

Kumalas siya sa yakap. Nakatitig lang ako sakanya.

"Take care, Lei"

He kissed my forehead.

Pagkatapos ay agad akong pumasok sa building ng condo ko. Wala akong nasabi o nagawa.

Uhh.

What did just happened?

Tumunog na ang elevator, hudyat na nasa floor na ko ng tinutuluyan ko.

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Ano ba yung nangyari?

Pagpasok ko sa condo ko, agad kong binagsak ang katawan ko sa kama.

"Arggghh. Aaahhhh. Nicolei. Ano baaaa?"

Tumunog yung cellphone ko.

Someone DMed me.

@timreyes

"Hi, Lei. Umm, please don't think too much. I know that you are thinking too much right now but please, take a rest first. All is well. Alright? Nandito lang ako. I am here to stay. "

Gulong gulo ang isip ko ngayon. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko.

Nagpunta muna ko sa banyo upang maligo para makapagpahinga nadin ng ayos pagkatapos. Mabuti na lang at wala akong pasok ngayong araw.

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now