Kabanata 10

427 22 3
                                    

Blake's POV

''BLAZING DRAGONS ON THREE! 1... 2... 3''

''BLAZING DRAGONS!!''

Kinakabahan ako. Ngayon ang tournament eh. Hay. Pero alam ko naman na mananalo kami pero nakaka- distract lang kasi isipin na manunuod yung taong gusto mo. Letse ang bakla ko pero naman guys.... Kinikilig ako. Hindi lang naman siguro babae ang may karapatan kiligin diba? Ge.

''Okay, guys! Huwag kayong langaw sa field ha? Huwag magkumpulan sa bola at huwag hayaang magkaroon ng open space ang kalaban. Kaya niyo yan!'' Sabi ni coach. Blah blah. Alam na namin yan coach. For almost 3 years yan na sinasabi mo sa amin eh.

''YES COACH!'' Team mates.

''First seven : Mariano, Asuncion, Fajardo, Belardo, Galicia, Francia and Macalintal. Galingan niyo sa field kasi kayo ang inaasahan ng team. Okay? Osige na. Labas na kayo dito sa head quarters! Move!'' Kung makasigaw naman si coach, wagas.

Bago ako lumabas nag- stretching muna ako para hindi manibago yung katawan ko. Naririnig ko na ang mga tilian ng mga babae sa labas. Marami din naman akong supporters pero ni isa sa mga yan.. Hindi ko trip. Langya.

Pagkatapak na pagkatapak ko sa labas ng headquartes, naghiyawan na mga stalkers ko sa school at may mga dala pa talaga silang banner. Osige push niyo yan. Syempre hindi naman maitatago sa mukha ko na masaya ako kasi kahit papano napapalakas nila loob ko. Tingin sa kanan, ngiti. Tingin sa kaliwa, ngiti.

Teka, may nakakaasiwang scene na nahagip ang mata ko sa kabilang banda. Oh edi kayo na!!! Badtrip.

Nag- good luck kiss lang naman si Drea kay Zico tapos suot niya pa yung jersey ni Zico last year. Ge. Nakakabanas. Dumiretso na lang ako sa paglalakad at pumunta sa upuan namin. Wtf talagang malapit pa kami sa upuan nila Drea ha? Ok. Sabagay may advantage pala ang mga ''syota'' ng varsities. Pwede silang umupo malapit sa upuan ng mga players. Letche. Lahat ng ka- team ko may girlfriend dito.. Ako lang ang wala. Okay lang kasi 70% naman ng nandito, fans ko. Hahaha.

''Blaaaaake!!!!!!!! Good luck!'' Shit.

Si Drea yun. Lumingon ako agad as in agad agad. Haha. Tangina lang. Parang abno eh.

Pagkalingon ko pucha.. Ang puso ko parang kabayo na nasa karera. Umaariba. Letse. Kasi naman nakangiti siya!!! Labas bente kwatrong ngipin. Kilig ako. Ang bakla ng choice of words ko ah. Pansin niyo? Hindi? K.

Magpapasalamat sana ako nang biglang ----

''All first seven players of each teams please proceed to the field now for we are about to start the tournament. Blazing Dragons from Lego Academy VS. Roaring Tigers of Northville High.''

EPAL AMPUTA. Pero isa lang masasabi ko.. Ipapanalo ko ang laro para kay Drea!! Lumingon ulit ako. One last glance bago magsimula ang laro at ang saya talaga mg nakita ko.. Nag- good luck hug naman ngayon si Drea kay Zico tapos tangina.. Ako lang ba or imahinasyon ko lang 'to pero nakita ko si Zico tumawa ng nakakaloko sa akin nung nakita ko silang magyakap. Bwiset.

xxx

''Congratulations to Blazing Dragons of Lego Academy. Back to back champion!!''

''Whooooooo!!!! Congrats mga pare!''

''Kyaaaaaaah. Omg ang galing galing talaga nila. Forever!!! Hayst nandyan kasi si Galicia :''>''

''Lary Belardo!!!!!!! I love you!! Pa- fansign!!!''

''Omg omg!!!!! May victory party nanaman bukas!!''

''Guys!!!!! Ang obaryo ko.. Hindi ko na kaya. Ang gwapo ni Blake sa field!!! Siya nagpapanalo!!! Bagay siyang captain talaga :'''''''>''

How Many Heartbreaks?Where stories live. Discover now