Kabanata 1

1.3K 40 10
                                    

Blake's POV

Umagang umaga umiiyak nanaman siya. Ano ba yan. Letseng syota niya yan.

Lalapitan ko ba? Huwag na nga. Tss.

Anak ng tinapa naman oh. Kung hindi lang dahil sa pesteng reputasyon na 'to matagal ko na siyang kinausap.

Eh paano ba naman.. Ano na lang iisipin ng mga tao kapag nakita nila na ang kilala nilang Blake Nathaniel Mariano ay lumalapit sa isang babae?

Oo. Tama ang ini- isip niyo. Kilalang- kilala ako dito sa Lego Academy. Ewan ko? Dahil sa looks? Dahil sa captain ako ng soccer varsity team dito sa school? I think not. Siguro dahil maraming babae ang gustong pansinin ko sila.

Ang alam kasi ng lahat, hindi pa ako na- iinlove. Ang alam nila, ayaw ko sa mga babae. Pero ang totoo niyan meron akong gusto. Matagal ko na siyang gusto.

Pero dahil sa lintek na pagkaka- kilala nila sa akin.. Hindi ko siya malapitan. Huwag niyong sabihing torpe ako. Sadyang, may pinapangalagaan lang akong reputasyon.

Alam niyo bang kahinaan ko makakita ng babaeng umiiyak? Eh sa ayaw kong ginagago mga babae eh. Kasi sabi ng tatay ko, kapag nang- gago daw ako ng mga babae para ko na ring ginawa 'yun sa nanay ko.

Sino ba yung babaeng matagal ko nang gusto? Si Savannah Andrea Corpus.

Pero, may boyfriend na siya. At sa kasamaang palad, lagi siyang gina- gago nito.

Kaklase ko siya pati yung syota niya. Pwe. Pinagmamasdan ko siya sa isang sulok pero syempre dapat hindi pahalata kasi nga dapat pa- cool ang mga galaw ko.

Sa totoo lang, hindi ako sanay na ganito ako. Ang hirap magtago sa isang pagkatao na hindi mo naman nakasanayan. Kabaligtaran ng pagkatao ko ang pinapakita ko sa kanila. Gusto ko lang maging proud ang mga magulang ko sa mga naa- achieve ko ngayon. Pangarap kasi ni Dad na makasali ako sa isang soccer team. So what do you expect? Sa tingin niyo ba tatanggapin ng mga taga- varsity ang hindi nila ka- uri? Ano pa nga ba ang ginawa ko? Ayun naging pa- cool ako kahit ayaw ko para sa lang sa kasiyahan ng tatay ko.

Ang bakla. Pwe. Siguro kung hindi ko ini- isip mga gusto ng magulang ko.. Petiks lang ako ngayon. Yung mga typical na lalaki sa isang paaralan na kasama ang tropa gumagawa ng mga kalokohan. Chix dito, chix doon. Yung mga palaging nasa detention.

Pero hoy mga tsong, sabi ko nga kanina ayaw ko mangloko ng babae kaya stick to Andrea lang ako. Olats. Ang bakla pakinggan eh.

Lalapit na sana ako kay Drea.. Buti na lang lumapit na yung bestfriend niya kaya napatigil ako.. Syempre, makikinig ako sa usapan nila.

''Hoy Andrea! Ano nanaman dina- drama mo dyan?'' Sabi ni.. Marie? Tae. Di ko alam pangalan niya pero marie ata. Ewan.

''Ah.. Marie. A- ano ba.. W- wala. Eto naman! Ha ha ha.'' Halatang pilit na pilit ang tawa ni Drea. Aw.

''Sus. Wala daw. Ano nga? Si Zico nanaman ba? Jusko naman teh! Kailan ka ba matututo? I- break mo na yan girl! Lagi ka na lang pinapa- iyak eh.'' Naka- pamaywang na sabi nung Marie.

Sarap lang talaga upakan nung Zico na 'yun eh. Kung hindi ko lang 'yun ka- varsity matagal ko nang binangasan ang ugok na 'yun.

''Ano ka ba, Marie. Okay lang sabi ako eh. Saka break? Huwag naman. Okay lang naman k- kahit n- nakalimutan niya yu- yung... birthday ko.''

@#&*@?! Nakalimutan ni Zico birthday ng syota niya? Gago talaga. Pero teka? Birthday niya? Okay lang naman siguro na nakalimutan ko diba? Atleast, hindi ko siya syota pero malapit na. Hahaha. Lul. Asa.

How Many Heartbreaks?Where stories live. Discover now