Kabanata 8

409 22 2
                                    

Drea's POV

Tagal naman nila Zico. Isang subject ang hindi nila napasukan. Nasaan na kaya ang mga yun?

Naisipan kong tumambay muna dito sa labas ng room para hintayin si Zico tutal wala pa naman yung guro namin. Hay. Nag- aalala na ako kahit nandito lang sila sa loob ng school.

Oh my gosh. Si Blake ba yun? Bakit may pasa siya sa may gilid ng labi niya? Si Zico kaya nasaan?

''Blake!! Si Zico? Diba magkasama kayo?'' Tanong ko kay Blake.

Okay. Dinedma niya lang ako. Anong problema nun? Kainis eh. Balik nanaman siya sa dating pagka- cold niya. Annoying!! Tss. -__-

Paglingon ko sa gilid para tanawin kung nandyan na si Zico, nakita ko siya. Hala pati siya may mga bangas sa mukha at parang nahihirapan siya maglakad. Huhu. Why? Baka nagsuntukan yung dalawa? Pero bakit naman? Saka okay naman ang pakikitungo nila sa isa't isa. Ay ewan. Over thinking nanaman ako. Hahaha.

''Zico!! Ano ba yan? Anong nangyari sa'yo?'' Tanong ko kay Zico habang hinahawakan yung pisngi niya.

''Okay lang ako. Huwag kang mag- alala.'' Sabi ni Zico na inakbayan ako at niyaya pumasok sa classroom.

Something's fishy. Ugh. Hindi ko 'to titigilang lalaki na 'to. Haha. Makulit ako eh.

Ang tahimik ni Blake. K. Inis ako sa kanya, dinedma niya ako eh. Thanks.

''Uy gurl! Ano daw nangyari sa dalawa? Bakit may mga bangas mukha nyan? Saka parang ang dilim ng aura ng dalawa?'' Hulaan niyo kung sino yan. Sino pa ba? Edi si Marie. Haha.

''Idk. Hindi sinasabi ni Zico eh. Pero kukulitin ko yang lalaki na yan. Wahehe.'' Para akong pusa :3 Haha.

''Okaaaay. Sabi mo eh. Ganda mo eh. Hahahaha. Joke. Sige, basa muna ako. Kinikilig na ako sa binabasa ko eh!!! Huhuhu. Chupi! Layas! Magko- concentrate akes.'' Sabi ni Marie. Tss. Adik sa pocketbook eh. -__-

Pumunta ako sa upuan ni Zico. Tinabihan ko siya. Girlfriend ako. Kailangan kong malaman kung saang lupalop ng school sila nagpunta at pagbalik nila may mga bangas na sila. Creepy. Baka na- rape sila ng fangirls nila sa labas? No.

''Z.. Ano ba kasi nangyari? May karapatan naman akong malaman diba?'' Malumay na tanong ko kay Zico na ngayon ay naka- slouch lang sa upuan niya at nakapikit.

''May nakita kasi kami ni Blake na babaeng pinagnanasaan ng mga lalaki sa labas ng school. Bibili sana kami ng pagkain tapos 'yun nakita namin. Hahayaan ba namin mapahamak yung babae? Syempre hindi.'' Paliwanag sa akin ni Zico.

''Ahh. Ganon ba? Naks naman ang boyfriend ko. Ang gentleman masyado.'' Sabi ko kay Zico. Ang feels ko naman dun? Kumusta naman. Hahaha. Kung ako yung babae, jusko baka mamatay ako sa kilig. Ugh. Dalawang lalaking matipuno ba naman magligtas sa'yo. Pero nakaka- proud si Zico. Huhu. Feel na feel ko ang pagka- safe ko sa kanya ngayon. Naks.

''Syempre naman! Inisip kong ikaw yung babae eh. Ayaw ko mangyari sa'yo yun. Seryoso ako. Ayokong mapunta ka sa iba.'' Seryosong seryoso ang mukha niya. Ngayon ang feeling ko, ayaw ko na umalis sa tabi niya. Feeling ko, malungkot siya na ewan eh. Hindi ko ma- explain.

''Oo naman. Don't worry! Malakas ka sa akin eh. Lagyan nga natin ng band aid yang sugat mo sa labi.'' Pagkasabi ko nyan. Tumawa si Zico. Ang gwapo asdfghjkl ang feels. Huhu. Namiss ko 'to. Tagal na din naming hindi nagkaka-usap ng ganito.

Habang nilalagay ko yung band aid sa labi niya na masyadong kissable.. Ay ano ba yan, Andrea! Umayos ka ha. Huwag kang ganyan. Basta yan nilalagay ko yung band aid, bigla niyang hinawakan yung ulo ko at sinandal sa may mga balikat niya.. Narealize ko, niyayakap niya na pala ako. Anong nakain nito?

How Many Heartbreaks?Where stories live. Discover now