Kabanata 4

517 25 2
                                    

Drea's POV

''Hoy babae! Saan ka ba galing? Bigla ka na lang nawala kaninang lunch break.'' Sumbat ko agad kay Marie pagka- pasok niya sa room.

''Sa bulsa mo, nagkape ako.'' Aba't pilosopo 'tong babae na ito ngayon. Mabatukan nga.

''Aray! Seriously, Drea?'' Parang papatayin niya ako sa tingin niya. Haha. Ano bang nakain nito?

''Kalma b3h. Tara Ice Cream? Boring naman si Ma'am.'' Alok ko sa kanya. Mukhang mainit ang ulo ni Madam Marie. Haha.

''Nakakatamad tumayo. Saka baka may ma- miss tayong powerpoint slides. -__-'' Hayst. Si Ms. Tamad. Ugh. Pero curious ako saan kaya talaga 'to galing? Makulit nga.

''Uyyyyy, Mars. Seryoso, saang sulok ng academy ka napadpad nung lunch break?'' Hindi naman ako makulit ano po?

''Somewhere. Eh paano ba naman, naglalandian kayo ni Zico kaya umalis na lang ako saka duuuuh kapag nagsasalita ako hindi mo ako pinapansin. Nagmumukhang third wheel ako eh.'' Awwww. Ganon ba? Ang sama kong bestfriend TT^TT Sorry naman po. Minsan lang kami magkasama ni Zico eh. Huhuhu.

''Maaaaaaars. Sorry na. Nagtatampo ka ba? Yeee. Nagtatampo ang bestfriend ko. Yeee. Huwag na iiyak ang baby.'' Lambing ko sa kanya sabay hug. Sweet ko no? I know right.

''Ewww. Nakakadiri ka Drea. Hindi cute sa'yo tingnan. Haha. Hindi ka bagay. Ew. Pa- cute. Errrr kasuka.'' Wala talagang sweet bones 'tong babae na 'to. Zz. Total opposite talaga kami. Masyadong tough ang ugali niya samantalang ako, ang rupok ko. Isang sigaw lang ata sa akin baka umiiyak na ako. Mabuti na lang at may tagapagtanggol ako. Hooray. At 'yon ay walang iba kundi si Marie Antonette. Ang girlash ng name. Hindi bagay kay Mars. Haha.

''Eto naman. Minsan lang ako maglambing. Pero oyyy, mag- chika ka na. Saang 'somewhere' yang sinasabi mo??'' Ang kulit ko talaga. Haha. Natatawa ako sa sarili ko. Medyo annoying pero parang ang cute ng dating kapag ako ang gumagawa? Ay ay. Conceited? Haha.

''Ms. Corpus and Ms. Pontejos, gusto niyo bang i- share sa klase ang pinag- uusapan niyo dyan sa likod?''

Patay. Napalakas yata yung boses ko? Oh my gulay. Tsk tsk. Kinabig kabig ko braso ni Marie. Humihingi ako ng tulong pero relax lang 'tong isang 'to eh. Ugh. Ano ba yan. Help!!

''Ah. Wala po Ma'am. Sorry po.'' Sabi ko na lang kay Ma'am. Hayst.

''Okay. Kapag narinig ko pa kayong nagdadaldalan dyan, I'll send you out.''

Ang sungit. Palibhasa matandang dalaga. -__- Ang boring na nga ng subject, ang boring niya pa. Seriously. Bakit natapat pa sa ala- una ang klase niya? Nakaka- antok :(

''Yan kasi. Andrea, ang ingay mo. Magsulat ka nga. Hindi na kita papahiramin ng notes dyan. Sige ka.'' Naks. Panakot ni Marie. Haha. Alam ko naman na hindi ako neto matitiis.

''Weh? Di mo ako matitiis eh. Ayee.'' Sabay sundot sundot ko sa tagiliran ni Marie.

''Hahaha. Oy, drea. Ano baaa. Nakikiliti ako. Tumigil ka dyan. Baka mahuli nanaman tayo ni Ma'am. Hahaha. Oyyy ano b ----'' Hindi ko ma- explain kung bakit nagbago bigla itsura ni Marie. Pagtingin ko sa direksyon kung saan siya nakatingin..

Napalunok ako. Hindi ko namalayan nasa tapat na pala namin si Ma'am. Shocks. Nagliliyab ang mga mata niya. Lagot kami neto. Nakakatakot parang kakaininin niya kami ng buhay. Oh my. Oh my.

''The door's open. Leave my class. NOW!!!!!''

Halos maitapon namin ni Marie yung notebook namin nung sumigaw si Ma'am. Nagulat kami syempre. Daig pa ni Ma'am ang may megaphone sa lalamunan eh. Yung totoo? Kaya siguro walang asawa si Ma'am kasi nakakatakot siya. Tsk tsk.

How Many Heartbreaks?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon