Kabanata 23

232 18 2
                                    

Marie's POV

Si Drea at si Blake na. Girlfriend na ni Blake si Drea na bestfriend ko. Okay.

Processing.....

Error 404. Ganito pala kasakit?

Hindi ko alam kung bakit dito ko naisipan magpunta nung nalaman kong ang bestfriend ko ay girlfriend na ng lalaking gusto ko.

Nandito ako sa usual place ba tambayan ko nung first year high school pa lang ako. Yung secret place. Naaalala niyo pa ba? Oo. Ito rin yung lugar kung saan ko unang nakita si Blake.

Gaya nga ng sabi ko, tahimik dito. Walang tao. Masyadong tago. Dito, makukuha mong makapag- isip ng mga bagay na bumabagabag sa isipan mo.

Grabe. Sila na talaga. Finally. Official. So ano po ngayon ang role ko? Dakilang epal sa love story nila?

I'm happy for them.

Weh?

Okay. Stop. Syempre may bitter feeling. Eh ako nauna eh pero masyado akong tanga para ipaubaya sa iba yung dapat na pwesto ko. Sabagay kung sinabi ko ba may magbabago? Wala naman diba?

Hindi na talaga ako aamin sa kanya. Ever.

Nakakaiyak. Mabuti na lang at hindi ko nasaksihan yung nangyari kanina kasi kung oo, goodluck heart.

3 messages received

Kanino nanaman kaya galing 'to?

Okay.

Isa sa presidente namin. Kay Drea.

At isa kay Blake.

Sino uunahin kong basahin? Kay Drea na lang.

From : Drea bff

Omg Mars!! I have chika!

Alam ko na girl. Please? Huwag na muna ngayon. :-(

Panghuli na nga kay Blake! Ugh. Ano ba Marie. Matauhan ka.

From : Pres.

Marie, nandito kami sa gym. Benta mo na lang hinihintay. Bilis na. Punta ka na dito.

Tupangina. Ayoko pumunta sa gym. Hindi ko kaya.

Ano kayang laman ng kay Blake? Malamang parehas lang ng kay Drea. Ouch.

From : Blake

Mars! Girlfriend ko na si Drea. Hehe. Salamat! Da best ka talaga! I love you! Mwa mwa tsup tsup. Woo.

t4ngin4 mo po bakit kailangan ganyan pa text mo? Mahirap. Sana yung I love you na yan bukal sa puso. Eh ang kaso, nadala lang sa pag- type. So ganon na lang yun? Pagkatapos ng lahat, kagaya nga ng sabi mo kapag kayo na ni Drea hindi mo na ako kukulitin.

Hindi mo na ako kukulitin..

Translation : Hindi na kita mapapansin.

Okay lang. Sino ba naman ako diba? Isang hamak na kaibigan slash alalay mo lang ako. And worst, feeling mo pa one of the boys ako. Damn.

President calling.....

''Hoy Marie! Pumunta ka na dito sa gym! Dali.''

''Okay. Otw.''

Hindi na ako magmumukmok. Wala rin namang mangyayari. Pupunta na lang ako sa gym. Pero bago yan, pupunta muna ako sa CR.

***

How Many Heartbreaks?Where stories live. Discover now