Kabanata 28

254 11 1
                                    

Jones' POV

Palabas na kami ng Music Room. Yes. Success! Pero, success nga kaya? Paano kung NO ang isagot niya? Okay lang ba talaga sa akin? Bakit pakiramdam ko, hindi pa rin sapat. Bakit pakiramdam ko, kulang pa rin.

"Lalim ng iniisip natin ah." sabay akbay sa akin ni Blake.

Utang ko buhay ko sa lalaki na 'to eh. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob. Tss. Ayaw niya pa kasi nung una kasi daw magka- away daw sila. Pa- chix masyado 'tong si Blake. Mga 2 weeks na atang hindi nagpapansinan ang dalawa. Parang mga bata eh. Psh. Sabi ko naman, baka pansinin na siya after ng plano namin. Pero sa kasamaang palad, parang hindi pa rin talaga.

"Kinakabahan lang kasi ako. First time ko kaya magseryoso sa isang babae. Alam mo na, hindi ako pumapasok sa commitment. Psh. Okay lang ba yung ginawa ko?" Tanong ko.

At oo, hindi ako pumapasok sa isang commitment kasi, wala. Ayoko lang? Pwedeng rason ba yun? Hindi ko pa kasi nahahanap yung babae na bibigyan ko ng buong tiwala ko. Well, siguro ngayon.. Oo na? Siguro si Marie na yun. Baduy ko. Letse.

"Huwag mo masyadong i- stress ang sarili mo. Chill lang. Kung oo, edi pasalamat ka. Kung hindi? Better luck next time." Sabay tapik ng gago sa balikat ko.

Wow naman sa better luck next time. Psh. Kapag ako na- broken, ay nako. Ewan ko na lang. Hindi na talaga ako magse- seryoso. De joke. Syempre, gaya ng sabi ko, kahit ano pa ang desisyon niya, okay lang.

"Pero Blake, alam mong kung hindi dahil sa'yo.. Hindi ko 'to magagawa. Salamat ha? The best ka talaga!" Sabi ko.

"Salamat? Salamat lang? Ulol mo. Libre mo ako bukas! Hahaha. Ge! Balik na ako sa room. Good luck! Chill lang tol!"

"Okay! Salamat. I love you mwa!!!!" Pabiro kong sabi.

"Same girl same" Sabi naman ni Blake at nagtawanan na kami.

 Sira ulo talaga. Tsk.

Naisipan kong dumaan muna sa locker room. Kasi naman, bakit pa ako nagbihis? Eh kakanta lang naman ako. Hassle. Kapag naman hindi ako nagbihis, maraming chix nanaman ang kikiligin. Haha. Biro lang naman! Hindi ako papa- pasukin sa klase. Tss.

"Ang swerte talaga ni Marie ano?"

"Oo nga! Ang swerte talaga. Akalain niyo yun, yung crush na crush ko.. may gusto sa kanya!! Naiiyak na ako. Kinantahan pa siya sa Music Room."

"Weh? Nag- stalk ka? Ew girl."

Ang bilis naman kumalat ng balita? Grabe. Kawawa naman yung isang chix, crush pala ako. Sorry na. Hahaha. Bakit ba ako nakikinig ng usapan nila? Nagmumukha akong chismoso nito eh.

"May chika ako about kay Marie. Ewan ko lang ha. Pero para kasing...."

Aalis na sana ako pero biglang nahatak ng atensyon ko yung pinag- uusapan nila eh. Sorry chismoso. Pag tungkol talaga kay Marie nagiging interesado ako.

"Ano? Parang ano? Bilis na!"

"Kalma pwede? Hindi mo ba napapansin kung paano siya tumingin kay Blake? Matagal ko na kasi yang pinagmamasdan si Marie simula ng nalaman ko na crush siya ni baby Jones ko. Huhu."

"OH MY GOD. I thought I was the only one who can notice that. Napapansin ko din yan girl! Saka parang naging cold na siya sa bestfriend niya simula nung naging sila ni Blake.."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Parang biglang nanigas yung mga paa ko na hindi na ako makaalis sa kinatatayuan ko. Bakit pa kasi ako nakinig? Ayan, pati ako naguguluhan na rin. May parte sa akin na gusto kong maniwala pero may nagsasabi rin na huwag.

How Many Heartbreaks?Where stories live. Discover now