Kabanata 26

306 12 1
                                    

Blake's POV

Maaga akong pumunta sa school para makapag- warm up. Papunta ako sa classroom nang makasalubong ko si Marie.

Nginitian ko siya pero dinedma lang ako. Kailan pa 'to naging snob?

''Teka.. Teka..'' Sabi ko sabay takbo ko sa may pinto na papasukan niya sabay harang.

''What?'' Mataray niyang tanong.

''Kailan ka pa naging sinungaling?'' Tanong ko dahil nakita ko siya kahapon na naglalakad sa kabila ng pag- alok namin sa kanya ni Drea na sumabay na lang. Tss.

''Ha? Ano bang pinagsasasabi mo?'' Mataray niyang tanong.

''Sabi mo may sundo ka kahapon, pero nakita kita na naglalakad pauwi. Paki- explain nga.'' Sabi ko.

''Wow ha. Last time I checked kaibigan lang kita.. Kailan ka pa naging tatay ko para pagalitan ako ng ganyan?'' Tanong niya.

''Hindi yan ang tinatanong ko sa'yo. The point is bakit ka nagsinungaling? Or teka baka naman may problema ka sa akin?''

''What the? Kailan ka pa naging feeler? Malay ko bang hindi na pala ako masusundo. Duuuh? At saka ako? May problema sa'yo? Okay ka lang?'' Hindi ko alam kung binabaliktad ng babaeng 'to ang usapan eh.

''Para kasing ako yung pinapatamaan mo sa religion. Para lang naman. Seriously, Mars. Kung may problema ka sa akin sabihin mo huwag yung dinadaan mo sa mga mind games na yan. Damn girls.''

''Natamaan ka naman? Not my fault. Yan kasi ang mali sa'yo eh. Napaka- insensitive mo.'' Sabi niya sabay pasok sa room. Pero bago siya makapasok hinawakan ko siya sa braso niya..

''Paki- explain nga kung saang banda ako naging insensitive? Sa pagkakaalam ko, I'm still trying to reach out to you simula ng naging kami ni Drea pero hindi ko alam kung anong problema mo at nilalayuan mo ako.''

Tiningnan niya lang ako sa mata. Natigilan siya sa mga sinabi ko. May nasabi ba akong mali? Gusto ko lang naman bumalik na yung dating siya. Yung masiyahin. Yung palaban. Yung mataray na siya. Ay teka, mataray pa naman pala siya. Haha. Pero seryoso, naguguluhan ako sa mga inaakto niya.

''Wala ka kasing alam. Stop being so insensitive. And please, just.. Stay away from me. Okay?'' Tumulo yung luha niya. Oh shit. Ngayon kasalanan ko pa kung bakit siya umiyak.

''Mars, ano ba. Bakit naman kita lalayuan. Hindi ko yan magagawa.''

''Leave.'' Yan lang ang sinabi niya. Wow. May mararating talaga 'tong pag- uusap na 'to.

''Teka, sabihin mo nga.. Nagseselos ka ba?'' Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Siguro Oo.

''Okay. I'll take that as a yes. Sorry Mars. Sorry. I'm sorry for taking Drea away from you...'' Sabi ko.

Siguro nagseselos siya sa akin kasi palagi kong kasama si Drea. Sabagay kahit sinong bestfriend naman siguro magtatampo kapag walang nang oras sa kanila kaibigan nila.

Argh. Edi ako na insensitive.

''Sorry..''

Yan na lang ang nasabi ko bago ako lumabas sa room. Hay. Parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Dati close na close kami ng babae na yan. Anong nangyari ngayon? Siguro talaga naging sobrang possesive ako kay Drea kaya hindi na masyado nakakausap ni Marie bestfriend niya. Tanginang katangahan ko 'to.

xxx

''Yo!'' Tawag ko kay Jones. Saang lupalop kaya 'to galing?

''Sup?'' Sabay bounce.

How Many Heartbreaks?Where stories live. Discover now