Kabanata 12

335 19 3
                                    

Marie's POV

''Ikaw na presidente ng drea x blake loveteam ha?''

GE. Yung mga paganyan- ganyan ni Blake?? Nakakainis na. Ang manhid. Pero sabagay, paano niya nga naman malalaman ang nararamdaman ko kung hindi ko sasabihin? Pero saan pa? Para ma- reject ako at masaktan?

Natatandaan niyo ba yung araw na tumakas kami sa school at kumain kami sa labas? Ang saya ko nun. Sobra. Pero nung sinabi nanaman niya yung fanclub chuva nila ni Drea... Bigla akong nawalan ng gana.

Don't get me wrong pero gusto ko siyang tulungan. Okay? Sadyang minsan, hindi ko na talaga kinakaya yung sakit na dala eh. Naks. Drama pa more. Haha. Pero duuh. Whatever.

Tapos diba nga tournament nila nung day after nun.. Ang saya saya ko. Todo suporta ako sa kanya nun. As in. Halos mapatid na ngalangala ko kakatili. Pero sigurado ako na hindi niya man lamang ako napansin. Pusta? Sige. Alam ko naman na panalo na ako.

Edi syempre may victory party kasi nga back- to- back champion sila....

Then, yep. Yung mga editors ng school paper kinunan siya ng interview tapos ayun.. Sinabi niya na, na may gusto na siya sa school.

AND WORST, nadamay pa ako sa isang rumor na ako daw yung girl na gusto ni Blake. Ugh. Mga pa- issue. Ipagkalat niyo yan kapag kami na. Utang na loob.

Kailan kaya yun mangyayari? Asa naman.

Tapos ayun na nga po, nag- victory party and stuff na. Hindi ko alam kung bakit badtrip ako sa lahat ng tao noon. Nakakainis lang. Natapunan ko pa tuloy ng juice si Blake. K. Whatever.

Tapos ang nakakainis pa, sinabihan akong huwag daw akong magtaray kasi hindi daw ako maganda. Bullshit. Talagang sakanya pa talaga nanggaling diba? Damn. Alam ko naman na hindi ako kasing ganda ni Andrea.

Pero okay lang... nagdedicate naman siya ng kanta para sa akin.

Pero pusanggala. Sa tingin ko.. Para sa akin ang kanta. Oo na para sa akin na. Pero yung buong atensyon naman niya, na kay Andrea. Edi sige. Kayo na ni Drea. Nag- walk out tuloy ako. Hoy joke. Hindi ako nag- walk out. Napag- isipan ko lang talaga umalis na kasi nawalan ako ng gana. Masisisi niyo ba ako? Hindi.

Hinabol niya naman ako sa labas (( medyo na- touched ako doon )) pero whatever. Nakakainis. Ang lg niya. Huhu. Gwapo sana eh. :-(

Sinabihan niya nanaman ako nung peymus line niyang ako daw ang presidente ng loveteam nila ni Drea. Okay. Masakit. Sabi ko masakit ang puson ko. Pinaalis ko siya. Actually hindi ko talaga siya pinapaalis.. gusto ko kapag sinabi kong umalis siya, sasabihin niyang.. 'hindi ako aalis hanggang hindi ka pa okay' o 'hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang problema mo' but no.. He left. He fvcking left me there. And yes, alone. Like a- l- o- n- e.

Pero asa nanaman ako diba? Sino nga naman ako para sabihan ng ganon? Ako lang naman yung 'kaibigan', yung 'presidente' ng loveteam nila and worst ako lang naman yung tangang nagmamahal sa kanya and to think na may gusto siyang iba.

Natawa na lang ako sa sarili ko nung sinabi ko na masakit puson ko. Dfq. Kelan pa napunta ang puso sa puson? Kfine. Whatever.

''Ms. Pontejos? Ms. Pontejos?''

Ano ba yan. Sino ba yang tawag ng tawag sa akin?

''MS. PONTEJOS!!'' i am dead. Shit. Kanina pa ba ako tinatawag ni ma'am. Hala!! Lumulutang kasi isip ko eh. Pakshit. Ano bang tanong??

''Ah.. He he. Yes Ma'am?'' Tanong ko kay Ma'am habang kinakamot ulo ko.

''Are you with us?'' Tanong ni Ma'am.

How Many Heartbreaks?Where stories live. Discover now