Kabanata 3

506 28 1
                                    

Blake's POV

Hindi pa nagsisimula ang laban parang nasasabi kong talo na ako. Ang hirap pala sumali sa isang bakbakan na alam mong unang hakbang mo pa lang talo ka na.

Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon. Pinairal ko nanaman ang katangahan ko. Hanggang kailan ko ba iisipin na unahin muna ang kasiyahan ng iba bago ang sa akin? Siguro kung hindi ko iniisip ang kasiyahan ni Dad about sa pag- sosoccer ko, siguro wala akong reputasyon na pinapangalagaan ngayon. Edi sana, nakakalapit ako freely kay Drea. Pero kapag naman ginawa ko yun, alam kong wala pa rin naman akong pag- asa kasi iba naman gusto niya.

Yung totoo? Hindi ko na talaga alam kung saan ako lulugar. Ang komplikado ng buhay ko.

1. Ginagawa ang mga bagay na ayaw ko naman para sa kaligayahan ng iba.

2. Ang hirap magtago sa isang pagkatao na malayong malayo sa tunana ako.

3. Ang magkagusto sa isang taong hindi ako gusto.

Eh isa pa nga lang sa mga 'yan ang hirap nang harapin. Kaso tiningnan mo nga naman ang tadhana, masyadong mapaglaro. Ayan! Binigay sa akin lahat na 'yan. Masama ba akong nilalang sa una kong buhay para parusahan ako ng ganito ngayon?

''Mariano! 10 laps. Move! Focus! Ano nanaman bang iniisip mo dyan? Malapit na tournament!'' Sigaw ni Coach. @#%& kung minamalas ka nga naman. Patakbuhin ba naman ako ng sampung beses. Pinaglalaruan nga talaga ako ng tadhana. Bwiset.

Kasalukayan kaming nag- eensayo dito sa field kasi malapit na ang tournament. Hayaan niyo akong mag- kwento para hindi ko maramdaman ang pagod habang tumatakbo. Moving on mga pare, ayun na nga.. malapit na tournament kaya sabak kami sa matinding ensayo ngayon. Kakasimula pa lang ng pasukan, palaro agad. Kung pwede lang mag- quit matagal ko nang ginawa. Ay teka, hindi pala kasi alam kong hinding hindi ako sasali na varsity na 'to. Mas gugustuhin ko pang makipagbiruan sa mga barkada ko eh.

Dalawang laps na lang pwede na ako magpahinga. Nakakainis din naman si coach minsan kasi hindi pantay treatment niya sa amin. Dahil ba sa captain ako kailangan ko ng heavy exercise? Dfq. Asa kasi sila sa akin palagi eh. Nakakainis na din minsan. Mga dependent masyado. Tss.

''Go Zico!!!! Go go go baby!'' Okay kilala ko yung boses na 'yon. Ayaw ko na lumingon. Pero hindi ko matiis sayang ng opportunity eh.

Oo tama kayo nandito si Drea!!!! Mga tol nandito siya sa field. Supportive talaga ng babae na yan sa soccer varsity eh. Kilig.

Erase. Supportive kay Zico.

Pakyu. Minsan ang sarap din hugutin ng konsensya sa isipan eh. Kung pwede lang, matagal ko nang ginawa. Alam mo yung pampalubag loob ko na lang yun tapos biglang babarahin at ipagdidiinan na mali ang mga pinagsasasabi ko. Lintek.

Tapos na laps ko. Buti naman. Kinuha ko bag ko at naupo dito sa may bench. Medyo may shade ng puno dito kaya hindi masyadong mainit. Kinuha ko yung tubig at pagkain ko sa bag. Ang ganda ng view ko dito. Ang saya ng mga kapwa varsitarians ko.

Punyeta. Ge. Sila na may mga syota para paghandaan sila ng pagkain. Saya. Ibinaling ko ang atensyon ko sa kabilang banda ng field, doon sa opposite bench. Nandoon si Drea...

With Zico. Sus. Nagtaka pa kayo. Nagsusubuan lang naman yung dalawa. Tapos nilagyan ni Drea ng towel sa likod si Zico. Ang saya nilang dalawa. Kahit haggard na si Drea, maganda pa rin.

Kung pwede lang siguro langgamin ang field, siguro kanina pa umaapaw mga langgam dito. Hindi ko alam kung bakit ang hilig natin tumingin sa mga bagay na nakakasakit sa atin. Nasasaktan na nga, titingin pa. Nakakainsulto lang eh. Minsan talaga hindi mo alam kung ano susundin mo. Kung yung puso mo na nagsasabing, 'huwag kang titingin masasaktan ka lang' o yung isip mo na nagsasabing 'tumingin ka na para huwag ka nang umasa pa'. Ang gulo. Tangina.

How Many Heartbreaks?Where stories live. Discover now