Kabanata 27

157 10 2
                                    

Marie's POV

Edi huwag niya akong pansinin. Edi huwag. As if I care?

Yes, you do care. A lot.

Shut up will ya?

Siguro nga may point si Blake. Am I trying to push him away kapag lumalapit siya? Kapag nag- rereach out siya? Mali ba ako? Kasalanan ko ba ang masaktan? Kasalanan ko ba ang umiwas sa kanya? Mali ba ang ipagtabuyan ko siya?

Oo. Maling mali ka. Wala kang karapatan magpasuyo kasi kaibigan ka lang.

Aray. Mali nga ako. Siguro nga mali ako. AAAHHHH. Marie ang tanga tanga mo talaga. Feeling girlfriend naman ang peg ko nung nag- usap kami sa classroom. Sa totoo lang, sasabihin ko na talaga na GUSTO KO SIYA. Kaso nung sasabihin ko na, biglang pumasok si Drea. Na- realized ko, oo nga.. wala naman mangyayari kapag sinabi ko. Kapag ba sinabi ko, magiging kami? Magugustuhan niya ako? It will only make things worst. Nakakaiyak. Nakakabwiset.

Tinanong ako ni Blake kung ano ang gusto ko mangyari, sabi ko "Leave Me Alone". Isang tangang desisyon nanaman. Gusto ng utak ko na layuan niya na ako pero yung puso ko kabaligtaran ang gustong mangyari. Ang gusto ko lang naman kasi, kapag sinabi ko na layuan niya ako sasabihin niya na, ayaw niya.

Pero, asa naman ako diba? Kasi nung sinabi ko yun.. Sabi niya "Okay. If that's what you want.. Fine." Pagkasabi niya nun, pakiramdam ko may malakas na ihip ng hangin ang sumampal sa akin. At alam niyo ba kung ano yun? REALIDAD.

REALIDAD na kahit anong gawin ko, hindi niya ako pipiliin. Kahit anong pag- iinarte ko, matitiis niiya ako. Kasi gaya nga ng sabi ko, sino nga ba naman ako diba?

Hayst. Tama na nga ang pagda- drama na 'to. Wala rin naman mangyayari. Feeling ko friendship over na kami. Edi ok. Wow. Pupunta na lang ako sa canteen at kakain. Yeah. Stress eating.

May dumi ba ako sa mukha? O baka naman may nakasulat sa likod ko? Tiningnan ko, wala naman. Eh bakit nagbubulungan ang mga tao paglabas ko? Ako pinag- uusapan eh. Halata kaya. Pa- badtrip ha.

"Huwag nga kayong magbulungan sa harapan ko. Halata naman na ako pinag- uusapan niyo eh." Sabi ko dun sa grupo ng mga babaeng nagbubulungan na nadaanan ko.

"Ahhh... Ano kasi.. Ikaw ba si Marie?"

"Oo. Ako nga. Bakit?" Tanong ko.

"OMG OMG. SIYA NGA."

"ANG SWERTE NIYA NAMAN"

"SHOCKS SIYA NA TALAGA!!!"

Tiningnan ko sila ng may halong pagtataka. Ano pinagsasabi ng mga taong ito? Kailan pa ako naging artista?

"Ahhh.. Pwede ba magtanong? Anong pinag- uusapan niyo? At bakit ako ang topic?

"Kasi ganito,"

Magsisimula pa lang mag- kwento yung babae, may biglang nagtakip ng mga mata ko at kinaladkad ako.

"Hoooooy!!!! Ano ba?! Saan mo ba ako dadalhin?" Sigaw ko.

Hindi nagsasalita ang hampaslupa. Walanghiya. Ayaw ko naman mangapkap kasi baka mamaya, iba mahawakan ko. Ew.

Nagpumiglas ako pero walang epekto. Lalo lang hinihigpitan ang kapit sa akin. Jusko Lord. Anong kalokohan po ba ito? Nag- give up na nga ako sa pag- ibig diba? Please. Help.

Oh? Bakit biglang tumigil kami? Bakit ang tahimik? Nasa warehouse na ba kami? Tapos kukunin nila lamang loob ko? Oh shit. Ang gaga ko talaga. Nasa school pala ako. Ugh. Ang dense ko ngayon. This is so not me.

How Many Heartbreaks?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon