Kabanata 31

251 10 5
                                    

Marie's POV

Ilang linggo ko na ini- iwasan si Jones. Naks. Ganda ko. Biro lang. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Isang araw nga kinawayan niya ako tapos ako, nagmaang- maangan nalang ako na kunyari hindi ko siya nakita. I feel so rude.

Naguguluhan na ako. Wala akong matinong kausap. Paano ba naman kasi yung kaisa- isang kaibigan ko na si drea, ayun.. isa rin na wala sa sarili. Ilang araw ko na yang napapansin. May something weird sa kanya. Ayaw ko naman tanungin kasi baka problema nila yan ni Blake. Duh. Wala naman akong maitutulong kasi syempre di pa kami ayos nung tao. Alam niyo na.

Bakit ba kasi ang gulo ng sitwasyon namin? Ugh. Alam niyo kagabi bago ako matulog, naisip ko na bakit hindi ko bigyan si Jones ng chance? Sabi nga ni Drea mukhang seryoso naman daw yung tao. Okay naman sana sa akin. Yung point ko lang ayaw kong lumabas na panakip butas ko siya kay Blake. May konsensya pa naman ako.

Pero ilang linggo ko na rin hindi kinakausap si Jones. Nagmumukha na akong paasa. Inaabuso ko na yung kabaitan ng tao.

Argh. Bahala na. May tamang oras para dyan.

***

"Drea! Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Drea na kanina pa lakad nang lakad sa harapan ko.

"Ahh.. Ano? Oo. Okay lang ako. Bakit naman hindi ako magiging okay?" Tumawa siya. Pero yung tawa na pilit. Kilalang- kilala ko ang babae na ito eh.

"Kung nakikita mo lang ang sarili mo ngayon. Psh. Matatawa ka." Sabi ko.

"Bakit ba kasi Mars? May dumi ba ako sa pwet, sa mukha or what?" Pagmamaktol niya.

"Mukha kang natatae na ewan. Ano ba kasi yang gumagambala sa isipan mo? Ilang araw ka nang ganyan."

"Wala. Nevermind. Hehe." Papilit pa ang gaga.

"Pabebe kang masyado. Ano ba kasi yun?" Naiinis kong tanong.

"Last week kasi... Gabi na ako umuwi. Tapos yan -"

"ANO? MUNTIK KA NA MA- RAPE?" Tanong ko. Concern ako syempre.

"Hindi. Patapusin mo muna ako pwede? Yun na nga gabi na ako umuwi tapos yan nagtext bigla si Blake tapos binasa ko na te-"

"NA- SNATCH iPHONE 6 MO? SHET. SAYANG."

"Marie Antonette. Seriously? Makikinig ka ba sa kwento ko o ikaw na lang magtatapos ng kwento ko?"

"Sorry na. Bagal mo kasi. Bilis na nga." Sabi ko na lang.

"Nagtext si Blake na hindi daw niya ako mahahatid sa bahay kasi isinugod daw si Blaire sa hospital."

Aw. Kawawa naman yung kapatid ni Blake. Kumusta na kaya si Blake? Baka nag- aalala na yung masyado. Sana okay lang siya. Hay.

"Oh tapos?" Sabi ko.

"Edi medyo nalungkot ako syempre. Nag- abang na lang ako ng taxi. Tapos habang nag- aabang.. Tumigil yung kotse ni Zico sa harapan ko and he offered me a ride pauwi."

"Okay. So? Wait what?! Si Zico?!" Napasigaw ako pero mabuti tinakpan ni Drea agad yung bibig ko.

"Sssshhh. Oo si Zico. Tapos pumayag naman na ako kasi gabi na baka ma- rape pa ako. Yun lang naman." Sabi niya.

Yun lang naman pala eh bakit parang ilang linggo siya binabagabag nito?

"Yun lang ba talaga? Sigurado ka ba?" Tanong ko. Alam kong merong nangyari. Uy ha huwag kayong green- minded. Nangyari na pag- uusap or something.

Hindi pa siya nakakasagot sa tanong ko. Mga 15secs na. Confirm. May naganap na pag- uusap sa kanilang dalawa.

"Wala naman. Tahimik lang yung byahe naman pauwi. Medyo awkward nga eh. Hehe." Sabi niya na may halong tawa pero halatang pilit na pilit.

How Many Heartbreaks?Where stories live. Discover now