Kabanata 17

1.8K 91 22
                                    

Kabanata 17


"NAIHATID mo na si Jelle, Guji?"

Mula sa pagtitig sa walang muwang na locker ay iniangat ni Reus ang paningin nang marinig ang tinanong na iyon ni Enzo. Ibinaling niya ang paningin kay Guji at napansin niyang sa kanya ito nakatingin. He kept his face void of any emotion. Pero sa loob-loob niya ay grabeng selos at galit na ang nararamdaman niya.

Selos kay Guji at galit sa sarili niya. Naging duwag kasi siya. Naduwag siya na marinig sa mismong bibig ni Jelle na si Guji pa rin ang mahal nito. Hah! Duwag naman talaga siya. Dahil kung hindi, sana'y sa umpisa pa lamang ay naamin na niya kay Jelle na mahal niya ito. But no! Because he was afraid of being rejected, he lied to her.

"Yeah."

"Good."

Nagsimulang mag-usap-usap ang mga kaibigan niya. Siguro sa normal na araw ay baka nakisama na rin siya sa pakikipagkulitan sa mga ito. But today was different. He couldn't find the will to talk, to laugh, to smile. Kaya naman ang ginawa niya ay nanahimik na lamang siya.

While he kept silent, he thought about what had happened a while ago. Kung anuman ang narinig ni Jelle, hindi iyon totoo. Okay, he did everything within his power to made Jelle fell in love with him. But he did that not because Enzo told him so. He did those things because he wanted to. It was his selfish side that ordered him to do it because he wanted Jelle to love him and only him. Sa totoo nga, nakalimutan na niya ang tungkol sa utos na iyon ni Enzo. Naalala lamang niya iyon ng bigla siya nitong kinausap kanina.

Hindi na lamang niya itinama ang mga narinig ni Jelle kanina bilang pantakip na rin sa pride niya. Bago pa kasi niya makausap si Enzo ay nakita niya ang gawang tula ni Jelle para kay Guji sa bag ng huli. Kahit walang nakalagay na pangalan ay alam niyang sulat kamay iyon ni Jelle. Kapag naaalala niya ang nabasa niyang tula ay tila naninikip ang dibdib niya. Tila ba may kutsilyo ang tumarak sa puso niya at idinidiin iyon doon.

Because of that damn poem, he backed out. He wanted to fight for Jelle, for his feelings for her but he guess that it has to end. Dahil wala na rin naman siyang laban pa. He already did his best to make Jelle forget Guji but sad to say, he failed on that part. Hanggang sa huli, si Guji pa rin ang nagmamay-ari sa puso ng babaeng mahal na mahal niya.

And he wanted to cry for that.

Isa pang dahilan kung bakit hindi na niya itinama ang maling pagkakarinig ni Jelle ay dahil nakita niya sa mata nito na pinaniwalaan nito ang napakinggan nito. He was hurt when he saw the accusation on her eyes. Hindi niya alam na ganoon pala ang tingin nito sa kanya. That he'd used her heart for his own sake. Nasaktan siya nang labis doon.

"Okay, hindi ko na 'to matatagalan. Ano bang problema niyo? Chuck? Reus? Umayos nga kayong dalawa."

Tila nagising siya sa matagal na pagkakatulog nang marinig ang tinig na iyon ni Cloud. Hindi niya napansin na nasa kanya na pala ang atensiyon ng mga kaibigan niya. He noticed that Chuck was also silent right now but he has his own heart problem but he has his own problem right now. Baka imbes na makatulong ay mapasama pa.

"I'm fine," aniya na lamang.

"Lokohin mo'ng lelong mong panot, Reus!"

"Hindi panot ang lolo ko!" angil niya kay Cloud.

"May problema nga si Reus. Hindi na niya alam ang joke sa hindi, eh."

Tiningnan na lamang niya nang masama si Cloud at hindi na kumibo pa. Mayamaya lamang ay na kay Chuck na ang atensiyon ng mga ito na ayos na ayos lang sa kanya. Hindi kasi niya gustong pakialaman siya ng mga ito. Hindi alam ng mga ito ang totoo niyang nararamdaman para kay Jelle. Hindi niya kailangan ang awa ng mga ito dahil lamang si Guji na negro ang gusto ni Jelle at hindi siya na maputi. Hah!

Your Love Is The Only Exception (Tennis Knights #4) (Published under PHR)Where stories live. Discover now