Kabanata 10

1.4K 91 16
                                    

Kabanata 10


NAPASANDAL si Jelle sa dingding ng rooftop sa main building ng Saint Vincent University. Kasabay nang pagpapakawala niya ng isang buntong-hininga ay ang pagtingin niya sa kalangitan. It was already five forty-five o'clock in the afternoon. Kanina pang alas singko natapos ang klase niya subalit hindi pa niya gustong umuwi. Mas gusto muna niyang tumambay dito at panoorin mag-isa ang paglubog ng araw.

She dreamed of watching the sunset together with the man she loved. Kaytagal na niyang pinapangarap na mapanood ang unti-unting pagsabog ng iba't ibang kulay sa kalangitan habang papalubog ang araw na katabi ang lalaking mahal niya at mahal siya. Pinangarap niya na may lalaking nakaupo sa kanyang tabi at hahawak sa kamay niya habang sabay nilang pinapanood ang paglubog ng araw.

Sounds romantic. If only it could come true. That was her silly romantic wish—to watch the sunset with the one meant for her.

Biglang pumasok sa isipan niya ang ginawa nilang panonood ng sunrise ni Reus noong isang araw. Aaminin niya, what Reus had done to her that day was so overwhelming. Aaminin niyang sobrang natuwa siya sa ginawang iyon ni Reus. Sa tingin ng iba siguro'y masyado siyang mababaw para matuwa sa simpleng ginawa ni Reus, pero iba kasi ang dating sa kanya, eh. 'Ni hindi nga nawala ang ngiti sa kanyang labi noong araw na iyon.

Hindi niya alam kung bakit iyon ginawa ni Reus. Hindi niya alam kung bakit ito nagtatiyaga na kausapin siya, asarin siya, at samahan siya. But she was glad that he was there for her. She was glad that he was helping her in some way. Dahil kasi sa mga pangungulit sa kanya ni Reus at sa mga bagay na ginagawa nito para sa kanya, sumasaya siya at nakakalimot.

She noticed a presence beside her. Bago pa man siya makalingon ay naramdaman niya ang pagbalabal ng kung sino ng isang jacket sa kanyang balikat.

"Malamig masyado dito, Jelle," anang tinig na bagong dating na si Reus.

Nilingon niya si Reus saka binalingan ang jacket na ibinalabal nito sa kanya. It was his tennis jacket. Ang alam niya, ang mga regular members ng tennis club (na mas kilala sa tawag na Tennis Knights) lang ang may ganitong klase ng jacket sa SVU. It was a blue and white jacket. Bahagya pa nga niyang naaamoy ang sariling amoy ni Reus sa jacket nito.

"Thank you," mahinang tugon niya sa lalaki.

Umupo si Reus sa tabi niya. He was sitting so close to her that it made her heart raced so fast. Bigla niyang naitapat ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang nagiging reaksyon niya kapag malapit sa kanya si Reus. Kahit kailan ay hindi pa niya naramdaman ito sa ibang lalaki. Maging kay Guji.

When Guji was near, kaba ang nararamdaman niya. But with Reus, ibang-iba. Tila ba may paru-paro sa kanyang sikmura at may kung anong daga sa kanyang dibdib. Kung ang pagbabasehan niya ay ang mga nababasa niya, masasabi niyang nagkakagusto siya kay Reus. Pero napaka-imposible dahil sobrang layo nito sa mga tipo niyang lalaki. Gusto niya 'yong mga kagaya ni Guji, na kabaligtaran ni Reus!

"What are you doing here alone?" kapagkuwan ay tanong nito.

Napabuga siya ng hangin. "Gusto ko lang mapag-isa."

Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagbaling ng paningin nito sa kanya. She didn't know if her eyes were playing a trick on her but she noticed the uncertainty in his eyes. "You want me to leave?"

No!

Nagulat siya sa naging reaksyon na iyon ng puso't isip niya. Kung hindi pa nga niya marahil napigilan ang sarili at naibulalas niya ang katagang iyon.

"I'm fine with you here," ani na lamang niya, pilit niyang itinatago ang kung anuman ang umuusbong sa kanyang dibdib.

Wala siyang narinig na tugon mula rito kaya naman binalingan niya ito. She noticed the gentle smile on his lips. And there was this again, the loud beating of her heart just because she caught the glimpse of his smile. Heartburn ba ito? Nasobrahan ba siya masyado sa pagtambay dito sa rooftop kaya nagiging ganito ang nararamdaman niya ngayon?

Itinutok na niya ang paningin sa unti-unting papalubog na araw. Kung kanina ay nalulungkot siya dahil mag-isa niyang pinapanood ang paglubog ng araw, ngayon ay tila kuntento na siya dahil sa lalaking nasa tabi niya.

Isang nakabibinging katahimikan ang dumaan sa pagitan nila ni Reus subalit wala siyang makapang pag-aalangan. Tila ba sanay na sanay na siya sa presensya ng lalaking ito sa kanyang tabi.

Mula sa kalangitan ay lumipad muli ang kanyang paningin kay Reus nang maramdaman ang pagbagsak ng ulo nito sa kanyang balikat. Kasabay niyon ay ang paghawak ng isang kamay nito sa isa niyang kamay. His eyes were closed and his breathing was even.

"Reus?"

Hindi kumibo ang lalaki. Sa tingin niya ay nakatulog ito base sa patag na paghinga nito. Tinitigan niya ang mukha nito at hindi niya maiwasang mamangha sa nakikita. His face was so serene right now. He looked like a baby, so innocent and calm. Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya at nakikita na lamang niya ang sarili na hinahaplos ang buhok nitong tumatabing sa mukha nito gamit ang libre niyang kamay.

Tama siya, malambot nga ang buhok nito.

Muli'y itinutok niya ang paningin sa papalubog na araw. Ramdam niya ang init ng palad ni Reus sa kanyang kamay. Right now, she felt that this moment was perfect. Tila ba natupad ang kanyang 'silly romantic dream.' And it was because of this guy sleeping beside her.

Bigla'y naramdaman niya ang paghigpit nang pagkakahawak ni Reus sa kamay niya. And there it was again, the warm sensation that was flowing from her hand to her heart.

Hindi niya namalayan na ginagantihan na rin pala niya ang higpit nang pagkakahawak ni Reus sa kamay niya. Kasabay niyon ay ang pagdaloy ng isang realisasyon sa utak at puso niya.

Unti-unti na na siyang nagkakagusto sa makulit, madaldal subalit mabait na si Reus. Gusto man niyang pigilan ito, tila ayaw naman makisama ng puso niya. She was slowly falling into his charms and she couldn't go out.

Dahil sa katahimikan sa paligid, ramdam ni Jelle ang unti-unting pamimigat ng talukap ng kanyang mata. Hanggang sa hindi na niya natalo ang antok. Her head was now leaning against Reus'. At dahil sa nakatulog siya, hindi niya nakita ang ngiting sumilay sa labi ni Reus dahil sa pangyayaring ito.

Your Love Is The Only Exception (Tennis Knights #4) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon