Kabanata 12

1.5K 89 38
                                    

Kabanata 12


JELLE watched the rain pouring outside their school. She was stranded because of this damn rain. Sobrang lakas ng ulan at dahil sa katangahan niya ay wala siyang payong. Nauna nang nakaalis kanina ang kaibigan niya dahil may date ito sa boyfriend nito kaya heto siya, mag-isang binibilang ang bawat patak ng ulan sa harapan.

"Ako na, ako na ang tanga," mahinang wika niya. Kulang na nga lamang ay magpapadyak siya sa sobrang pagkaasar. Kung kailan niya naiwanan ang payong niya, saka pa umulan nang pagkalakas-lakas.

Mahina ang resistensya niya kaya hindi niya ipakikipagsapalaran ang kalusugan niya sa paglusong sa ulan. Mas gugustuhin na niyang hintaying tumila ito kaysa magkasakit. Kung bakit kasi ang galing din tyumempo ng cell phone niya, ngayon pa na-battery empty. Hindi niya tuloy matawagan ang daddy niya.

Napabuga siya ng hangin. Kakaunti na lamang ang estudyante ngayon dito sa SVU. Ang mga natira ay ang kagaya niyang walang payong. O siguro ay may hinihintay ang ilan sa mga ito.

"Wala kang payong, Jelle?"

Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Standing not-so-far on where she was standing was Reus. Nakatayo sa tabi nito si Guji. When she looked at Guji, she couldn't find the usual butterflies on her stomach like she used to have back then. Tila ba isang normal na kakilala lamang ang nasa harapan niya ngayon. Pero kung ikukumpara niya ang nagiging reaksyon ng kanyang puso kapag si Reus ang nakikita niya, ibang-iba iyon.

"Ako ang nagsalita, Jelle, hindi si Guji."

Hindi niya maiwasang mapakunot ng noo nang mahimigan ang tila pagkaasar sa tinig ni Reus. Nang ibinaling niya ang paningin dito ay blangko ang ekspresyon ng mukha nito—which was new and weird.

"What's wrong with you?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit subalit tila hindi siya kumportable na makitang ganito ang anyo ni Reus.

"Wala," walang emosyong sagot ni Reus na lalo niyang ipinataka.

"Want to borrow my umbrella?"

Napatingin siya sa nag-alok na iyon na si Guji. She noticed the umbrella on his hand. It was the first time that he talked to her. Kung noon siguro nangyari ito ay baka natuwa na siya o di kaya'y kinilig. But her heart was already set on the man beside Guji. Kaya hayan at no reaction tuloy siya.

She was about to decline his offer when Reus stood in front of her, blocking her gaze from Guji. "Don't bother, Gonzado. Umuwi ka na."

"Whatever, San Diego."

Sinundan ni Jelle ng tingin ang papalayong pigura ni Guji. Siguro, kung hanggang ngayon ay may gusto pa rin siya kay Guji, walang pagdadalawang isip na hinablot niya kaagad ang payong na in-offer nito. Malamang sa malamang ay hindi na rin siya makakatulog sa sobrang kilig. But no, 'ni kapiranggot na kilig ay wala siyang nadama.

Few days have passed since she realized her true feelings for Reus. Sa mga nakalipas na araw, wala siyang ginawa kundi kausapin literally ang puso niya. Aaminin niya, lubha siyang naguguluhan sa ngayon. A part of her was saying that she only liked Reus but then, a greater part of her was shouting that she has deeply fallen to him. Sa loob ng ilang araw ay pulos si Reus ang nasa isipan niya. Wala na siyang ibang inatupag kundi ang lalaking iyon. Nakakainis!

She was insane.

Nagtatakang napatingin siya kay Reus nang marinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Reus was brushing his hair using his hand. She noticed the uncertainty on his eyes. Kung para saan, hindi niya alam.

"Problema mo?" hindi niya napigilang itanong.

Umiling ito. "Wala. Don't mind me. Pasensya na pala sa pangingialam ko kanina. I just don't want—"

Your Love Is The Only Exception (Tennis Knights #4) (Published under PHR)Where stories live. Discover now