Kabanata 6

1.3K 73 11
                                    

Kabanata 6


"SAAN ka galing, Reus?"

Napahawak sa tapat ng kanyang dibdib si Reus sa sobrang pagkagulat. Hindi kasi niya alam na nandito pala sa loob ng locker room si Enzo na siyang nagsalita. Ang akala kasi niya ay nasa open court din ito kanina dahil nga nagpa-practice ang mga ka-team niya.

"May kinausap lang ako sa labas, Captain," sagot niya at bahagyang napalunok nang makasalubong niya ang nanunuot sa butong tingin nito. Hindi talaga siya mapalagay kapag tinitingnan siya ng ganito ni Enzo. Tila ba kayang-kaya nitong basahin ang lahat ng lihim niya.

Tindi rin makatitig nitong si Enzo, para bang may lihim na pagnanasa sa kanya, gano'n.

"Hindi ka um-attend ng practice?" seryosong tanong nito.

Ngumiti siya nang alanganin. "Hindi pa naman nagsisimula, Captain. Nagwa-warm up pa kasi 'yong ibang players," palusot niya. Sa walo niyang kabarkada, dito lamang siya medyo ilag. Mahirap kasing i-spelling-in ang isang ito.

Akmang ibubuka ni Enzo ang bibig nito nang biglang bumukas ang pinto ng locker room at iniluwa niyon si Kei. Sa kamay nito ay ang handy-dandy notebook nito.

Inayos nito ang salamin nito sa mga mata saka binalingan si Enzo. "We have a problem, Enzo."

Kumunot ang noo ni Enzo dahil sa sinabing iyon ni Kei. Siya man ay na-curious bigla sa tinutukoy ni Kei na "problema" raw.

"Tungkol kay Jack Janson ba 'to, Kyohei?" tanong niya kay Kei.

Sa likod ng salamin ni Kei ay kitang-kita niya ang pagtalim ng tingin nito sa kanya. It was because he called him by his given name. Arte. "Labas, Reus," anito sa kanya.

Ngumisi lamang siya at humalukipkip kahit nahihirapan siya dahil sa hawak-hawak niyang Tupperware na "bigay" ni Jelle sa kanya. How sweet.

"On the second thought, huwag na. Malaki ang maitutulong mo rito." biglang bawi ni Kei, ang pansin nito ay nakatutok sa Tupperware na hawak niya.

"Explain, Kei." ani ni Enzo, nasa mukha nito ang pagkainip.

"You know Rejelle-Rose Larisse Mendez, Enzo?"

Napakunot ang noo niya nang marinig ang binanggit na pangalan ni Kei. Bakit napasok sa usapan si Jelle niya?

Biglang pumasok sa isipan niya ang anyo ni Jelle. Despite her being small, she still has nice curves that fitted her slender body. She has straight long jet-black hair. May bangs ito na abot hanggang itaas ng mga mata nito. She has a soft-looking red lips that looked so inviting. Idagdag pa ang napakainosente nitong mga mata na tila ba laging nangungusap.

Napailing na lamang siya sa takbo ng isip.

Tumango si Enzo kaya muling nagpatuloy si Kei. "I happened to know that she has a crush on Guji. She's not a threat pero mabuti nang makasiguro tayo na hindi masisira ang plano natin dahil sa kanya."

Inayos ni Enzo ang salamin nito sa mga mata saka tiningnan si Kei. "You're saying?"

"Kailangan nating ilayo kay Guji ang atensyon ni Jelle." Ngumiti si Kei, iyong ngiting biglang nagpatayo ng mga balahibo niya sa braso. "With the help of Reus," dagdag nito.

"Me?" gulat na sigaw niya. Paano siyang napasok sa usapan?

"Yes, you. Alam kong medyo close ka kay Jelle. Kaya ikaw ang bagay sa mission na ito. All you have to do is distract her and avoid her from being close to Guji and Jill. Kung pupuwede, alisin mo na rin ang feelings niya para kay Guji."

Ano siya, eraser? Taga-alis ng feelings nang may feelings?

Napakunot ang noo niya sa sinabing iyon ni Kei. Hindi niya nagustuhan ang suhestiyon na iyon ni Kei. Alright, ayaw niyang mapalapit si Jelle kay Guji. Patunay na lamang ang ginawa niyang pag-agaw sa pagkain na dapat ay ibibigay nito kay Guji. Why? Oh hell, it was because he liked her so freaking bad. Pero hindi niya gustong gamitin si Jelle para sa planong ito nila Kei at Enzo.

Hindi na siya nakakibo pa dahil nagpasukan ang iba pa nilang kaibigan sa locker room. Nag-iba na rin ang usapan kaya't nawala na ang tunay nilang pinag-uusapan kani-kanina lamang. Magkagayunman ay hindi niya balak sundin ang sinabi nila Enzo.

There was no way in hell that he would do their orders.

Kahit na matanggal pa siya sa Tennis Knights.

Your Love Is The Only Exception (Tennis Knights #4) (Published under PHR)Where stories live. Discover now