Kabanata 1

5.9K 122 16
                                    

Kabanata 1


HINDI alintana ni Rejelle-Rose Larisse ang pag-iingay at panggugulo ng mga block mates niya sa loob ng classroom. Nanatili lamang siyang nakatingin (o mas tamang sabihin na nakatitig) sa ultimate crush niyang si Guji Gonzado. Kasalukuyang nakikipag-usap ang naturang lalaki sa mga kabarkada nito na kaklase rin niya.

Hindi niya maiwasang mamangha habang nakatitig kay Guji. Kaklase niya ang naturang lalaki simula noong unang taon niya rito sa Saint Vincent University sa kursong Bachelor of Science in Computer Engineering. Unang kita pa lang niya kay Guji ay nagustuhan niya kaagad ito.

Miyembro si Guji ng tennis club ng SVU. In fact, member ito ng Tennis Knights, ang kilalang elite sub-group sa loob ng tennis club. Mga pawang magagaling lamang na tennis players ang maaaring mapabilang sa Tennis Knights at isa si Guji sa mga napasama. Paano ba nama'y sobrang galing nito sa paglalaro ng tennis.

Bukod pa sa galing nito, guwapo rin si Guji. Kabilang si Guji sa kategoryang tall, dark, and sinfully gorgeous. Matangkad si Guji. Siguro'y naglalaro sa five-nine o five-ten ang height nito o mas higit pa nga. Maganda ang built ng katawan nito na marahil ay nakuha nito sa paglalaro ng tennis. Kapag nga nakasuot ng fitted shirt si Guji, napapansin niya ang muscles nito sa dibdib. Pupusta siya, mayroon din itong six-pack abs.

Moreno si Guji subalit kahit na ganoon ay hindi iyon nakabawas sa angkin nitong kaguwapuhan. Sa mga kaibigan nito, ito lamang ang natatanging moreno kaya naman nag-i-stand out ito. Guji's peers were all handsome in their own way but Guji was way, way better than them. Guji also has his own set of fans. Hindi ito pahuhuli, syempre.

Siyempre pa, kabilang siya sa fans club nito. Kung tutuusin ay siya pa yata ang presidente ng fans club nito.

Subalit sa limang taon ng pagkagusto niya kay Guji, ni isang beses yata ay hindi sila nito nagkausap. Ni isang beses yata ay hindi niya naiparating sa lalaki ang tunay niyang saloobin. Paano ba naman kasi'y may pagka-woman hater ang lalaki. Ang pakunswelo na lamang ni Jelle sa sarili ay alam niyang hindi magkaka-girlfriend si Guji dahil sa ugali nitong iyon. Kaya medyo kampante pa siya sa ngayon. Lahat halos ng mga babaeng lumalapit dito ay hindi nito pinapansin o kaya naman ay nilalayuan nito. Tanda pa nga niya iyong isang pangyayari na kung saan may isang babae na tiningnan nito nang masama.

But those flaws of him didn't stop her from liking him. Kumbaga, tanggap niya ang lahat-lahat kay Guji, flaws and all.

She really liked Guji. Papaano ba nama'y nasa lalaki na yata ang lahat ng katangiang hinahanap niya sa isang lalaki. She liked men who were snobbish, dark, and cold. She liked men who have mysterious aura surrounding himself. At na kay Guji ang katangiang iyon.

Guji was a brooding man who loved to torture every single human on their campus just by using his killer glare. Ni minsan ay hindi pa niya nakitang ngumiti ang naturang lalaki. Palagi ay tila pasan nito ang daigdig sa sobrang dilim ng mukha nito.

Dagdag pogi points nga sa libro niya ang pagiging misteryoso at punung-puno ng dark aura ni Guji.

Hindi niya alam subalit fascinated na fascinated talaga siya sa isang ito. In her twenty years of being here in this world, ngayon lamang siya nagkaganito. Iyon bang matingnan lamang ang isang lalaki mula sa malayo ay masaya na siya.

Para bang sa mga simpleng pagkakataon na nangyayari sa pagitan niya at ni Guji ay sumasaya na siya. Mababaw na kung mababaw ang labas ng kaligayahan niya pero sa gano'n ang nararamdaman niya, anong magagawa niya? Parang kagaya sa mga nababasa niya sa mga romance novels na talaga namang kinabaliwan niya.

"Baka matunaw ang kaibigan ko. Huwag mong titigan masyado. Mahirap na kapag nagkalat ng chocolate dito," pukaw ng isang tinig sa kanyang malalim na pag-iisip at pagtitig kay Guji. Kasabay pa niyon ay ang pagtakip ng may-ari ng tinig sa kanyang mga mata.

Your Love Is The Only Exception (Tennis Knights #4) (Published under PHR)Where stories live. Discover now