Kabanata 9

1.5K 89 10
                                    

Kabanata 9


"WHAT the hell is wrong with you, Jarreus San Diego? Alam mo ba kung anong oras pa lang? It's only five o'clock in the morning. Five o'clock! Wala naman tayong pasok para gisingin at bulabugin mo ako ng kay aga-aga, ah?" paglilitanya ni Jelle kasabay nang paghikab. Kinusot pa niya ang kanyang mga mata upang maalis kahit papaano ang antok na nararamdaman.

It was a Saturday morning. Wala silang klase nitong lalaking nambubulabog sa kanya. He called her at exactly four o'clock in the morning and said that she should be dressed after half an hour. Hindi na nito sinabi kung bakit. Basta sinabi lamang nito na aabangan siya nito sa labas ng bahay niya. Nagbalak nga siyang bumalik sa pagtulog subalit kilala niya si Reus. Sobrang makulit ito. Ito na yata ang hari ng kakulitan kaya't alam niyang hindi siya nito titigilan hangga't hindi siya kumikilos.

Inaantok man ay bumangon na rin siya at naligo. Despite the drowsiness she was feeling, she was kind of excited on the plan Reus has for today. Though she didn't know why.

Simula noong nag-usap sila kahapon sa Mcdonalds, gumaan na nang tuluyan ang loob niya kay Reus. Even though he was so irritating most of the times, she had seen his good side. So to say, she could now tolerate his kulitness. Tila nga natutuwa na siya sa pagiging madaldal at maloko nito.

Kaya nga kahit antok na antok na siya sa mga oras na ito ay nandito pa rin siya kasama ni Reus. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng law firm na pag-aari ng pamilya ni Reus. Hindi niya alam kung bakit iba ang pakiramdam niya sa mga oras na ito. She felt so light. Tila nga ba wala siyang iniinda na heart problem. Weirdo.

"Huwag ka nang maraming reklamo, Jelle. Just enjoy this time with me, okay? Sigurado ako na sa ganda ng mga plano ko para sa 'tin ngayon, mawawala ang antok mo," nakangiting wika nito sa kanya saka nag-thumbs up pa.

Inilatag ni Reus sa sahig ng rooftop ang dala nitong blanket. She was surprised when she noticed the basket beside the blanket. Hindi kasi niya napansin kanina na may dala-dalang basket si Reus.

"Sino ang nag-prepare niyan?" aniya saka inginuso ang basket sa tabi nito.

"I did it myself. See? Inagahan ko pa talaga ang gising para magawan ka ng almusal. Am I great or am I great?" sagot nito at lumiyad na tila ba nagyayabang.

"Weh? Para saan naman ang mga ito?"

"I want to help you forget about Guji, Jelle. I may be a poor substitute of him but it can manage, I guess."

Hindi niya alam kung guni-guni niya lamang iyon subalit tila may lungkot sa tinig nito. Anong problema ni Reus?

"What?"

Hinawakan nito ang mga pisngi niya at dahan-dahan nito iyong hinaplos. He was touching her cheeks and was looking at her as if he was memorizing her face. He was looking intently at her as if she was the most beautiful woman in the world. She couldn't help but blushed because of the intensity of his stare.

"I'll make you love me, Jelle. I'm not joking when I told you the other day that I'll help you forget about Guji."

Napanganga na lamang siya sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan kung seryoso ba talaga ito o isa lamang ito sa mga trip nito sa buhay. Baka kasi pinagti-trip-an lamang siya nito. Baka kasi joke-joke lang 'to.

"Ewan ko sa 'yo!" ani na lamang niya upang pagtakpan ang pamumula ng mga pisngi. Bigla kasi siyang nailang sa sobrang intense ng pagkakatingin sa kanya ni Reus.

Hindi niya alam kung anong masamang espirito ang sumapi sa kanya upang humiga sa sapin na inilatag ni Reus. Siguro'y dala lamang ito ng antok. Anong oras na rin kasi siyang nakatulog kagabi or rather kaninang umaga dahil sa pag-iisip. Hindi lamang tungkol kay Guji maging tungkol kay Reus.

Naramdaman niya ang pagsapo ni Reus sa ilalim ng ulo niya. She felt him gently raised her head and placed it on his lap. Imbes na tumutol ay hinayaan na lamang niya iyon. Bakit? Hindi rin niya alam. Siguro'y dahil sa masarap na pakiramdam na nararamdaman niya ngayon. She didn't know why but she felt calm and contented just by the mere presence of this guy.

She felt him combing his fingers through her hair. Napapikit siya dahil sa idinulot nang simpleng paghaplos nito sa buhok niya. She felt electricity flowed through her system just because of his warm, gentle touch. As he brushed her hair, something was slowly rising from her heart. A feeling of warmth, warmth for this man.

"The sun's about to rise, Jelle," ani Reus sa magaang tinig.

As she opened her eyes, she was greeted by the serene and smiling face of Reus. He was busy looking at the sun so he didn't notice her looking at him. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi sa hindi niya malamang kadahilanan. Itinutok na ni Jelle ang tingin sa araw. Vibrant colors were now slowly appearing on the sky.

The scenery was so magnificent. Everything felt so great right now. At hindi niya maiwasang isipin na ang dahilan niyon ay ang lalaking kasama niya.

Si Reus.


HINDI mapigilan ni Reus ang mapangiti habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Jelle. He was happy by just the mere fact of seeing this woman, within his reach, smiling. Makita lamang niya ang ngiti nito ay sumasaya na siya. Makita lamang niya ang kislap sa mata nito ay nagiging ayos na siya.

Why? It was simply because he loved her. He loved her since they were both a freshmen at SVU. Una'y paghanga lamang subalit ngayon ay talagang mahal na niya ito. Jelle was so oblivious to his feelings towards her. Siguro'y dahil wala na siyang ginawa kundi ang asarin ito. Papaano ba naman kasi, kapag malapit na siya sa dalaga ay inuunahan siya ng kaba sa dibdib. Kaya ang nangyayari, imbes na manligaw ay puro pang-aasar ang lumalabas sa bibig niya.

Idagdag pa ang insecurity na nasa katawan niya dahil simula't sapul, ang gusto ni Jelle ay ang teammate at kaibigan niyang si Guji.

Alam na niyang gusto na ni Jelle si Guji noong unang taon nila sa SVU. He was always looking at her, watching her every move, analyzing her expressions like a stalker that he was able to notice how she kept on looking at Guji with those eyes.

He could still remember how his heart was silently torn into pieces when he realized how the woman he loved, liked someone else. Yes, liked. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya matanggap na mahal nito si Guji. Patuloy niyang sinusuksok sa utak niya na simpleng paghanga lamang ang nararamdaman nito kay Guji. Hind niya alam kung sino ang niloloko niya, kung sino ang pinaniniwala niya.

For five years, he kept silent. Hindi niya ipinapahalata ang tunay niyang damdamin kay Jelle. Hindi pa kasi siya handa. At oo, aaminin niyang naging kampante siya na hindi ito mawawala sa kanya dahil alam niyang hindi ito papansinin ni Guji. Pero natakot siya nang malaman niyang pinaimbestigahan nito ang girlfriend ni Guji. Natakot siya dahil sa loob ng limang taon, ngayon lang kumilos ng ganito si Jelle para kay Guji.

Alam niyang ginawa nito iyon upang makasiguro. He thought that once she knew about Guji's affair with Jill, magpaparaya na ito. Hindi naman kasi nito alam na isang scheme lamang ang relasyon ni Guji at Jill. But he was wrong, so wrong. He should have known better. She was a fighter. Bagaman alam nito na matatalo ito ay lumaban pa rin ito. Pero hindi niya gustong mapalapit pa ito kay Guji. Hindi niya gustong madagdagan ang sakit na nasa puso nito kaya gumawa siya ng paraan.

Minatiyagan niya ito. Kapag nakikita niyang lalapit ito kay Guji ay gagawa siya ng paraan para mailayo ito sa lalaki. He was pestering her just for the sake of taking her away from Guji, away from feeling more pain.

Isa pa, natatakot siyang matutok ang pansin dito ni Guji. Why, Jelle was a beautiful girl. Hindi na siya magtataka kapag nagkagusto si Guji dito. At iyon ang ayaw at pinipigilan niyang mangyari. Magkamatayan muna bago mapunta si Jelle kay Guji.

Kaya naman ito ang ginagawa niya ngayon. He was now making her see the real him. Hindi na siya makakapayag na maging isang peste ang tingin nito sa kanya. What he said to her the last time they talked, na siya na lamang ang mahalin nito, ay totoo sa loob niya. Gagawin niya ang lahat para mahalin siya nito. Gagawin niya ang lahat para mabura sa puso nito si Guji at mapalitan niya iyon.

He was willing to do everything just to have her heart. Everything. Pagod na rin kasi siyang magpanggap. Pagod na rin siyang masaktan.

"Ang ganda talaga ng sunrise!"

Not as beautiful as you, sa loob-loob niya. Right now, he vowed to himself that he'd do anything, just to make her fall for him. Anything.

Your Love Is The Only Exception (Tennis Knights #4) (Published under PHR)Where stories live. Discover now