Kabanata 2

2.5K 89 1
                                    

Kabanata 2


"MAS MAGANDA ang red roses, Cloud. Panigurado, hindi na magbabalak pa si Skye na hiwalayan ka."

"Gago ka Les! Parang sinabi mo na rin na hihiwalayan ako ni Skye!"

Napangisi si Reus habang nakikinig sa pag-uusap na iyon ng dalawa niyang kabarkda slash teammates na sina Les at Cloud dito sa loob ng locker room ng university gym. Katatapos lamang ng practice game nila para sa araw na ito. Silang tatlo pa lamang ang nandito sa loob dahil ang iba nilang kaibigan ay nasa open court pa at nagbibilad sa arawan.

Miyembro si Reus ng Tennis Knights, ang kilalang elite sub-group ng tennis club. Magaling kasi siya sa paglalaro ng tennis kaya napabilang siya sa group na ito. Binubuo ng siyam na katao ang Tennis Knights at lahat ng iyon ay mga kaibigan niya at kaklase, puwera kay Rein na mas bata sa kanila ng dalawang taon.

They were all taking up Bachelor of Science in Computer Engineer here at Saint Vincent University. Kasalukuyan siyang nasa ikalimang taon at graduating na ngayong semester. Sa kabila nang pagiging aktibong miyembro niya sa tennis club ay hindi niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral. Why of course, he wanted to graduate on time.

Kahit na hindi ito ang kursong gustong ipakuha sa kanya ng mga magulang ay sinuportahan siya ng mga ito. His parents were lawyers but on different fields. Ginusto ng mga ito na maging abogado rin siya kagaya ng mga ito at ng iba niyang mga kuya subalit tumanggi siya. Gusto niyang mawala sa anino ng mga ito. Gusto niyang makilala siya bilang siya at hindi anak ng isang kilalang abogado sa bansa. That was why he chose this course. Isa pa, wala siyang interes sa abogasya at sa kung anu-anong batas at artikulo na nakapaloob doon.

Subalit may isa pang dahilan kung bakit Computer Engineer ang kinuha niyang kurso. Isang lihim na dahilan na walang sinuman ang nakakaalam. Maging ang mga kaibigan niya.

"Calachuchi na lang kung gusto mo, Cloud," singit niya sa pagtatalo ng dalawa.

Napangisi siya nang tingnan siya nang masama ni Cloud. Ininuman niya ang hawak-hawak na Gatorade at hindi pinansin ang paglilitanya ng kaibigan. Ang pinoproblema kasi nito ay ang bulaklak na ibibigay nito sa nobya nito. Nakakagulat man subalit ang pinaka ma-pride niyang kaibigan na si Cloud ay na-in love. Kung titingnan nga niya, masasabi niyang super in love ito sa nobya nito na si Skye.

"Maganda 'yong suggestion ni Reus, Cloud. Calachuchi na lang. Memorable 'yon. Murang-mura pa," nakangising wika naman ni Les.

"Mga gago! Ginawa niyo pang patay ang honey ko?!"

Patuloy sila sa pag-aasaran nang pabalyang bumukas ang pintuan ng locker room at pumasok ang tila galit na si Guji, ang ever peborit niyang kalaban sa tennis at ka-partner sa doubles. Agad na tumutok sa kanya ang paningin nito at kitang-kita niya ang pagkayamot sa mukha nito.

Napangisi siya nang lihim. Kailan ba hindi nayamot ang isang ito, hindi lamang sa kanya, kundi maging sa lahat ng tao sa Pilipinas?

"Where's my Gatorade, Jarreus?!" angil nito sa kanya.

Nakangising itinaas niya ang hawak-hawak na inumin at ipinakita rito. "Ito ba? Sa 'yo pala 'to? Infairness, masarap."

Kung anime lamang marahil si Guji, malamang ay may makikita na siyang usok na lumalabas sa tainga at bumbunan nito. Kung pupuwede nga lamang din, baka may lumabas na rin na kidlat sa mga mata nito at tinira na siya n'on.

Napasobra yata ako sa panonood ng animes, napapailing na naisaloob niya.

"Who the hell gave you the permission to drink my Gatorade?!"

Your Love Is The Only Exception (Tennis Knights #4) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon