Kabanata 3

2.7K 93 15
                                    

Kabanata 3


SIMULA noong araw na nabanggit ni Reus kay Jelle ang tungkol sa babaeng napapabalitang nobya ni Guji ay hindi na siya mapakali. Alam ni Jelle na hindi siya dapat maghinala dahil wala naman siyang napapabalitaan na may nobya na si Guji. Sa loob din nang mga nagdaang araw ay hindi niya nakikita si Guji na may kasamang babae na maaari nitong maging nobya. Maliban na lamang kung nagkakasalisi silang dalawa.

Pero hindi pa rin niya maiwasang mabahala. Kaya't heto siya ngayon at nagmamanman dito sa labas ng university gym. Gusto rin kasi niyang makasiguro na nagsisinungaling at pinagti-trip-an lamang siya ni Reus. Pero hindi niya alam kung bakit subalit parang bahagya na rin siyang naniniwala sa sinabi ni Reus.

Siguro'y dahil wala naman sa mukha nito na sinungaling ito. Yes, he was irritating and annoying but he wasn't a liar—she thought.

"Pero hindi pa rin maaaring magkatotoo na may girlfriend si Guji dahil para sa akin lamang siya!" mahinang wika niya.

Kailangan niyang husayan ang pag-iimbestiga niya kung gusto niyang malaman kung totoo o hindi ang sinasabi ni Reus. Para na rin sa sarili niya. Hindi naman siya makakapayag na mapunta sa ibang babae ang lalaking tangi niyang itinatangi.

Hindi stalking 'tong ginagawa niya, ha. Research 'to.

Napahinto siya sa paglalakad sa labas ng university gym nang mapansin ang dalawang pigurang pumasok sa loob ng gym. Biglang kumabog nang paglakas-lakas ang kanyang dibdib nang mapansin ang isa sa pigurang pumasok. She was so shocked when she him. She was pretty sure it was Guji. Subalit ang kasama nito ay hindi niya kilala. Pero hindi ang pagkakita kay Guji ang nagpagulat sa kanya kundi dahil sa babaeng kasama nito at ang aksyon ng lalaki sa babae.

Guji was holding the girl's hand as if he was afraid that the girl would run away from him. Itong babae na ba ang tinutukoy ni Reus na nobya ni Guji? Bakit hindi niya kaagad nalaman ang tungkol dito? Sikreto ba ang pagiging magkasintahan ng dalawa? Matagal na bang mag-on ang mga ito?

Kayraming tanong sa utak niya pero hindi na niya iyon binigyan pa nang pansin dahil gusto muna niyang makatiyak kung si Guji nga ba ang nakita niya o dinaya lamang siya ng kanyang paningin. Walang ingay na lumakad siya papunta sa may kababaang bintana upang matingnan ang pangyayari sa loob. Hindi niya intensyong maniktik, gusto lamang niyang makasiguro na ang babaeng kasama nga ni Guji ay ang nobya nito.

Dahan-dahan sumilip si Jelle sa loob ng gym at muntik na siyang mapasinghap nang makita ang pangyayari sa loob. Guji and the unknown girl were sitting so close to each other. At hindi lamang iyon ang dahilan nang pagsinghap niya. It was Guji himself. This was the first time that she has seen him having an expression like that. It was as if he was truly in love with that unknown girl.

"No. Namamalikmata lamang ako," mahinang wika niya sa sarili at pumikit. Nang dumilat siya ay kaagad na tumutok kina Guji ang paningin niya. Hindi na nag-uusap ang dalawa, nanatiling nagtitinginan na lamang ang mga ito na tila ba nasa isang taping ng pelikula.

Tila may mga kamay ang dumakot sa puso niya at pinisil iyon nang mariin.

She couldn't bear to look at him while he was busy looking at the unknown girl so she chose to look away.

Umupo siya sa sementadong sahig at sumandal sa dingding ng gym. Tila ba bigla-bigla siyang nanghina sa nasaksihan. Tila ba biglang nawala ang lahat ng natitira niyang lakas dahil sa nalaman.

"Umayos ka, Rejelle-Rose Larisse!" mahinang asik niya sa sarili at bahagyang tinapik ang pisngi. Pumikit siya at bumuga ng hangin upang papayapain ang damdamin kahit papaano. Pigil-pigil niya ang pagbalong ng mga luha.

Hindi niya gustong umiyak dahil ang pag-iyak para sa kanya ay pagpapakita ng kahinaan at pagkatalo. At hindi pa siya natatalo dahil lalaban pa siya. Hindi siya susuko. Hindi niya hahayaang mawala sa kanya si Guji nang hindi man lamang siya lumalaban.

Now is the time for Guji to know that I exist. Hindi ko hahayaan na mawala siya sa akin ng hindi man lamang ako lumalaban, aniya sa sarili habang isang desisyon ang nabuo sa utak niya.

She would fight. At kailangan muna niyang makilala ang kanyang kalaban.

Ang unknown girlfriend ni Guji.

Your Love Is The Only Exception (Tennis Knights #4) (Published under PHR)Kde žijí příběhy. Začni objevovat