Kabanata 7

1.5K 80 12
                                    

Kabanata 7


"INHALE, exhale. Kaya mo 'yan, Jelle. Lapitan mo lang si Guji and presto! Naka-first base ka na," kausap niya sa sarili. Kasalukuyan siyang nasa canteen ng mga oras na iyon. Lunch break niya at dahil kaklase niya si Guji, lunch break din nito.

Hawak-hawak niya sa mga oras na iyon ang tray niya ng pagkain na binili niya dito sa university canteen. Ang plano niya ay sumabay sa pagkain ni Guji. Hindi nito kasabay sa pagkain ang girlfriend nito kaya naman hindi masyadong alangan kung sasabayan niya ito. Idagdag pa na puno na halos ang mga mesa at ang mesa lamang nito ang medyo bakante pa. Nag-iisa lamang kasi itong kumakain.

Huminga siya nang malalim at tiyak ang mga hakbang na papalapit na siya kay Guji. Subalit bago pa man siya makalapit nang tuluyan sa lalaki ay may isang kamay ang kumuha sa tray niya at biglang humawak sa beywang niya. She gasped aloud when she felt a jolt of electricity that flowed to her body because of that single touch.

Akmang kakalas siya mula sa pagkakahawak ng estranghero nang maramdaman niya ang pagdampi ng mainit na hininga sa kanyang tainga. Right there and then, kilala na niya kung sino ang pangahas na halos yumakap na sa kanya.

Si Reus. Bakit nga ba hindi niya kaagad naisip na si Reus ito? Eh, ito lang naman ang kilala niyang naghahatid sa kanya ng ganitong sensasyon, na hindi niya maisip at maarok kung bakit.

"Don't struggle, Jelle. Huwag mong sagarin ang pasensya ko sa 'yo ngayon," mahinang wika nito sa tapat ng tainga niya.

Napahinto siya sa tangkang pagkalas sa pagkakahapit nito sa beywang niya. Not because she felt threaten when she heard his serious voice but because of the sensation she felt when she felt his breathe on the sensitive part of her ear. Something warm was flowing inside her body just because of his nearness, of his touch.

Ipinuwesto siya nito sa marahil ay mesa nito. Napansin niya ang pagkain sa mesa kaya naisip niya na marahil ay kanina pa ito rito. Nakita marahil siya nito na lalapitan si Guji kaya pinigilan siya nito. Pero hindi niya alam kung bakit kailangan nitong magalit sa kanya at halos kaladkarin na siya papunta sa lamesa nito.

"There, diyan ka kumain," ani Reus sa kanya. Pagkatapos nitong ayusin ang upuan niya ay inilapag nito ang tray sa harap niya. "Eat."

Tila isang masunuring bata na sumunod siya rito. Masyado kasi siyang nagulat sa transformation nito. Ngayon lamang niya nakita na ganito kaseryoso ang isang ito. Ang akmang pagsubo niya sa pagkain ay napahinto. Para bang bigla siyang natauhan. Nakakunot ang noo na tiningnan niya si Reus.

"Bakit mo nga pala ako kinaladkad papunta dito?!" asik niya sa lalaki. Tila ba ngayon lamang siya nahimasmasan sa ginawa nito. Masyado yata siyang "naakit" nito kaya hindi siya kaagad nakakibo kanina at natameme siya.

"You're only making a fool out of yourself, Rejelle-Rose," imbes ay sabi nito.

"Huh?"

"Look at Guji right now."

Sinunod niya ang utos nito. Nakita niyang hindi na nag-iisa si Guji ngayon. He was with his girlfriend, eating lunch together, exchanging sweet words with each other. Napapikit siya at iniiwas ang tingin sa lalaki at sa kasama nito. Ibinaling niya ang pansin kay Reus. Napakunot ang noo niya nang mapansin na tutok na tutok sa kanya ang tingin ni Reus. Many emotions were swirling on Reus' eyes that she couldn't put a name.

One of them she guessed was worry? Concern? Or was it sadness? Hindi niya alam, at wala siyang balak alamin.

Napabuga siya ng hangin at itinutok na ang pansin sa pagkain. Isinantabi niya ang tila kamay na pumipiga sa puso niya dahil sa nasaksihan sa pagitan ni Guji at ng girlfriend nito. Oo, tila may kung anong patalim ang tumarak sa puso niya sa nasaksihan, subalit wala naman siyang makapang galit sa babaeng tila umagaw sa pagmamahal ni Guji na naiisip niyang para sa kanya dapat. Kasi alam naman niya sa sarili niya na in the first place, hindi naman naging kanya si Guji.

Your Love Is The Only Exception (Tennis Knights #4) (Published under PHR)Where stories live. Discover now