Kabanata 15

1.6K 85 14
                                    

Kabanata 15


MAY PAGMAMADALI sa lakad ni Jelle habang papunta sa university gym. Nawawala kasi ang tulang ginawa niya. Nawala kasi iyon sa isip niya kahapon dahil kay Reus. Masyado kasi nitong sinakop ang isip at puso niya. What he did yesterday was too much. Kulang na lamang ay sumabog ang puso niya sa sobrang saya dahil sa sorpresa ni Reus. She was happy, overwhelmed, addicted, and overjoyed. Kulang ang salita para mailarawan ang sayang nararamdaman niya kahapon.

Sa sobrang saya niya, nawala tuloy sa isip niya ang kanyang tula. Kaya heto siya at hilong-talilong sa paghahanap ng tula niya. Lahat ng pinuntahan niya kahapon ay natingnan na niya, puwera sa park na pinuntahan nila ni Reus, kahahanap sa tula niya pero wala pa rin. Ang last chance niya ay itong university gym at ang park.

Kailangan niyang makita ang tulang iyon because that poem signified her heart and her love for Reus.

"Oh, Jelle, may hinahanap ka?"

Napatingin siya sa nagsalita na si Chuck, ang tahimik niyang kaklase at kaibigan ni Reus. Miyembro rin ito ng Tennis Knights. Napansin niya ang lungkot sa mga mata nito. Maybe, he has a problem, too.

Tumango siya. "A paper with something inside. Hindi ko alam kung saan ko na-misplace."

"Tulungan na kita."

"Okay."

They searched the whole place but still, her poem was nowhere to be found. Napaupo siya sa sahig sa loob ng locker room ng mga Tennis Knights. Inabutan siya ni Chuck ng bottled water at kaagad niya iyong tinanggap.

"Nasaan na kaya 'yon?" mas sa sarili niya tanong iyon na narinig ni Chuck.

"Ano ba ang laman n'on?"

"Poem."

"For Reus, right?"

Napatingin siya kay Chuck dahil sa sinabi nito, lalo na sa katiyakan sa tinig nito. Talaga bang masyado siyang transparent sa feelings niya? Noong una si Reus kay Guji. Ngayon naman si Chuck kay Reus. Baka mamaya, magkagusto rin siya kay Chuck?

Syempre, joke lang po 'yon.

"You love him," that was more of a statement than a question.

Tumango siya. "I love him, Chuck. Pero hindi niya ako gusto. Ang akala niya ay si Guji ang gusto ko pero siya ang mahal ko. Ang sakit-sakit." aniya.

"Bakit hindi mo ipakita sa kanya na siya ang mahal mo?"

"Natatakot ako na baka i-reject niya ako. Baka hindi ko makaya kapag sinabi niyang hindi niya ako mahal."

Tama iyon. Natatakot siyang marinig sa bibig ni Reus na hindi siya nito mahal. Dahil kahit paulit-ulit sabihin ng mga kabarkada nito na mahal siya ni Reus, mahirap paniwalaan. Dahil hindi naman si Reus ang nagsabi niyon, ang mga kaibigan lamang nito.

Natatakot siyang umasa dahil natatakot na siyang masaktan. Oo, sweet si Reus sa kanya pero naisip niya, paano kung ganoon lang talaga si Reus? Paano kung wala naman iyong ibang ibig sabihin? Parang, ang hirap mag-expect kahit nagbibigay ng dahilan para mag-expect ang isang tao.

"You're lovable, Jelle. Kahit sinong lalaki ay makakaya kang mahalin sa magagandang katangian mo."

Sa kabila ng tila lungkot sa puso niya ay napangiti siya. Chuck has this aura around him that could make someone feel calm or okay.

"Thanks, Chuck. Lalabas muna ako. Hahanapin ko pa 'yong tula ko, eh."

Pagkatango nito ay kaagad siyang lumabas ng locker room. She was already outside the gym when she saw Reus standing at the side of the gym. Nakangiting lumapit siya dito. Ang akma niyang pagtawag sa pansin nito ay napahinto nang makitang may mga kasama ito, si Enzo at Kei.

Your Love Is The Only Exception (Tennis Knights #4) (Published under PHR)Where stories live. Discover now