Kabanata 8

1.4K 79 9
                                    

Kabanata 8


NAKANGITING nilapitan ni Jelle si Reus na tahimik na nakaupo sa bench sa gilid ng open court. Hindi pa niya ito nakakausap simula noong huling pag-uusap nila kahapon. Nahihiya kasi siyang lapitan ito sa classroom nila kanina dahil nakadikit ito kay Guji. Hindi naman kasi ibig sabihin na porket sumusuko na siya kaagad sa feelings niya para kay Guji ay mawawala na ang feelings niya ng ganun-ganon na lamang.

Syempre, kailangan niya ng oras upang makalimot.

Hindi niya alam kung bakit pero napangiti siya habang pinagmamasdan ang pakikipaglaro ni Reus sa puting pusa na hawak-hawak nito. She didn't know why but she found him so adorable and so cute just because he was an animal lover.

"Reus," pukaw niya sa atensiyon nito.

Mula sa pusang hawak ay ibinaling nito ang paningin sa kanya. Nang makita siya ay kaagad siyang nginisihan nito. Para bang tila nagustuhan niya ang ngisi nito. He suddenly looked so cool and charming while grinning like that.

Bahagya siyang umiling upang iwaksi ang kaisipang iyon. Hindi porket tinulungan siya nito ay pupurihin na niya ito. Kahit kapuri-puri naman talaga itong si Reus, hindi pa rin niya ito pupurihin!

Ano raw? Err.

"Ano'ng maipaglilingkod ko sa 'yo, Jelle? Manliligaw ka ba? Mamaya na, busy pa kami ni Ryoma-sama, eh," nakangising wika sa kanya ni Reus at inginuso ang hawak nitong Himalayan cat. Iyon marahil si Ryoma.

She rolled her eyes at him and for the first time, hindi siya napikon o naasar sa simpleng hirit nito. In fact, she could tolerate it. Nangingiti na siya sa pang-aasar nito. Improving!

"Ang kapal mo, Jarreus! Bakit naman kita liligawan? Heller?!" kinikilabutan na wika niya habang pigil-pigil ang pagngiti.

Since the incident yesterday, gumaan na ang loob niya kay Reus. Dahil nakita at nalaman niya na sa likod nang maloko at mapagbiro nitong katauhan ay may isang mabait, maalalahanin, at malalim na Reus na nagtatago. You just have to look deep, deep, deep inside.

"Sows! Defensive ka masyado, Jelle. Anyway, bakit mo ako dinalaw sa kaharian ko?"

"I want to talk to you."


"BAGO ka mag-isip ng kung anu-ano, kaya kita inaya dito sa McDonalds ay dahil ito ang fastfood chain na malapit sa Saint Vincent. Pangalawa, dahil gusto kong magpasalamat sa 'yo," panimula Jelle kay Reus na siyang kaharap niya.

Ngayon ay nasa isang fastfood chain na silang dalawa. Siya ang pumili sa lugar na ito dahil paboritong-paborito niya ang McFloat dito. Hindi naman kasi siya mapiling tao.

Sumipsip siya sa Mcfloat at kumuha ng French fries na nasa lamesa. She dipped the fries on the ice cream on top of her float. Kailan pa ba siya huling nakabisita dito sa McDonalds? Kay tagal na rin kaya naman sobrang na-miss niya ang McFloat at French fries dito.

Wala siyang narinig na tugon mula kay Reus kaya binalingan niya ito. Reus was looking at her with amusement on his face. Hindi niya mapigilang mapasimangot at ma-conscious nang bahagya.

"Anong problema mo?" angil niya sa lalaki.

Ngumisi lamang ito at bahagyang umiling. "Ang cute mo kasing panoorin habang kumakain. Parang first time mong makakain ng French fries. At talagang sinasawsaw mo sa ice cream? Iba ka, Jelle. Weird but cute."

"Syatap, Reus! Anong akala mo sa akin? Sabik? Well, slight lang naman. Na-miss ko kaya ito. Epal ka. Tsaka, cool ang French fries na sinawsaw sa ice cream. Ang sarap kaya! Try mo!"

Tumawa ang lalaki sa kanyang harapan. At siya? Ayon, napatitig na lamang sa lalaking ito. She was deeply mesmerized by his laugh. Buhay na buhay ang tawa nito. Maging ang ibang tao nga sa loob ng McDonalds ay napatingin kay Reus dahil marahil sa tawa nito. She even noticed how the girls inside the fastfood chain swooned at him. Eww.

"You're so cute, Jelle. Ang sarap mong halikan," nakangising anito.

Inirapan niya ito upang itago ang pamumula ng mukha. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya sa isang ito. "Shut—" Hindi niya naituloy ang iba pang sasabihin dahil sa biglang ginawa ni Reus.

Dumukwang ito papalapit sa kanya. His face was so close to hers. Parang isang galaw lamang niya ay magtatagpong muli ang kanilang mukha. Bahagyang napaawang ang labi niya habang nakatitig sa mukha ni Reus. She noticed how handsome he was especially with this distance.

Napapiksi siya nang maramdaman ang daliri nito sa gilid ng labi niya. He licked his finger before smiling wickedly at her. "Hmm. Masarap nga ang ice cream nila dito, Jellybean."

Maang na napatitig si Jelle kay Reus. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. The mere fact that he brushed his finger on the corner of her lips was something else. Pero ang sunod nitong ginawa sa daliri nitong ipinahid sa gilid ng labi niya ang nagpa-windang sa kanya. It was somehow an... indirect kiss.

Ramdam niya ang pagtibok nang pagkalakas-lakas ng puso niya. Kulang na nga lamang ay lumabas iyon sa rib cage niya at tumalbog-talbog sa mesa sa kanyang harapan. Ano bang nangyayari sa kanya? Kailan pa naging parang bola ang puso niya?!

"Earth to Rejelle. Hello?"

Napakurap siya at yumuko upang itago ang pamumula ng kanyang pisngi. My God! Ano bang ginagawa sa kanya ng lalaking ito?

"Are you okay, Rejelle?"

Tumango siya. "I'm fine. Anyway, gusto kong mag-thank you sa 'yo, Reus. Because of you, I realized how pathetic my plan was. Because of you, I realized how bad I am just by thinking of doing that kind of scheme. Thank you."

Wala siyang narinig na tugon mula kay Reus. Mula sa pagkain ng fries ay binalingan niya ito. She almost gasped aloud when she noticed the gentle and true smile on his face. She would always be mesmerized by his smile.

Ano ka ba, Jelle? You're talking as if you're attracted to Reus, anang isang bahagi ng kanyang utak.

Agad niya iyong iwinaksi at hindi na binigyan ng importansya. There was no way that she was going to like Reus. He wasn't her type. Not at all!

"You're welcome. Masyado talaga akong magaling sa pagbibigay ng mga payo kaya natauhan ka. Am I great or great?" nakangisi nang wika ni Reus sa kanya.

Kahit wala na ang ngiti nito ay hindi pa rin iyon mabura-bura sa isipan niya. Just what the heck was happening to her right now? Ganito ba talaga ang mga babae kapag brokenhearted? Kung anu-ano ang napapansin?

"Alam mo, Reus, minsan ka lang talaga mabait, 'no?"

"Hoy, Jelle! Araw-araw kaya akong mabait!" anito at sa mahinang tinig na hindi niya nasundan ay winika, "Hindi mo lang ako napapansin."

"What?" tanong niya dahil hindi niya narinig ang huling pangungusap na winika nito.

"Sabi ko, araw-araw akong mabait, sa 'yo lang hindi."

"Ah, gan'on?" nakataas ang kilay na tanong niya. Ibinato niya rito ang isang fries na hawak niya. She couldn't help but laugh when she noticed the expression on his face. Priceless!

Mayamaya'y lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Reus habang nakatingin sa kanya. Unti-unting humina ang pagtawa niya hanggang sa natahimik siya.

"Are you going to be okay?" kapagkuwan ay tanong nito.

"Of course. I just need time. Just like what my father had said to me, I just need to find the right one for me."

"Baka naman nahanap mo na siya, hindi mo lang pinapansin," mahinang patutsada nito.

"What?"

"Wala. Sabi ko, kain lang nang kain."

Nagkibit-balikat na lamang siya at muling sumubo ng fries. Pero hindi pa rin maalis-alis sa isip niya ang ngiti nito. Sa durasyon ng pag-uusap nila ni Reus ngayon, 'ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng bitterness o pain kapag nababanggit sina Guji at Jill.

Maybe it was a good sign. Maybe, just a little more time and she could finally move on.

Your Love Is The Only Exception (Tennis Knights #4) (Published under PHR)Where stories live. Discover now