Kabanata 14

1.4K 83 9
                                    

Kabanata 14


HINDI maiwasang mapangiti ni Jelle habang pinapanood ang pagpa-practice ni Reus. Wala siyang magawa sa mga oras na ito kaya naman naisipan niyang dumaan dito sa open court. First time niyang dumaan dito na hindi si Guji ang pinunta niya, kundi si Reus. Si Reus na wala nang ginawa kundi ang paibigin siya.

Naks! Si Reus na walang malay. Napailing na lamang siya sa takbo ng utak niya. Adik.

Singles ang nilalaro ni Reus ngayon at ang kalaban nito ay third year student na si Rein. Miyembro rin ang huli ng Tennis Knights. Himala sa himala na hindi si Guji ang kapares o kalaban ni Reus. Palagian kasing ang dalawang iyon ang nagsasalpukan, on or off court man.

"Go, Rein-sama! Fighting!"

Napalingon siya nang marinig ang sigaw na iyon na may kalayuan sa puwesto niya. She smiled a bit when she saw the fascination on the girl's face while watching Rein play. Siguro, ganoon din siya noon kay Guji. Oh, well, iba talaga ang fascination sa love. Ibang-iba.

Mula sa bulsa ng jacket na suot niya ay inilabas niya ang tulang nagawa niya kagabi. Ang tulang nagawa niya habang ang nasa isip at puso niya ay si Reus. Ang tulang nagawa niya dahil kay Reus. She was planning of giving this poem to him pero hindi niya alam kung papaano. Natatakot kasi siyang ma-reject at masaktan.

"Can I speak to you, Rejelle?"

Marahas na napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Standing beside her was Guji. Bukod sa pagtataka ay wala na siyang ibang maramdaman sa ngayon. Sure na sure siya, si Reus ang dahilan kung bakit. Tumango siya at hindi kumibo. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

"Reus is happy."

Nabigla man sa paunang salita ni Guji ay hindi niya ipinahalata. "He's always happy naman, I think."

"No. He's not totally happy before. I guess, he became truly happy because of you."

"What—"

"He loves you and I can see that you love him. I know it's out of my character to approach a girl and talk to her about this stuff. But I owe this to Reus. He loves you, Jelle. Kahit kailan, hindi ko siya nakitang ganyan kasaya, saya kapag kasama ka niya."

Wow. Just wow. Ito na siguro ang pinakamahabang nasabi ni Guji sa tanang-buhay nito. At para pa 'yon kay Reus?! Dapat na ba siyang magselos na baka all along, type pala ni Guji si Reus?!

He-he.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang umasa sa obserbasyon lamang ni Guji. Subalit sutil ang puso niya, tinanggap ang mga sinasabi nito. Tila nga ba gusto nang tumambling ng puso niya dahil sa mga naririnig mula kay Guji. Ayaw niyang mag-expect pero hindi niya maiwasan. Lalo na't may mga nagbibigay ng dahilan para mag-expect siya.

"Don't tell me, nagseselos ka sa 'kin?" hindi niya napigilang biruin si Guji upang pigilan ang labis na kilig at tuwa.

Imbes na magalit ay bahagyang ngumiti si Guji sa labis niyang pagkagulat. "Maybe."

"Nasaniban ka yata, Guji. That's so not you."

"I know."

Hindi na siya nakatugon pa dahil mula sa kung saan ay sumulpot si Reus na hawak-hawak pa ang raketa nito. Matalim ang tingin nito kay Guji. "Gusto mong matikman ang hagupit ng raketa ko, Guji-mon? Alam kong hindi kaya tsupi! Shoo. Alis, nognog."

"Reus—"

Napahinto siya nang bigla siyang hinawakan nito sa kanyang braso at ipinuwesto siya sa likuran nito, as if he was shielding her from Guji. From what? She didn't know.

Your Love Is The Only Exception (Tennis Knights #4) (Published under PHR)Where stories live. Discover now